CHAPTER TWO
"Hija, kain lang ha. Damihan mo. Jusko ang liit-liit mo para kang mababasag sa isang hawak lang" Tinignan siya ng senyorita. Ngumisi ito. "Kapag nag-asawa at ganyan pa din ang katawan mo baka hindi mo kayang buhatin ang ipagbubuntis mo" Humagalpak ito ng tawa kasabay ng masuyong tinigin nito kay Lennox na ngiting ngiti.
Halos mabilaukan siya sa tinuran nito! Ano? Mabubuntis? Ni boyfriend nga wala siya! Mabuntis pa kaya?
"Eh. Bata pa po ako. Wala pa akong boyfriend ma'am" Nagkulay kamatis ang mukha niya. Alam niya yun base sa klase ng init niyon.
Ngumisi ito. "Ang hina naman pala " She tsskd.
"Po?"
Ngumiti lang ito. "Ah. Wala. Anyway, saan ka mag-aaral ng college?"
"Hindi ko pa po alam ma'am"
"Hmm. Ilang taon ka na pala?"
"16 po"
"Sweet 16. Pwede na" She chuckled. "Ganyan ang edad ko nung niligawan ako ng papa nitong si Lennox e. Ikaw ba, walang nanliligaw?" Nakatingin ito sa kanya na tila ba inaalisa siya.
Sa itsura ng mukha nito, naghihintay talaga ng sagot.
She's not vocal of her thoughts. Lalo na sa hindi niya kilala. Even her mother, she couldn't tell her thoughts with her. But for now, ewan niya lang ha, pero parang ayaw niyang maging bastos sa senyorita.
She's like.. She wanted her to like her.. What the hell? Ano nga tong naiisip niya?
"Sa mga sulat madami naman po. Pero sa personal, wala po" Kiming sagot niya.
Lalo itong ngumisi. "Bantay sarado ba naman" Mahina nitong saad. Na tila ba sarili lang ang kausap. She sniffed, chuckled then snorted. While Lennox ay naubo-ubo ito at ininom ng bottoms up ang isang basong tubig. "Sige kain ka na. Damihan mo ha. Nox—"
"Mom. Stop it"
"Yeah.. Okay. Soft drinks hija?" Ngisi ng senyorita.
"Huwag na po"
Kapag kasi madami siyang nakain tapos soft drinks pa, lalabas ang kinain niya sa pagdighay mula sa acid ng soft drinks. Worst, sa ilong niya lalabas yon! Ayaw nga niyang magmukhang katawa-tawa.
After that, she went home. Pinahatid siya ng senyorita gamit ang pick up ng mga ito. Umayaw siya pero nanalo ang senyorita kalaunan.
Two days after graduation, pinuntahan siya ni Dianna sa bahay nila. Nagpahatid sa driver nila.
"Oh. Buti pinayagan kang magliwaliw?" Aniya.
Ngumisi ito. "Ipagpapaalam kasi kita kina tita"
"Huh?"
"May basketball league. Nood tayo. Kada barangay may mga entry. Kasali si kuya e. Alam mo na, taga cheer"
"Kapag pinayagan ako, e 'di sige"
"Maglalaro din yata si Lord a"
"Huh? Lennox?"
"Sino pa ba ang tinatawag na Lord dito sa Hacienda kung hindi siya?" Umirap ito. Saka ngumisi. Nakita ko ang apelyido sa mga gagawin na jersey. Ackk! Ang hot siguro no'n magdala ng damit na may nakasulat na apelyido" Tila nangangarap na saad ng kaibigan.
Napaismid siya. Binatukan naman siya nito. "Eto naman! Wala ka man lang bang kilig na nararamdaman sa katawan!?"
"Eh. Ewan ko" Meron syempre. Umingos siya sa naisip.
"O ayan na pala sina tita!" Nagmamadali itong lumapit kina mama at papa niya na kadarating lang galing sa bukid. Nagmano pa ito. At kinausap ang mga magulang niya. Nakita niyang medyo nahihiya ang kaibigan ngunit umaliwalas ang mukha nung tumango ang mga magulang niya.
BINABASA MO ANG
SUBMISSIVE 3: LENNOX SEVILLA
RomansaSypnosis Ang pag ibig daw ay parang isang hangin, hindi nakikita ngunit nararamdaman. Subalit paano kapag ramdam mo nga pero napapaso ka naman? Hayaan mo bang mapaso ka o subukang distansyahan hanggang sa tuluyang lumamig na lang? Ngunit sa pagbab...