Maaga nanaman kaming gumising para pumasok sa school. Sabay-sabay kaming pumasok dahil hindi naman umuwi si Boji kagabi. Habang papunta kami sa school ay iniisip ko ang nangyari kagabi, ngayong alam na nila na nawawala ako ay sigurado akong hindi titigil si Papa kapag hindi niya ako nahahanap. May posibilidad parin na makikita niya ako, at habang hindi niya pa ako nakikita ay mas mabuting mag iingat ako.
We arrived at school exactly at 6:00 am, there are still a few students here at school dahil yung iba ay hindi katulad sa schedule namin. Unlike us, we start at 7:00 am.
Dahil maaga naman kaming nakarating dito sa school at wala parin naman kami masyadong kaklase sa room ay napagdesisyonan namin na lumabas muna at mag lakad-lakad dito sa campus.
"It's really nice to go to school early, you can feel the breeze. Can you feel it?" tanong ni Boji habang nag lalakad kami dito sa campus.
May mga iilang students narin ang mga pumapasok.
"Sana ganito nalang lagi, yung wala kang iniisip.. Maliban nalang sa pag-aaral." sabi ko habang nakatingin sa kawalan.
I'm thinking again about what happened last night and in the past few days. My life used to be different, back then all I thought about was how I would survive as a college student. Now? I'm thinking twice as much. Feeling ko, kapag nangyari ang gusto ni Papa ay unti-unti nang mag babago ang buhay ko.
"Why? Ano ba ang iniisip mo? Nakatakas ka naman na kay tito ah...Bukod dun, may iniisip kapa ba?" tanong ni Christden na nakahawak na ngayon sa braso ko, si Boji naman ay lumipat sa gilid ko kaya nasa gitna nila akong dalawa.
"I may have escaped, but we can't say that they won't still look for me, mag kalapit lang ang landas namin ni Papa kaya hindi natin masasabi na nakatakas na talaga ako sa kanya." seryosong sabi ko, habang nakatingin parin sa kawalan.
"Ganun ba talaga ka-importante kay tito ang kompanya at ang mansion, bff? Why is it easy for him to just make you get married like that?" tanong ni Boji na bakas sa boses ang pagkaseryoso.
That's also my question, is the company and the mansion really that important to him? It seems so easy for him to just marry me off to someone I don't even know from the start.
Hindi ako nag salita at dinadamdam nalang ang mga hangin na humahampas saakin.
"Grabe si tito hindi niya manlang iniisip ang nararamdaman mo." sabi ni Christden.
"It seems that way, even mama and ate can't do anything to stop him from his desires...Ito na talaga siguro ang kapalaran ko." sabi ko.
"Ano kaba naman wag ka nga mag isip ng ganyan, may oras pa malay mo bigla nalang mag bago ang isip ni tito." sabi ni Christden sabay hampas sa balikat ko kaya napangiti ako.
"Hindi nako aasa, ayokong mag expect. Because if I expect, I might just end up getting more hurt." sabi ko, sabay tiningnan silang dalawa at binigyan ng matamis na ngiti.
Buti na lang at kasama ko sila dahil kahit papaano ay nabawasan ang sakit at bigat sa puso ko.
"Don't think about that yet, okay? While they haven't found you yet, don't think about it because it will just make you more sad." sabi ni Boji sabay haplos sa likod ko.
"Boji is right, don't think about that yet. Just think about how you can avoid Kent later. Dahil malamang sa malamang kukulitin ka nanaman nun." sabi ni Christden.
Speaking of Kent, hindi ko siya nakita ngayon. Mas nauuna pa saamin yun pumasok, baka naman siguro late lang.
"Oo na sige na, What time is it now? Maybe Ma'am Neri is already there." tanong ko, hindi ko kasi suot ang relo ko hindi ko kasi alam kung saan ko nanaman nilagay.
YOU ARE READING
The Married Woman
RomanceThe story begins with a beautiful and intelligent girl named Evora. She is 18 years old and currently studying at the University of Bernadette. She is a first-year college student taking up Tourism. Evora enjoys her chosen course, especially since s...