Nakatulala si Alai sa kisame. Tatlong linggo na ang lumipas nang makipag-hiwalay siya kay Arkin. Tama ba ang ginawa niya? Dumagdag lang yata siya sa problema nito. She resigned from her work. Pinadala niya ang resignation letter niya sa opisina. Hindi niya kayang humarap dito. Umuwi siya sa probinsya niya. She needs to unwind too. And she find her province a perfect place to do that. Minsan nasa palayan siya. Tumutulong sa mga trabahador. Nililibang niya ang sarili niya. Hindi niya kailangang magmukmok nang dahil lang ‘don. Nagulat siya nang tumunog ang cell phone niya. Sinagot niya 'yon.
"Hello?" sabi niya.
"Hello, Alai." nagulat siya si Len ang tumawag.
"Andito na kayo sa Pilipinas?" sa Manhattan kasi nag honeymoon ang mag-asawa.
"Kahapon lang kami dumating. Hoi! Ano bang nangyari dun sa pinatra-trabaho ko sayo?"
"Alin?"
"Si Arkin!"
"Ahhh.."
"Bakit balita ko ay nasa U.S. daw ngayon."
"Ha? Anong ginagawa niya 'don?" wala siyang balita dito, kaya hindi rin niya alam ang dahilan kung bakit nandon ito.
"Aba! Kayong dalawa ang mag-kasama diba? Secretary ka pa nga niya diba?"
"Paano mo nalaman 'yon?"
"Sinabi ni Rufranz sa'kin kagabi."
"Nagkita na kayo?"
"Oo, pinapunta ko sa bahay namin. Makikibalita ako. Tinatawagan ko yung dating number mo, out of reach naman. Nagpalit ka na pala ng number. Tinanong ko lang kay Rufranz yung number mo.”
“Anong balita sa inyo ni Caleb?”
“Sagutin mo muna yung tanong ko. Anong nangyari sa inyo ni Arkin? Sinabi sa’kin ni Rufranz kagabi ay naging kayo daw. Tapos kanina nabalitaan ko kanila MM na nag-out of town daw itong si Arkin. So, tell me what happened?”
Napabuntong-hininga siya. Kinuwento niya lahat mula sa umpisa. Hanggang sa nagkahiwalay sila.
“Ano ba yan insan? Pang telenobela ang storya nating dalawa. Mas mahirap nga lang yung sayo. May karibal ka sa puso ni Arkin, and the worst thing is, ang karibal mo ay isa ng malamig na bangkay. Pero parang mas mahal pa yata siya ni Arkin. Buti kinaya ng heart mo ‘te.”
“Oo nga, eh. Sobrang sakit ‘couz.”
“ ‘Couz kasi sa pag-ibig hindi mo dapat ibinibigay ang lahat ng pagmamahal dapat nagtitira ka rin sa sarili mo.”
“Bakit ikaw naisip mo rin ba ‘yan nung naging kayo ni Caleb. Diba hindi, kaya nung nalaman mo na pinag-pustahan ka lang. Araw-gabi ako ang pinupuyat mo. Grabe ka insan, hindi iyak ang ginawa mo ‘nun eh, umatungal ka,eh.” natatawa siya pag naaalala niya ‘yon.
“Haay!! Wag na nating pag-usapang ‘yun ‘couz. Ang problemahin natin eh yung love story mo. Sana naman pagbalik ni Arkin ikaw na ang mahal niya. Anong malay natin.”
“Naku, ‘couz hindi na’ko aasa. Mahirap na baka masaktan uli ako.”
“Sabagay...”
‘Ikaw ‘couz anong balita sa inyo ni Leb?”
“Hmmm..Good news insan.”
“Talaga?”
“I’m pregnant. Magtwo-two months na. Sabi ko naman sayo ’honeymoon baby’ ang panganay namin. Ninang ka.”
“Wow. Sana kay Caleb magmana. Wag sayo.” biro niya dito.
Tumawa lang si Renalyn. Hindi nagtagal ay nagpaalam na ito.
“Sige, ‘couz. Kailangan ko ng magpahinga. Istrikto si Mister, eh.”
‘Sige.Sige.” she hang up.
Natutuwa siya para sa pinsan niya. Masaya na ito at alam niyang lalo pang sasaya ito.
Anong kayang ginagawa ni Arkin sa U.S.? Siguro sinunod yung sinabi niya. Nag-unwind nga ito. Sana nga magka-totoo ang sinabi ng pinsan niya. Na sa pagbalik ni Arkin siya na ang mahal nito.
=======
BINABASA MO ANG
CTLS: Unexpected Love (2nd story) [COMPLETED]
FanfictionHindi naman talaga ako ang may balak nito.. Si Len naman kasi... Ire-reto na lang ako sa lalaki... sa lalakeng may mahal pa... ayan minahal ko tuloy.. ---------------- Lalo nang malaman ko.. yung karibal ko sa puso niya.. patay na.. Ang hirap lum...