Chapter 09

70 4 0
                                        

Dahan-dahan kung ibinuka ang mata ko ng may naramdaman akong may tumutulak tulak saakin. Agad akong napabalikwas ng maalala ko na nasa van nga pala ako kanina.

Nakatulog pala ako kanina habang nasa byahe.

"What?! Where am i?" masungit kung tanong sa lalaki.

"Nandito na tayo sa mansion ninyo, nakauwi kana." sabi ng lalaki na nag drive kaya napatingin ako sa kanya.

Tumingin ako sa labas at oo tama nga siya, nasa mansion na ako. Nakauwi na ako. Agad kung binuksan ang pintuan ng van at mabilis na nag lakad, narinig ko pang nag salita ang lalaki pero hindi ko na ito pinansin.

Nang mabuksan ko ang gate ay patakbo kung tinungo ang mansion. At nang nasa harap na ako ng pinto ay nanginginig ang paa ko, ganun rin ang kamay ko. Gusto kung kumatok pero pinipigilan ko ang kamay ko dahil kinakabahan ako, kinakabahan ako sa ano ang mangyari.

Kumuha ako ng lakas at ipinikit ang mga mata ko bago kumatok.

Nakailang katok pa ako bago ito binuksan, hindi ko alam kung sino ang nasa harap ko ngayon dahil nakapikit parin ako. Kinakabahan.

"Evora." agad kung binuksan ang mata ko ng marinig ang boses ni Yaya Sabel.

"Yaya Sabel." sabi ko, at agad na niyakap siya.

"Saan kaba galing bata ka, jusko pinagaalala mo kami." sabi ni Yaya Sabel habang nakayakap rin saakin.

Kumalas ako sa pag yayakapan namin at pinapakalma si Yaya Sabel dahil ramdam ko ang puso niyang nag kakarera sa loob.

"Yaya Sabel okay lang po ako, kalma lang po kayo... Ito ako oh buong-buong Yaya." sabi ko sa kanya.

"Nag alala kaming lahat sayo, kumusta ka? Ayos ka lang ba? Sinaktan kaba nila? May masakit ba sayo?" pag aalalang sabi ni Yaya Sabel at tiningnan ang buo kung katawan kung may galos ba.

I really miss Yaya Sabel so much, I miss her asking about me. Her hug that calms me.

"Yaya, kalma okay? I'm okay, they didn't hurt me... But they hurt my friends." sabi ko.

"Jusko po." sabi ni Yaya na ikinagulat niya.

"Nasaan po sila?" tanong ko kay Yaya Sabel.

Kailangan kung makausap si Papa, lalo na sa nangyari ngayon.

"Nandoon sa loob, kumakain...Puntahan mo siguradong nag aalala sila sayo." sabi ni Yaya Sabel sabay hila saakin.

"Nandiyan rin po si Mama at Ate?" tanong ko.

"Oo nandito sila nag hihintay sayo." sabi ni Yaya Sabel.

Habang tinatahak namin ang kusina ay malakas ang kabog ng aking dibdib. Parang mga kabayong nag tatakbuhan.

Nang makarating na kami sa kusina ay hindi agad kami napansin dahil busy sila sa pag uusap, and guess what? ako ang pinaguusapan nila.

"Ma'am, Sir," tawag ni Yaya Sabel sa kanila.

"Yes, Yaya Sabel?" si Ate Aisha habang seryoso parin sila sa pagkain.

I am behind Yaya Sabel holding her hand, I hold her hand tightly. Dahil na siguro sa kabang nararamdaman ko.

"Nandito na po si Evora." sabi ni Yaya Sabel.

"Huh?!" gulat na sabi ni Mama at napalingon sa kinaroroonan namin ni Yaya Sabel.

Kita ko ang gulat sa mata niya ganun rin si Ate Aisha. Si Papa naman ay napatigil sa pagkain at hindi ako tiningnan. Agad na tumayo si Mama at patakbong lumapit saakin.

"Evora anak?!...Thank God, your here." sabi ni Mama na mahigpit akong niyakap. Pero hindi ako yumakap pabalik kundi nanatiling nakatingin kay Papa.

"Welcome back, sa wakas umuwi ka rin." sabi ni Ate at niyakap rin ako, gaya ng ginawa ko kay Mama hindi ako yumakap pabalik kundi nakatingin lamang kay Papa.

The Married WomanWhere stories live. Discover now