Nandito ako ngayon sa kwarto ko nakatingin sa wedding gown ko na kakarating lang. Si Donna at ang mga kasama niya sa kasal ko ang nag hatid nito. Nagulat nga ako na may wedding gown na ako eh hindi pa naman ako nag papasukat sa kanya, sinabi saakin ni Donna na si Mama daw ang nag bigay sa kanya ng sukat ko. Alam naman kasi ni Mama kung ano ang sukat ko.
Sila Donna narin ang pumili sa wedding gown ko. Sobrang simple lang talaga. Mahabang damit at simpleng elegante lang. May kasama naring hijab upang matakpan ang ulo ko sa araw ng kasal. First time ko palang makakasuot ng hijab.
Habang tinitingnan ko ang wedding gown ko ay hindi ko maiwasan na maiyak, parang panaginip lang ang lahat. Linggo na kasi ngayon at isang tulog ko nalang ikakasal na ako. Magiging isang Mrs. Someone na ako.
"Evora, nandiyan kaba? Kailangan kana nila sa baba."
Tahimik akong nakatingin sa wedding ko sabay rin ng pag tulo ng mga luha ko.
"Evora? Naku, bakit ka umiiyak?" nagulat ako ng hawakan ako ni Yaya Sabel, agad ko rin pinunasan ang luha ko.
Hindi ko siya napansin na nakapasok na pala siya dito sa kwarto ko. Nakalimutan ko ring i-lock ang pintuan ko.
"Yaya Sabel, nandiyan po pala kayo. Pasensya na at hindi ko po napansin na nakapasok na pala kayo." sabi ko.
"Ano ba ang nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak? May problema ba?" tanong ni Yaya Sabel saakin at hinaplos ang mukha ko, hindi ko napigilan ang sarili ko ng mapahagulgol nalang bigla.
"Yaya Sabel...Hindi ko na kaya." sabi ko at napayuko.
"Bakit? Anong problema?" tanong ni Yaya Sabel at inalalayan ako upang makaupo sa kama.
"Yaya, ayoko itong kasal na ito. Hindi ko siya mahal. Paano ako magiging masaya sa ganitong sitwasyon?" my voice was trembling.
"Evora, bakit hindi mo sinasabi saakin? Bakit mo hinahayaan na mag dusa ka ng ganito?" tanong ni Yaya Sabel na hinahaplos ang likod ko.
"Kasi wala na akong magagawa,Yaya. Si Papa...m-matagal na niyang pinlano 'to. Sabi niya, para daw sa ikakabuti ko. Pero paano naman ako, Yaya? Hindi ba mahalaga ang kaligayahan ko?"
"Mahalaga, Evora. Napakahalaga ng kaligayahan mo. Pero alam mo naman ang Papa mo, hindi ba? Gusto lang niya ng maayos na buhay para sayo."
"Pero hindi ito ang buhay na gusto ko, Yaya. May mga pangarap ako. Gusto kong maging tourism, gusto kong makita ang mundo, makilala ang ibat-ibang tao. Pero sa kasal na ito, mawawala lahat ng pangarap ko."
"Evora, alam ko mahirap. Pero minsan, kailangan nating mag sakripisyo para sa pamilya. Alam kong hindi ito ang sagot na gusto mong marinig, pero minsan, ganito talaga ang buhay."
"Ayoko nalang magpakasal dahil napipilitan lang ako. Gusto kong magpakasal dahil mahal ko yung tao at dahil gusto ko. Pero wala na akong magagawa, Yaya. Nakapagdesisyon na si Papa, mangyayari na. Kailangan ko nalang tanggapin."
"Nakikita ko ang sakit at lungkot sa mga mata mo Evora. Parang anak narin kita, at nasasaktan akong nakikita kitang ganito. Minsan ang mga magulang natin ay may mga desisyon na hindi natin naiintindihan, iniisip nilang ito ang nakakabuti para saatin. Pero alam ko, napakahirap nito para sayo, at kung ako lang ang masusunod gusto kong maging maligaya ka."
Tumango ako at pinunasan ang mga luha ko na kanina pa tumutulo at niyakap si Yaya Sabel. Hindi ko alam pero kapag si Yaya Sabel ang kausap ko biglang gumagaan ang pakiramdam ko.
"Salamat Yaya Sabel, kailangan ko lang talaga ng makakausap. Sana, balang araw, maiintindihan ni Papa ang nararamdaman ko."
"Evora, balang araw, sana nga. Pero tandaan mo, kahit anong mangyari, nandito ako. Palagi kitang susuportahan, kahit anong mangyari."
"Salamat Yaya. Sana, kahit papaano magawan ko ng paraan para maabot at matupad ko ang mga pangarap ko. Kahit mahirap, susubukan ko."
"Yan ang Evora na kilala ko. Matapang at hindi sumusuko. Kahit anong mangyari, ipaglalaban mo ang pangarap mo. At nandito lang ako lagi, kasama mo. Mahal na Mahal kita, Evora."
"Salamat Yaya, ako rin po... Salamat at nandiyan ka palagi saakin."
"Huwag kang mag aalala, Evora. Ipagdarasal ko na sana'y matupad mo ang mga pangarap mo, susuportahan kita palagi. Lagi mong tatandaan na mahalaga ang kaligayahan mo."
"Salamat po Yaya Sabel, hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko kung wala kayo."
"Ano kaba, kasama mo ako palagi. Pangako yan."
Nakangiting sabi ni Yaya Sabel pero nakikita ko sa kanyang mga mata ang lungkot. Niyakap ko siya at ganun rin si Yaya Sabel, hinahaplos ang likod ko. Habang nakayakap ako kay Yaya Sabel ay hindi ko nanaman mapigilan ang sarili ko na umiyak ulit, iba kasi kapag si Yaya Sabel ang kausap ko na kahit malungkot ako ay napapalitan yun ng saya. Gumagaan ang pakiramdam ko.
Kapag umalis nako dito sa bahay at sumama na sa magiging asawa ko hindi ko na makikita si Yaya Sabel. Hindi ko na makikita ang mukha niya na may face mask, hindi ko na maririnig ang boses niya. Hindi ko narin makikita ang mukha niya kapag napipikon. Mamimiss ko si Yaya Sabel, lalo na ang pagiging isang pangalawang Mama niya saakin. Mamimiss ko yun.
Pagkatapos naming mag yakapan ni Yaya Sabel ay sabay narin kaming bumaba. Sabi niya kasi saakin na kanina pa ako hinihintay nila Mama sa baba para kumain, siguro kasama na rin dun ang pag uusap tungkol sa kasal ko bukas. Hindi parin talaga ako makapaniwala na mangyayari na.
Sabay sabay kaming kumain pati sila Yaya Sabel at Manong Edwin kasama naming kumain sa isang lamesa. Sinabi sakin ni Papa na kailangan kung matutunan ang language ng muslim para magkaintindihan daw kami ni Dame.
Lalo na sa kasal ko yung priest ay muslim malamang yung gagamitin niya ng language ay muslim.
Tumango lang ako kay Papa nung sinabi niya yun wala akong ka eneenergy nung nasa harap na nila ako. Pero, napapaisip rin ako na tama si Papa kailangan kung pag aralan ang language ng muslim.
Pagkatapos namin kumain agad rin akong umakyat sa kwarto ko. Para gumawa ng wedding vows sa kasal ko bukas, hindi naman mahabang vows ang gagawin ko dahil itong kasal namin ay hindi nabuo sa pagmamahalan.
Kinakabahan ako para bukas. Hindi ako makapaniwalang mangyayari na.
YOU ARE READING
The Married Woman
RomansaThe story begins with a beautiful and intelligent girl named Evora. She is 18 years old and currently studying at the University of Bernadette. She is a first-year college student taking up Tourism. Evora enjoys her chosen course, especially since s...