Chapter 03

70 3 2
                                    

Before I left the bathroom, I washed my face to make sure they wouldn't notice that I had been crying. Ayoko namang isipin nanaman ni Papa na nag dradrama nanaman ako. Hindi ako nag tagal sa bathroom at agad rin akong lumabas inilabas ko lang ang sakit na nararamdaman ko.

Lumabas ako na parang walang nangyari at sinusubukan na maging professional sa harap nila.

Pag labas ko sa bathroom ay natanaw ko si Papa na kausap parin yung mag aayos sa kasal ko. Hindi ko rin nakita si Ate hindi ko alam kung saan siya nag punta.

"Ma'am, Evora" sabi ni Donna saakin ang wedding designer.

Agad naman akong lumapit sa kanila at umupo sa tabi ni Papa.

"I'm sorry if it took me a while, but let's start planning the wedding now."

"It's okay, pinaguusapan namin kung ano magiging theme ng kasal mo." sabi ni Maxime saakin ang wedding coordinator.

"Nako madam, alam mo sisiguradohin namin na magiging bongga ang kasal mo." ngiting sabi ni Faye saakin ang mag mamake-up saakin, kaya naman pala putok na putok yung blush on niya.

"Let see." matamlay kung sabi sa kanila.

Mag sasalita pa sana ako nang biglang tumayo si Papa kaya napatingin ako sa kanya.

"Maiwan ko muna kayo may kailangan lang akong asikasohin
kung may kailangan lang kayo nasa opisina lang ako... Anak, ikaw na muna ang bahala sa kanila." sabi ni Papa.

"Yes Pa." ngiting sabi ko sa kanya.

"Excuse me." sabi ni Papa at agad na umalis.

"So, let's start?" tanong ni Maxime saakin, agad naman akong tumango.

Unang pinakita saakin ni Maxime ay ang wedding gown, susukatan na nga sana ako ngayon kaso naging busy daw yung mag susukat saakin baka daw bukas pa. Marami namang mga gown ang magaganda sa katunayan nahirapan akong pumili.

"I find it difficult to choose the gowns are all so beautiful... Maybe we can opt for something less extravagant." sabi ko sa kanya habang sinarado ang album nang mga gown.

Ayoko yung masyadong bongga na gown hindi ko naman kasi mahal ang taong papakasalan ko, gusto ko yung simple lang.

"Alright, we won't pressure you on what you want... we will give you time to choose the gown you like. Kailangan maging magarbo ang kasal mo, Evora...Dahil yun ang gusto ng Papa mo." sabi niya saakin at may inabot nanaman saaking album.

Ganito ba talaga pag kasal kailangan bobonggahan, well, para sakin hindi naman na kailangan.

"Ma'am Evora, ito yung mga wedding design marami pa po diyan may oras naman kayong pumili kung ano ang gusto ninyo." sabi ni Donna saakin ang wedding designer.

"Well, I have so many ideas swirling in my head for the wedding design. I want it to be elegant yet romantic, with a touch of vintage charm." sabi ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit nasabi ko sa kanya yun kahit ako na bigla ako.

Feeling ko tuloy na parang gustong gusto ko rin ang kasal na ito, well, natutuwa ako kapag tinatanong nila ako kung ano ang gusto ko. Tsaka, iisipin ko nalang na ikakasal ako sa prince charming ko. Kailangan ko muna alisin ang mga negative na nangyari nitong mga nakaraang araw, i need to be a main character kahit ngayon lang.

Nakita ko naman na ngumiti si Faye, Jessiva, at Maxime. Nagulat rin ba sila sa sinabi ko? Ako rin naman.

"Wow madam, you look excited!" duro saakin ni Jessica na nakangiti, binigyan ko rin ito nang matamis na ngiti.

"She is." sabi naman ni Maxime.

Excited? Excited lang ako dahil natutuwa ako kapag tinanong ako kung ano ang magiging design sa wedding ko feeling ko kasi nasa isang pelikula ako, well, yun yung iniisip ko. Pero hindi mismo sa kasal ko.

The Married Woman Where stories live. Discover now