After telling Papa about my decision yesterday, I also told Mama and Ate. Of course, I also told Yaya Sabel and Manong Edwin. They were surprised by what I said because they knew I didn't agree with Papa's decision, but I explained to them why I agreed.
At first, Mama and Ate even talked to me to make sure if I was sure about my decision because even they couldn't believe what I said, but I told them that this is my decision and I have prepared for it.
At ngayon ay March 23, 2019 kung saan pag uusapan na ang kasal ko. Makikita ko na rin ang magiging asawa ko.
Maaga akong nagising at tinulungan ko na rin si Yaya Sabel sa pag prepare ng breakfast. Kailangan ko rin siyang tulungan sa mga lulutoin niya at dahil baka dito namin pag uusapan ang kaganapan sa kasal.
"Himala naman at gumising ka ng maaga ha, ano naman kaya ang nakain mo at naisipan mong tulungan ako dito." sabi ni Yaya Sabel habang nag hihiwa ng bawang habang ako ay nag hihiwa ng manok, adobong manok kasi ang niluluto namin.
"Yaya Sabel, hindi ba pwedeng gusto lang kitang tulungan
baka kasi kakaharap mo sa usok at apoy ay hindi na tumalab sa mukha mo ang face mask na nilalagay mo." pabiro kung sabi sa kanya, pero sa katunayan medyo kuminis rin ang mukha niya.Hindi tulad noon na magaspang ang mukha niya kapag hinahawakan. Pero ngayon, kahit hindi ko man nahahawakan ay halata na kuminis ang mukha niya.
"Oh, talaga? Panget naba ako? Tingnan mo nga ang mukha ko." sabi ni Yaya Sabel sabay harap saakin at hinahawak-hawakan ang mukha niya.
"Ahmm...Yaya, sa palagay k-"
"Sa palagay ni Ma'am Evora ay gumaspang ang mukha mo." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng sumingit si Manong Edwin.
"Oh, Manong Edwin nandito po pala kayo." sabi ko, at ipinagpatuloy ang pag hiwa ko sa manok.
"Opo Ma'am...Sabel, kape nga." utos ni Manong Edwin kay Yaya Sabel at agad na umupo, napatawa naman ako sa inaasta ni Manong Edwin kay Yaya Sabel.
"Aba! Ang kapal ng mukha, wala ka bang kamay? Hirap ka bang mag timpla ha, Edwin?!" masungit na sabi ni Yaya Sabel sabay bato kay Manong Edwin ng tasa buti nalang nasalo niya.
"Ito talaga lagi nalang galit saakin ay, alam mo Sabel the more you hate the more you love sige ka, baka mamaya naiinlove kana pala saakin...Diba Ma'am, Evora?" sabi ni Manong Edwin.
"Tama." sabi ko.
"Jusko Edwin, tumigil kana at matanda kana." sabi ni Yaya Sabel.
"Aysus, aysus, pabebe naman ito." sabi ni Manong Edwin na ngayon ay nag titimpla na ng kape.
Hindi ko sila pinansin at nakikinig lang sa usapan nilang dalawa. Nilagay ko na rin sa pot ang manok na hiniwa ko kanina. Si Manong Edwin ay hiwalay sa asawa niya, may dalawa siyang anak na parehas babae na parehong nag aaral. Si Yaya Sabel naman ay hiwalay rin sa asawa niya pero wala pa silang anak. Kaya madalas dito sa mansion ay inaasar sila na baka sila talaga ang para sa isa't-isa.
"Yaya Sabel, Why don't you like Manong Edwin? Both of you are separated from your spouses anyway." sabi ko.
"Oo nga naman Sabel, bakit ayaw mo saakin? Maayos naman ang mukha ko ah." sabi naman ni Manong Edwin, tiningnan ko si Manong Edwin at malaki ang ngiti nito habang nakatingin kay Yaya Sabel.
"Edwin alam mo tigil-tigilan mo nga ako, kahit maayos pa yang mukha mo pag hindi kita gusto wala rin." masungit na sabi ni Yaya Sabel habang kumukuha ng plato.
"Ahh, ganun...Sige ka, ikaw rin kapag nakuha ako ng iba wag kang iiyak ha, Sabel." sabi ni Manong Edwin na nag patawa saakin ng sobra.
"Jusko naman Edwin, kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo hindi kaba nahihiya sa alaga ko." sabi ni Yaya Sabel na ngayon nakatingin kay Manong Edwin at nakapamewang pa.

YOU ARE READING
The Married Woman
RomanceThe story begins with a beautiful and intelligent girl named Evora. She is 18 years old and currently studying at the University of Bernadette. She is a first-year college student taking up Tourism. Evora enjoys her chosen course, especially since s...