CHAPTER 30

5 2 5
                                    

CHAPTER THIRTY

"Kinakabahan talaga ako, bakit kaya mama?" Kanina pa kabado si Raiza, nasa harap siya ng malaking salamin sa kwarto niya dito sa bahay ng mga magulang niya.

Kahit pa kasal naman na sila ni Lennox ay iniuwi siya ng mga magulang niya kahapon at buong gabi silang hindi nagkita ng asawa niya.

Kasama niya syempre ang anak nila na umuwi.

Her mother tsskd. "Ganyan talaga, ikakasal ka e"

"Pero ma, baka may mangyari na naman kaya ako kinakabahan ng ganito"

"Batang 'to oo, wala 'yan. Sino naman ang gagawa e wala na si Maria?"

She sighed. After a few minutes, they left home

Nang tumigil ang bridal car sa harap ng malaking simbahan, nanlamig ang mga kamay niya. Wala pa kasi siyang suot na gloves.

"Isuot mo na 'to" Sabay abot ng mama niya ang white bridal gloves. "Punasan mo muna 'yang mga kamay mo" Anito na natatawa

Ngumuso siya. "mama naman!"

Natawa ng tuluyan ang mama niya. "Relax ka lang kasi, ano ka ba?"

"Eh, sa kabado nga ako ma. Ganito rin ba kayo noon?"

"Hindi" She smiled dearly. "I was the happiest bride that time. I was smiling the whole process. I was so relaxed because your father is a one great man. And so, can you please relax now? Your husband is one of a kind Raiza. Hindi ka niyan bibigyan ng dahilan para pagsisihan ang pagpapakasal sa kanya.

Wala ng babaeng gagawa ng dahilan ng paghihiwalay niyo. Kaya i-relax mo na 'yang isipan mo. Takot, yan ang nakatira sa isip mo anak.

Kapag hinayaan mo 'yan na tumira sa isip mo at puso, hindi mo mai-enjoy ang kasal mo. Sisirain niyan ang araw na dapat ay saya ang mararanasan mo"

She closed her eyes. Breath in, breathe out. Then she filled her mind with happy memories of her and Lennox together.

Bumaba na siya sa sasakyan. Ang mama naman niya ay nauna na sa loob. Ang mga staff ni Jem ang nag-assist na sa kanya. Ito kasi ang kinuha nilang nag-asikaso sa lahat ng kailangan sa kasal nila.

And her gown was made by no other than Thalia. Sixto's wife. And Sixto is a friend of Lennox.

Pagtayo sa harapan ng malaking pintuan ng simbahan, naghintay siya ng ilang minuto. Habang naghihintay ay paulit-ulit siyang huminga ng malalim to release her stress, anxieties and nervousness.

Pagbukas ng malaking double door, tumambad sa kanya ang malaking arko sa unahan, arko ng ibat- ibang kulay ng sariwang bulaklak. She let out a long sighed then started walking. Nang nasa tapat na siya ng arko, doon pumagitna ang mga magulang niya at saka siya iginiya sa paglalakad.

All is like a dream. It was magical. Parang mag slow motion ang lahat ng galaw. Her eyes were glued at the gorgeous man standing in front and sexily waiting for her.

The Canon in D that was playing a while back stopped. Akala niya tuloy nasiraan ng speaker.

"I just cant believe that you are mine now" And then the piano and violin collided with the voice.

As she heard her husband's voice, she stilled. Literal na napatigil siya sa paglalakad. Narinig niya pa ang mahina na pagtawa ng papa niya.

"You were just a dream that I once knew"

" Aww" Are the words she heard from the people inside the church.

Marahan siyang hinatak ng papa niya para maglakad.

SUBMISSIVE 3: LENNOX SEVILLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon