I just finished breakfast and I am now in Dame's room putting my things back in the suitcase. Maaga daw siya umalis para pumunta ng opisina dahil may importante daw siyang meeting, yun ang sabi saakin ni Nanay Bebeng.
Nag mamadali akong iligpit ang mga gamit ko dahil ayaw kung maabutan niya ako dito. Pinipigilan pa ako ni Nanay Bebeng na pag usapan daw muna namin ni Dame ang nangyari kagabi pero ako, ayoko na. Sobrang sakit ng mga sinabi niya saakin kagabi at hinding hindi ko makakalimutan yun.
"Iha, bakit naman agad agad eh hindi pa nga kayo nag uusap ni Dame. Hintayin mo muna siyang makauwi." sabi ni Nanay Bebeng nakatingin saakin.
"Nay, wag na po ayoko na dito. Pasensya na po kayo at dinamay ko pa kayo sa kalokohan ko. Uuwi na po ako." sabi ko at isinara ang maleta ko.
"Iha, intindihin mo naman ang asawa mo baka nabigla lang yun dahil sa ginawa mo. Ito naman oh, kakakasal niyo lang eh ganyan agad kayo."
"Nay I'm sorry but i need to go home." sabi ko sa kanya at hinila ang maleta ko.
Tinulungan naman ako ng ibang mga kasambahay ni Dame para ibaba ang mga gamit ko. Pinakilala sila sakin ni Nanay Bebeng kaninang umaga. Mababait naman sila kagaya ni Nanay Bebeng gusto rin nila ako, pati nga sila pinipigilan akong umalis.
Nang maibaba ko na ang limang maleta ko ay bumalik ako sa kwarto ni Dame para kunin yung bag ko at ang mga skincare ko. Hindi ko pwedeng iwan yun, aalis ako dito sa bahay niya na walang natitirang mga gamit ko. And, yes, sa dami nang mga gamit ko umabot ako ng limang maleta. Yung iba nga sa kanya pa, pero syempre ipapagrab ko yan.
Pagkatapos kung makuha ang bag ko ay aktong lalabas na sana ako ng biglang dumating si Dame. Teka, bakit nandito siya? May meeting 'tong lalaking to.
"Evora, what are you doing? I saw your five suitcases downstairs, and they told me you're leaving. Where are you going?" tanong ni Dame sakin na nakapamulsa.
Seryoso siya ngayon, as in seryoso. Hindi ko siya pinansin. Lalabas na sana ako ng pintuan nang bigla nalang siyang humarang sa harapan ko, agad naman akong umatras.
"I am leaving your house now." sabi ko, hindi tumitingin sa kanya.
"I'm not asking you to leave, I didn't say you should leave here."
"You're right, you didn't ask me to leave. That's why I am leaving your house on my own, I want to go back home and I can't stand being here."
"Oh, come on, Don't tell me that you're leaving because of what happened last night." tiningnan ko siya at tinaasan siya ng kilay.
"You know what, Dame. Ayaw ko ng maraming sasabihin, gusto kung umalis dito sa bahay mo. So if you can, leave in front of the door, wag kang pa harang harang!"
"Evora, you can't do that my parents will be angry with me and so will yours if you do wh-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla ko nalang siyang hinila at pinatabi sa gilid, at agad na lumabas.
Mabilis akong nag lakad pababa ng hagdan at nakasimangot. Sila Nanay Bebeng ay nasa baba habang nakatingin saakin. Ramdam ko rin na sumunod si Dame saakin.
"Evora! Stop this you're overreacting! Akala mo ikaw yung victim dito." napatigil ako when he grabbed my wrist kaya napalingon ako sa kanya.
"Ano ba?! Tigilan mo nga ako." sigaw na sabi ko sa kanya.
"Evora, please, tigilan mo na 'yan! Wag mong gawin 'to. Kung aalis ka, magagalit saakin ang parents ko, pati na yung parents mo! Hindi mo ba naiisip 'yon? Ang dami mong pinagmumulan ng gulo, na ikaw naman ang nag simula." napangisi ako nung sinabi niya yun, kinuha ko ang kamay niyang nakahawak saakin at padabog na binitawan ito.
"Hindi ko na kasalanan yun. Aalis na ako dito sa bahay mo, tutal, hindi naman tayo mag kakasundo eh."
"Come on! You're so dramatic eh ikaw naman talaga yung may kasalanan!" sabi niya na ngayon nakapamewang na.
"Ang dami mong sinasabi Dame, ugh! I can't believe this! I'm leaving. I'm really, really leaving! Hindi ko na kaya 'to! What the heck did I sign up for?! Bakit ba akong pumayag na ipakasal sa'yo." sabi ko at agad na tinalikoran siya.
Gaya kanina nakaharang na naman siya sa harapan ko na mas lalong nag painit sa ulo ko. Gusto ko nang makaalis sa bahay na'to.
"Hindi mo ba talaga naiintindihan ang mga sinabi ko sayo, Evora? If you leave, it's just going to cause a huge mess. Can you, for once, realize that I'm older than you, so listen to me!"
"No! Aalis ako, naiintindihan mo? Do you think I wasn't hurt by what you said to me last night? That's also one of the reasons why I'm leaving, you're already taking advantage of me, and on top of that, you speak so hurtfully."
"Are you trying to be funny?" sabi niya na nakangiti na tila ba nangaasar, kunot noong nakatingin ako sa kanya. "Me? Taking advantage of you? Seriously? Sa edad mong yan tingin mo gagalawin kita? At parang ikaw pa yung victim dito ah na ako naman dapat because of what you did...Fine, if you want to leave, then leave. I won't stop you." sabi niya at agad na umalis, binangga niya pa ang braso ko na nag pagulat saakin.
"Talaga, talagang aalis ako! At hinding hindi na ako babalik sa impyernong bahay na'to no! Fuck you, Dame! Fuck you ng marami! Argh! Nakakainis!." sigaw ko sa kanya at nag bad finger pa, sinipa ko pa ang maleta ko sa sobrang inis.
"I forgot to mention, those three suitcases you brought are mine. They belong to me, so you have no right to take them. Return them to my room." napalingon ako ng mag salita na naman siya.
"Alam ko! Wag kang mag alala ipapagrab ko 'to, dito kana nga lang bumawi na pahiramin ako hindi mo pa magawa." sabi ko.
"Bint 'aneeda. Faqat irhal wala ta'ud." sabi niya at agad akong tinalikoran.
"Hoy! Wag na wag mo akong ma muslim muslim ah humanda ka talaga sakin kapag nakakaintindi na'ko talagang tutupiin kita sa walo!" sigaw na sabi ko sa kanya, inuubos talaga ng lalakeng ito ang pasensya ko.
Napabuntong hininga ako sabay hawak sa noo ko, malakas ang aircon pero pinagpapawisan ako. Nakakainit ng dugo ang lalakeng yun kuhang kuha niya talaga ang inis ko.
"Gusto mo ba talagang umalis?" napalingon ako kay Nanay Bebeng na seryosong nakatingin saakin.
"Opo, uuwi po ako. I need to go home Nanay Bebeng kailangan kung bumalik saamin."
"Hay nako kayong dalawa talaga katatapos lang ng kasal ninyo para na kayong aso't pusa...Anong sasakyan mo at hindi ka ata ihahatid ni Dame."
"Mag tataxi po ako Nay, marami naman po diyan sa labas." sabi ko na ngayon nakahawak na sa dalawa kung maleta, siguro yung tatlo babalikan ko nalang.
"Halika ka at sasamahan kita at baka ano pa ang mangyari saiyo diyan sa labas, tsaka tingnan mo nga para kang mag aabroad sa sobrang dami mong maleta." napatawa naman ako sa sinabi ni Nanay Bebeng kasi tama siya para akong mag aabroad.
Hinatid ako ni Nanay Bebeng dito sa may palengke na malayo sa bahay ni Dame dahil dito raw ang maraming taxi na dumadaan. Uunti lang kasi ang dumadaan sa bahay ni Dame since tahimik nga ito, at halos may mga sakay ito.
Saktong alas singko na ako nang makasakay ng taxi, sinamahan pa ako ni Nanay Bebeng na mag hintay ng taxi bago siya umuwi. Pinipigilan niya nga ako na wag nang umuwi pero kailangan talaga dahil baka pag nag tagal ako dun ay baka araw araw nag aaway kami ng lalakeng yun. I just feel sad because even though we were together with Nanay Bebeng for just a short time, I already felt comfortable with her. Alam kung nalungkot rin siya sa pag alis ko kahit hindi niya sabihin ay nararamdaman ko yun.
Habang nakasakay ako sa taxi ay malalim ang iniisip ko, hindi ko alam kung ano ang irarason ko sa kanila ni mama kapag nalaman nilang umuwi ako. Kahit sabihin ko ang totoo ay wala namang bago pauuwiin parin nila ako kay Dame at yun ang ayaw kung mangyari. Bahala na mag iisip nalang ako ng ibang dahilan ang importante nakaalis na'ko dun.
Sumandal ako sa may bintana at dahan dahang ipinikit ang mata ko.

YOU ARE READING
The Married Woman
RomanceThe story begins with a beautiful and intelligent girl named Evora. She is 18 years old and currently studying at the University of Bernadette. She is a first-year college student taking up Tourism. Evora enjoys her chosen course, especially since s...