CHAPTER TEN

13 2 4
                                    

CHAPTER TEN

After two years, she went home. Christmas break e. Sure, sasabihin ng iba bakit ngayon lang, Manila lang naman, pwede namang umuwi pagkatapos ng klase sa summer or whatever, pero sa kanilang isang kahig isang tuka lang, ang libong pamasahe ay malaking bagay na.

Pwedeng gamitin sa ibang bagay, sa allowance sa school, pambayad ng apartment or ano pa man diyan. Hindi naman kasi pare-pareho ng buhay meron tayo dito sa mundo.

Sana e, i-normalize naman ng mga pareho nating tao na huwag pakialaman ang buhay ng may buhay no? Para cool ang life. Pero sa kanila, chismis ang bumubuhay sa mga tao. Kaya, wala ng pag-asa pa.

Napangiti siya ng maisip kung ano pang rason bakit siya umuwi, aside from her family of course.

Nakaupo siya sa maliit na front porch ng bahay nila at nakatingin sa mga halaman. The December wind is so cold. The  breeze of the December rain is satisfying.

The weather, even if it's not that good, it's also giving her the nostalgia. The warmth that her heart is missing for the last two years of her life. So cold yet so warmth.

Ganito siya dati. When she was young, she always love the December weather. The December winds and smell. Because of Jesus' birthday and hers.

The Christmas effect is doubled with her life. Mabuti na lang hindi Jesusa ang pinangalan sa kanya. She chuckled with her thoughts.

It's December 23 people. The day after tomorrow will be her birthday. Ah. And the two years of not coming back here, madami ng nagbago. May tulay na sa ilog kaya kahit ummulan, pwede na silang lumabas. May koryente na din sa sitio nila.

Sana noo pa, e di hindi siya nakaranas ng bugbog sa pambubully no? Pero hindi na bale, at least hindi na danasin ng iba pang bata ang dinanas niya noon. Malaking bagay na 'yon.

Good. Dahil madaming mga bata dito. Nangangailangan ng mga ganoong bagay. Sa pag-aaral.

Sinasamyo niya ang bango ng niluluto ng mama niya. Bibingka. Hmmn. The best bibingka of course. when her phone beeped. Kinuha niya sa bulsa niya at napangiti.

The reason next to her family.

MILORD: busy?

Her: yeah. Busy smelling the bibingka of mama

MILORD: lol. Give me some please.

Natawa siya dahil may padila pang emoji ang chat nito.

Her: sure. But how?

MILORD: I'll go there?

Hmm. Pwede kaya? Hindi kaya magtataka ang mga magulang niya? Ano ang sasabihin nila. At ng mga tao. Hindi siya ipokrita, natatakot talaga siya sa iisipin ng iba. Hindi man para sa kanya pero sa mga magulang niya.

Iisipin na naman ng mga tao naghihirap ang magulang niya mapag-aral lang siya pero inuuna niya ang landi. Masakit 'yun.

Mga chismoso pa naman ang mga tao dito sa lugar na 'to. Lahat na lang alam. Minsan pa nga nagkaboyfriend na pala yung tao na hindi nito nalalaman. Kahit wala namang manliligaw. Awit.

Her: kita tayo sa 25. Dating gawi.

MILORD: sure.

December 24.. Kainan. Handaan. Kasayahan. Ang mga kapitbahay nila may nagvi-videoke. Akala mo naman kagandahan ang boses, naiinis siya ha. Pero wala siyang magagawa, nakikidinig nga lang naman siya.

Her brother, Raf came in. "Ate. Tara sa kapitbahay"

"Bakit?"

"Christmas" He shrugged.

SUBMISSIVE 3: LENNOX SEVILLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon