Dahan dahan kung iminulat ang aking mata ng may marinig akong ingay dito sa kwarto ko at ng may tumama sa mukha ko ng sinag ng araw. Pero mas nangingibabaw ang antok ko kaya ipinikit ko nalang ang mata ko at binaon ito sa unan.
Madaling araw na ng matapos ang party kahapon sa Neon City kaya pagod na pagod ako ngayon. Madaling araw narin ako hinatid ni Dame dito sa mansion, hindi pa ako sumama sa kanya dahil wala pa akong gamit dun sa bahay niya. Masaya ang party kahapon nag enjoy ang lahat ng mga bisita lalo na si Dame, akala ko nga hindi siya mag eenjoy pero nung nakarating na kami sa Neon City ay masaya pa siya sa mga magulang niya. Nandun rin kasi ang mga kaibigan niya.
Habang ako nasa gilid lang kumakain, hindi kasi ininvite nila Mama si Christden at Boji. Tapos iniiwan lang ako nila Mama kahapon sa party. Kaya ayun, kumain nalang ako sa gilid na busog pa ako sa mga masasarap na pagkain.
Padabog akong bumangon sa kama ko at pinipilit na imulat ang mata ko dahil hindi parin natatapos ang ingay dito sa kwarto ko.
"Ano ba ya- Ma? What are you doing here? At tsaka bakit dala dala mo yang maleta ko?" agad akong tumayo ng makita ko si Mama na dala dala yung maleta ko.
"Mabuti naman at gising kana ingay lang pala ng mga maleta mo ang mag papagising sayo, maligo kana aayusin ko lang itong mga gamit mo." nagulat ako sa sinabi ni Mama, ayusin? for what? sinundan ko pa ng tingin si Mama.
"Para saan? Are you going to kick me out, Ma?" takang tanong ko.
"Anak, hindi, I'm arranging your things because you're going with Dame. In fact, Dame has been waiting downstairs for you since you took a long time to wake up." sabi ni Mama na ngayon dala na ang mga gamit ko nilalagay sa maleta.
"What?! Ma, No! I am not going with him! I'll just stay here in the mansion, I don't want to go with him because who knows what he might do to me." gulat kung sabi kay Mama, agad niya namang tinigil ang ginagawa niya at tumawang nakatingin saakin.
No! Hindi! Mas gusto ko nalang dito sa mansion. Pwede niya naman akong dalawin dito sa mansion kung gusto niya akong makita. Pero ang sumama sa kanya? It's a big NO!
"Alam mo anak, I understand you. I felt the same way when I got married to your father. But, I realized that we are already married and we need to be together. So, you also need to go with Dame. You are his wife now." sabi ni Mama at ipinagpatuloy ang pag lalagay sa gamit ko sa maleta.
"Ma, ikaw yun. You knew and loved Papa when you got married, but me? I don't even know or love that person, he might suddenly strangle me or something." sabi ko, nag pupumilit na ayaw kung sumama kay Dame.
"Dame is not a bad person. Enough with the drama, go take a bath, kanina pa nag hihintay sayo yun."
"Pero M-"
"Evora, enough. Wala ng pero pero, anak naman may asawa kana kailangan maging responsible kana. Go, take a bath."
"Arghh! Ayoko! No! No! No!" sabi ko kay Mama at padabog na kinuha ang towel at dumiretso sa banyo.
Narinig ko pang nag salita si Mama pero hindi ko nalang siya pinansin. Basta, ayokong sumama sa lalaking yun. May mga ikinakasal parin naman na hindi nag sasama ah. Kaya ako, ayoko rin na sumama sa kanya. Ayoko kasama ang lalaking yun sa isang bahay. Pumayag na nga ako na pakasalan yun tapos gusto nila sumama pa ako sa kanya.
Natapos na akong maligo at mag ayos may mga uunti pa naman akong damit na nandito buti nalang at hindi inubos ni Mama. Hindi lang ako nakapaglagay ng skincare ko sa mukha dahil sinama ni Mama yun kanina sa pag aayos niya. Nandito parin ako sa kwarto ko, pa lakad lakad siguro nahihilo na yung mga multo kakanood saakin. Ayaw kung bumaba baka mamaya isasama nako ni Dame sa bahay niya. Mas mabuti nalang na nandito ako sa kwarto ko safe pa ako.

YOU ARE READING
The Married Woman
RomansaThe story begins with a beautiful and intelligent girl named Evora. She is 18 years old and currently studying at the University of Bernadette. She is a first-year college student taking up Tourism. Evora enjoys her chosen course, especially since s...