Prologue

11 1 0
                                    

PROLOGUE

Nagising si Raiza sa ingay ng alarm niya. Oo nga pala, may appointment siya today. Nag-inat siya at bumangon. Nakapikit pa din habang hinahagilap ang buhok at itinali. Huminga siya ng malalim saka nagmulat at pumikit ulit ng nasaktan ang mata niya sa liwanag ng binuksan niyang ilaw.

Hay buhay. Kung wala lang trabaho ay naku, mas maigi ng humilata na lang buong araw, ang kaso mahirap lang siya kaya kailangang mag work!

Siazon General Hospital.

Maswerte siyang nakapasok sa scholarship, after graduating high school. Isang taon na din siyang nagtatrabaho sa hospital na yun after coming back from abroad where she was working her ass off just to give her family a comfortable life without them working in a land they would never call their own even spending their whole life. At ngayon nga ay kailangan niyang pumirma ng panibagong kontrata.

Way to go Raiza Sapphire Aguirre. Kaya mo 'yan, ikaw pa ba?

Pagkatapos niyang pumirma ng kontrata, dumiretso siya sa condo ni Femielyn dahil pupuntahan nila ang isa pang kaibigan na si Jeferylle. Nakauwi daw kasi galing sa probinsiya kung saan ito naka destino ngayon.

Isa itong veterinarian. At si Femielyn naman ay isang flight attendant. Kakauwi lang din galing sa paglipad.

"Let's go?"

"Yeah. Drive thru na lang tayo" Aniya.

"Okay"

Wala siyang sasakyan. Kahit pa sinabihan siya ng  nakababatang kapatid na pwede siyang maglabas ng sasakyan sa pinagtatrabahuan nitong kompanya ay natatakot siya baka kasi hindi niya mabayaran.

Magkano lang naman ang sahod niya. Pero masaya siya sa trabaho niya. Yes, may ipon siya pero hindi naman kailangan ang kotse. She chose to live near the hospital din kasi para less hassle. Naglalakad pa nga siya minsan e. Isang ikot lang naman. At exercise din yun a.

Nang makarating sa bahay nila Jeferylle ay sinalubong sila agad ng magandang tuta. Ang anak nitong tatlong taong gulang, that they called their 'tuta' kasi naman napaka clingy. Ang cute cute nito.

Nakuha nito sa isang one night stand. Ang gaga hindi man lang uminom ng after pill. And worse, hindi nito alam ang pangalan ng naka one night stand nito.

"Damn. Sana pala noong broken ako nakipag one night na lang din ako, shuta gusto ko  ng magka-anak" Maktol niya. But she was young back then. Kaya hindi pa pwede.

Gustong-gusto na din niyang magka-anak. To think na inisip na niya iyon pero sa tanang buhay niya hindi pa naman siya nagka boyfriend. Well. Except for that.. Mutual understanding that she had way back.

Mabuti pa itong si Femielyn, kaliwa't kanan ang ka fling. Tila nagpapalit ng damit kung magpalit ng lalaki e.

Pero wala naman itong boyfriend dahil ayaw nito sa seryosong relasyon.

"Eh sabi mo maghahanap ka ng sperm donor. Anong nangyari?" Saad ni Femielyn. Kinukutingting ang fried chicken na hawak at tinanggal ang balat bago isinubo.

She pouted. "Huu, ayoko dun sa nakita ko, masyadong mayabang. Wala bang kapatid 'yang ama ng anak mo?" Lingon niya kay Jeferylle.

"Wala. Pero kaibigan madami" Saad nito.

"Ay oo girl! Ang ya-yummy nila! Nandoon din sila sa mga magazines a! " Tili ni Femielyn. Ang ingay talaga ng isang 'to. Ewan niya paano siya nakatiis sa ganito kaingay dahil hindi naman siya taong labas dati.

Pero siguro dahil sa hospital naman siya nagwo-work kaya nasanay na lang din yata ang tainga niya..

"Ikaw lang ang mahilig sa magazine na 'yan Femielyn. Wala akong time para diyan" Sikmat niya.

SUBMISSIVE 3: LENNOX SEVILLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon