Madaling araw na nang makarating ako sa mansion dahil sa sobrang traffic kagabi, nakatulog na nga rin ako sa taxi sa hinahaba haba ng byahe. Pag dating ko sa mansion walang nakapansin sa pag dating ko dahil tulog narin ang mga tao. Dumiretso na agad ako sa kwarto ko at iniwan ang mga gamit sa baba dahil sa sobrang pagod galing sa byahe.
My room hasn't changed, it's still the same. The only difference is that my closets are empty because ever since I married Dame, all my things have been sent to me. Nakahilata ako sa kama ko ngayon kita ko na rin ang sinag ng araw sa labas na tumatama sa mukha ko.
"Good morning World! Welcome home, Evora! This is it, the start of our new life again because you successfully managed to leave that man's house." nakangiti kung sabi sa sarili ko at tumayo na.
Inayos ko ang kama ko at agad na dumiretso sa salamin. I looked at myself, smiling and even spinning around. I was just happy because, finally I was home. Pero, sa saya kung ito paniguradong magugulat ang mga tao na nandito sa bahay kapag nakita nila ako at pupunoin ng maraming tanong. But it's easy to come up with reasons, so I'll get through this. For now, I'll just enjoy the happiness I'm feeling because I'm back at the mansion.
I was happy as I opened the door to my room and started walking around like I was Miss Universe. While going down the stairs, I carefully descended, striking poses in different spots as if I were in a photoshoot.
"Whoa! It's good to be back!" sigaw ko habang nasa hagdan at lumilingon lingon sa paligid na tila bang may nanonood saakin.
"Evora?" napalingon ako sa baba ng may tumawag saakin, and it's Yaya Sabel.
"Yaya Sabel!" nakangiti kung sigaw kay Yaya Sabel at agad agad na patakbong bumaba sa hagdan.
"Yaya Sabel nandito na ulit ako ya! Omg! How have you been? It's been so long since I last saw you, miss na miss na po kita." masayang sabi ko sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit.
Nakangiti at napapikit ako na nakayakap sa kanya ngayon, pero nung napansin kung wala siyang reaksyon sa ginawa ko ay agad akong humiwalay sa kanya at tiningnan siya. Why does it seem like she's not happy that I'm here.
"Ya? Yaya Sabel it's me." sabi ko
"A-alam ko." matipid na sabi ni Yaya Sabel saakin na seryosong nakatingin lang saakin at walang reaksyon sa kanyang mukha.
"Yaya Sabel are you pranking me? No reaction challenge ang atake mo diyan ha, kakanood mo yan ng youtube. Bakit ka ganyan? You look like you've seen a ghost. It's like your possessed or something, I can't understand." seryosong sabi ko sa kanya.
"Evora? Anak? Ikaw ba yan?" sabi ni Yaya Sabel sabay hawak sa mukha ko at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. creepy.
"Yeah, it's me."
"Evora? Ikaw nga! Ahhh!" napatalon ako sa gulat ng biglang sumigaw si Yaya Sabel sabay yakap saakin sa leeg na napakahigpit "Ang alaga ko umuwi na! Ikaw nga akala ko ay nanaginip lang ako." masayang sabi ni Yaya Sabel na tumatalon pa sa tuwa.
"Y-ya m-mahigp-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil para na akong duyan sa ginawa niya, I can feel that my face is turning violet because I can't breathe anymore from what she's doing.
"Buti naman ay naisipan mong dumalaw dito, nako, miss na miss na kita." sabi ni Yaya Sabel sabay bitaw sa pagkakayakap nito saakin , habol ko ang hininga ko.
"Ehh? Evora? Okay ka lang ba bakit ganyan ang itsura mo para kang ube jusko halika umupo ka muna dito." tarantang sabi ni Yaya Sabel at pinaupo ako sa sofa, tumakbo naman siya papuntang kusina para kumuha siguro ng tubig.
But me? I'm still holding onto my neck, struggling to catch my breath. Sa ginawa ni Yaya Sabel mauuna pa ata akong mamatay. Dumating siya na may dalang tubig.
"Ito tubig, uminom ka muna. Jusko bakit ganyan na ang itsura mo? Anong ginawa sayo ng lalakeng iyon ha?" tarantang sabi ni Yaya Sabel na nanginginig.
"I-ikaw k-kasi-" hindi ko na naman natuloy ang sasabihin ko ng inunahan niya na naman ako, and this time, she's super oa.
"Ano? Mag salita ka jusko hindi pwede ito pinagsasamantalahan kana pala nang lalaking iyon! Alam ba ng mama at papa mo ito ha?"
"Ya, pwede ba-"
"Hindi pwede! Kailangan nilang malaman ito hindi natin pwedeng hindi sabihin sa kanila ito, Evora."
"Yaya Sabel, pwe-"
"Evora kailang-"
"Yaya Sabel! Listen to me!" sigaw ko na nag paigtad sa kanya.
"Ha? Eh bakit? Ayaw mo bang malaman ng mama at papa mo ito?" sabi niya, nilagay ko ang tubig sa lamesa at huminga tsaka siya hinarap.
"Yaya Sabel, Dame didn't hurt me, he didn't take advantage of me. Do you know who did this to me, making me look like a bruised eggplant?" sabi ko na nakataas ang kilay.
"Ha? Sino?"
"Ikaw." madiin kung sabi sa kanya, kita ko sa mukha niya ang gulat.
"Ha? Ako?"
"Yes, ikaw. Don't you remember? You were so happy to see me that you hugged me around the neck so tightly, I almost died. That wasn't a hug, that was choking. You hugged me so tightly that I ended up looking like I was turning violet. Nakakaloka ka Ya." sabi ko at iniripan siya at uminom ng tubig.
"Ako ba? Pasensya naman akoy nagulat sa pag dating mo...Buti at dumalaw ka." nakangiting sabi ni Yaya Sabel sabay haplos sa mukha ko, I really missed it when she does this to me, it feels so comforting.
Ngumiti ako nang mapakla sa kanya at nag iisip na ng idadahilan.
"S-si Dame po kasi umalis ilang araw na po, na boring ako sa bahay kaya I decided na umuwi na po dito." sabi ko.
"Buti naman at pinayagan ka, Evora. Nako, sigurado akong matutuwa ang mama at papa mo sa pag dating mo. Lalong lalo na ang ate Aisha mo."
"Siguro nga po." sabi ko, hindi ako sigurado kung matutuwa ba talaga sila sa pag dating ko.
"Nasaan po pala sila?" tanong ko kay Yaya Sabel dahil kanina pa kami dito pero ni isa sa kanila wala pa akong nakikita.
"Oo nga pala, maaga silang umalis. Maaga silang pumunta ng opisina at may aasikasohin daw. Tsaka alam mo ba maayos na ang takbo ng inyong kompanya, Evora. Pati itong mansion ninyo naisalba na nang papa at mama mo." nakangiting sabi ni Yaya Sabel at tumayo na agad ko namang sinundan.
So, our company has been doing well ever since I married Dame. According to what Yaya Sabel said, it seems that the company and our mansion are doing fine, as if they have no problems anymore. This is what I got in exchange for marrying Dame. They're probably happy. But what about me? When will I be happy? When will I be able to do what I want without having to follow what they want for me?
"Masaya ba sila Ya?" tanong ko na nakasunod sa kanya.
"Oo naman sobrang saya nila, makikita mo sa kanilang mga mukha...Ikaw? Masaya ka ba?" tanong ni Yaya Sabel at lumingon saakin na nakangiti, kita ko ang pag bago ng reaksyon niya.
"Ahh-Ehh, halika ka tulungan mo nalang ako mag luto para sabay sabay tayong kumain mamaya at sigurado akong dodoble ang saya nila kapag nakita nila ang pinakamagandang anak nila." sabi ni Yaya Sabel at hinila ako papuntang kusina.
Masaya kaming nag luluto ni Yaya Sabel, isa rin ito sa mga bagay na na-miss ko sa kanya. Ito ang lagi naming ginagawa dati kahit na bata pa lang ako. At habang nag uusap kami ni Yaya Sabel the happiness of being home again was replaced with sadness. Sadness because I remembered when I fully married Dame. Maybe when they see me, they're happy, but I think they're happier because the company is doing well, and the mansion is still with us, which almost got lost.
But that's what's important, they're happy. I just hope I could feel the same way.
After helping Yaya Sabel, I told her I would put my things back in the closet and take a shower. Nag volunteer pa siya na siya nalang ang mag aayos ng gamit ko, pero tumanggi ako dahil mas komportable ako kapag ako ang gumagawa lalo na kapag gamit ko. Because when I arrived here, I slept without changing my clothes. At ramdam ko ang lagkit sa katawan ko. Tinanong pa ni Yaya Sabel na bakit parang uuwi na daw ako dito at hindi na babalik sa bahay ni Dame sa sobrang dami kung dalang gamit. And as usual palusot is with me.
YOU ARE READING
The Married Woman
RomanceThe story begins with a beautiful and intelligent girl named Evora. She is 18 years old and currently studying at the University of Bernadette. She is a first-year college student taking up Tourism. Evora enjoys her chosen course, especially since s...
