Napabalikwas ako ng may marinig akong napakalakas na katok mula sa labas. Napahiga ako ulit ng marinig kung si Yaya Sabel yun, gusto ko man buksan pero wala ako sa wisyo ngayon. Ayokong humarap sa kung sino sa kanila.
Hindi ko pala namalayan kagabi na nakatulog nako kakaiyak, at sigurado akong pag humarap ako sa salamin mugto ang mata ko.Hindi parin umaalis si Yaya Sabel kundi katok parin ng katok, tinakpan ko ang mukha ko ng unan at dumapa para hindi siya marinig. Gusto kung ipahinga ang sarili ko, back to reality nanaman kasi ako.
Iniisip ko kung kumusta na ang mga kaibigan ko, maayos na kaya sila pagkatapos ng nangyari? Gusto ko silang tawagan pero yung cellphone ko hindi ko dala, dahil nung sumama ako sa mga lalaking hindi ko naman kilala ay wala akong dala kahit isa.
When I didn't hear any more knocks, I removed the pillow covering me and closed my eyes. Itutuloy ko sana ang tulog ko pero hindi na ako inantok. Hindi ako tumayo at nanatili lamang na nakahiga habang nakatingin sa taas.
Napapikit nanaman ako at napasapo sa ulo ko ng may narinig nanaman akong katok. Yaya Sabel ang kulit.
"Yaya Sabel, pwede ba pagpahingain niyo naman ako!" sigaw ko sabay tagilid at tumanday sa unan at ipinikit ang mata.
"This is not Yaya Sabel, Evora. It's me." it's Ate Aisha.
Hindi ko siya pinansin at nanatili lamang nakatanday sa unan habang nakapikit ang mata. Pero wala, katok parin siya ng katok. Nainis ako kaya padabog akong bumangon at pinagbuksan siya ng pinto.
"What?! If you're here for that wedding, can it be later? Please let me rest from what happened yesterday." sabi ko at inirapan siya, isasara ko na sana ang pinto ng hinarangan niya yun.
"Ate ano ba? Pwedeng mama-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng mag salita siya.
"I'm not here for that damn wedding, Evora. I'm here to treat that wound on your lip, look, it's already swelling." sabi ni Ate at dumiretso sa pag pasok.
Huh? Lumulubo naba yung bibig ko? Bakit parang wala naman akong naramdaman na mabigat sa labi ko, wala rin namang masakit. Agad akong tumakbo papunta ng CR, and yeah, tama si Ate. My lip is already swelling.
Bago ako lumabas ng CR ay binasa ko ang towel sa malamig na tubig at dahan-dahan na idinampi ito sa labi ko. Yun kasi ang sabi ng karamihan kapag may lumubo daw lagyan mo lang malamig na tubig, i don't know if it's true.
"Do you think cold water can heal that big wound on your lip? Can you just sit here and let me treat it?" sabi ni Ate na ngayon nakaupo na sa kama ko habang hawak-hawak niya ang medicine kit.
Hindi ko siya pinansin at linagpasan lang, umupo ako sa couch na nakaharap sa labas ng terrace dito sa kwarto ko. May terrace itong kwarto ko pero hindi ganun kalakihan, sakto lang.
"Evora, hindi mo ba ako naririnig? I'm talking to you." sabi ni Ate.
"I hear you, I hear you loud and clear." sabi ko.
"Come here, sit by my side." sabi niya.
"Ate, wag ka nga mag kunware na parang walang nangyari kahapon...Si Yaya Sabel kanina pa kumakatok pero hindi ko siya pinagbuksan dahil ayokong isa sa inyo ang makakaharap ko, pero ikaw ang kulit mo." sabi ko.
"Mabuti at alam mo, I didn't forget what happened to you, I just want to be here by your side. To treat the wound on your lip, kaya kung pwede lang umupo kana dito sa harap ko." sabi niya.
"Tulad rin ng sinabi ko sa inyo kahapon i don't need your help, malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko... You can leave now." sabi ko at agad na tumayo, at kumuha ng damit sa closet para maligo.

YOU ARE READING
The Married Woman
RomanceThe story begins with a beautiful and intelligent girl named Evora. She is 18 years old and currently studying at the University of Bernadette. She is a first-year college student taking up Tourism. Evora enjoys her chosen course, especially since s...