5:30 pa lang ay gumising na kami ni Christden para pumasok, dito ako natulog sa apartment niya pati narin yung mga gamit ko nandito rin. Buti nalang at dinala ko ang uniform ko, ayaw ko naman na dito na nga ako natulog manghihiram pa ako sa kanya nang uniform.
Si Boji naman ay umuwi sa kanila malapit lang naman kasi ang bahay niya sa St.Bernadette. Ngayon nalang pala ulit ako makakapasok pagkatapos nang mga nangyari.
Pagkatapos namin mag ayos ni Christden ay agad narin kaming bumyahe papunta sa school, medyo malayo lang ang school sa apartment ni Christden. Ilang minuto rin ay nandito na kami sa St. Bernadette buti at 6:15 palang ng makarating kami dito dahil saktong 7:00 am ay start na nang class namin.
"Good morning Christ..Oh,Evora buti at nakapasok kana." bati saakin ni Kuya Potch ang guard namin dito sa school.
"Good morning rin po Kuya Potch, oo nga po eh medyo nag karoon lang po ng emergency." sabi ko.
"Ah, ganun ba. Osige na, pumasok na kayo at baka malate pa kayo." sabi ni Kuya Potch.
"Sige po Kuya Potch dito na po kami." sabi ni Christden.
Ngumiti lang ako kay Kuya Potch at agad namin tinahak ang classroom namin. Nakita ko naman ang gulat sa mga kaklase ko parang sobrang tagal ko talagang nawala para ganito ang maging reaksyon nila. Hindi ko rin kasi alam kung ilang araw akong absent.
"Ang tagal mong hindi pumasok, Evora. What happened to you? Did you go on vacation?" tanong ni Dina saakin pag pasok ko palang.
"Ahh hindi ah, may emergency lang kaya medyo hindi ako nakapasok." sabi ko.
"Don't be absent again, you know that Ma'am Neri always looks for you. She always asks us about you." sabi ni Lyda.
"Oo naman Lyda, tuloy-tuloy na'to" sabi ko sa kanya.
Mag katabi kami ng upuan ni Christden at Boji, pero parang mas nauna pa kaming pumasok kesa dun sa isa. Malapit nga lang bahay nun pero mas nauuna pa sa kanya dumating yung malalayo ang bahay.
"Naks naman.. Pumasok na pala ang long time crush ko, what happened to you crushicakes?" napapikit ako nang marinig ang boses ni Kent, minsan talaga siya yung dahilan kung bakit ayokong pumasok. Naririndi ako sa boses niya.
"Nandiyan na yung kinaiinisan mo bff, keri paba?" bulong ni Christden saakin.
"Pwede ba Kent kakapasok ko palang tigilan mo muna ako? It's early in the morning and I'm already annoyed by your voice." masungit kung sabi sa kanya.
Gwapo si Kent at matalino. Siya nga itong kinababaliwan dito sa building namin eh, yun nga lang babaero. Yung mga babaeng nag kakagusto sa kanya ginagawa niyang chix at ginagawa niya lang yun para makuha ang gusto niya sa isang babae. At pagkatapos niyang makuha ang gusto niya, iniiwan niya nalang basta-basta. Yun ang chismiss dito saamin, at bilang isang babae na ayaw mabiktima ni Kent ay ako na mismo ang umiiwas sa kanya.
"Galit agad crushicakes? Can't I just be happy because I saw you again? Namiss kaya kita no, namiss ko marinig and boses mo at ang napakaamo mung mukha." sabi niya sabay kindat saakin. Iwww..
"Napaka feelingero mo talaga kahit kailan, Kent! Whoo! Grabe!" singit ni Christden habang nag aayos sa bag niya.
"Ayy, bomoboses Christ? Palibhasa kasi wala kang inspiration bitter ka kasi." sagot naman ni Kent kay Christden.
Napatawa nalang ako at napatingin sa kawalan. Akala ko nga hindi nako kukulitin ni Kent nang mag salita si Christden pero ito nanaman siya.
"Crushicakes what happened to you? I'm worried about you, I've been messaging you on messenger but you're not replying.. Did you block me?" pangungulit niya saakin, pogi nga itong si Kent pero ubod naman ng kakulitan.
![](https://img.wattpad.com/cover/368139135-288-k771331.jpg)
YOU ARE READING
The Married Woman
RomanceThe story begins with a beautiful and intelligent girl named Evora. She is 18 years old and currently studying at the University of Bernadette. She is a first-year college student taking up Tourism. Evora enjoys her chosen course, especially since s...