CHAPTER TWENTY SIX
Nasa boutique si Raiza. Kasama nuya si Femielyn at si Sherlyn. Si Jeferylle ang wala kasi nasa Nueva ecija ang mga ito.
Nakatingin siya sa isang dress. Haze green ang kulay. Napaka simple lang ang pagkakagawa. May garter sa waistline kaya pwede yun sa buntis kahit malaki na ang tiyan. Ang lamig pa sa mata.
"I want that one" Turo niya doon.
"Ang ganda nga. Yun din o" Turo ni Fem sa kulay peach, bulaklakin 'yon.
Ngumuso siya. "Maganda. pero hindi ko bet ang kulay"
"Miss" Tawag ni Sherlyn sa sales lady.
Lumapit naman ito sa kanila. She's beautiful.
"May ibang kulay kayo niyan?" Turo nito sa dress.
"Meron ma'am. Sky blue at mint green po" Ngumiti pa ito. Sa tingin niya, nasa mga ilang taon lang naman ang tanda nila dito.
Bumaling si Fem sa kanya. "Anong gusto mo?"
"Sky blue" Aniya na hindi inaalis ang tingin sa sales lady. Ewan niya pero nagagandahan siya sa mga mata nito. It's round. Thick lashes and it was curly.
"Sky blue, miss" Sayang. Umalis ito sa harapan nila.
She sighed. I'm weird.
Tapos may nakita siyang V-neck line, medyo may kalaliman ang uka no'n, may manggas din at bodycon. Pede rin yun sa kanya kahit lumaki ang tiyan niya tapos magagamit rin naman niya kahit nakapanganak na siya.
"That one too" Aniya. Sabay turo sa damit. Ang kulay ay maroon.
"Hilig mo sa dark colors talaga" Sabi ni Fem.
She just nodded. Actually mas gusto nga sana niyang magpasama kay Lennox sa pagbili ng mga maternity dresses pero naisip niyang sorpresahin ito.
After that, nagkayayaan silang kumain sa isang restaurant.
Lennox came home. Napakunot siya ng noo ng hindi niya madatnan ang asawa niya. It's 6 in the evening, dapat ay nandito na ito ngayon at nanonood sa living room, as usual na ginagawa nito sa tuwing gabi.
May drama kasi itong sinusubaybayan lately. Okay naman yun kesa Tom and Jerry lagi. Sabi kasi ng mga matatanda, baka maglihi ito doon. Which is hindi niya pinaniniwalaan pero wala namang mawawala kapag naniwala ng very slight lang, di ba nga?
He entered the lift, and when it stopped at the third floor, lumabas siya agad ng bumukas iyon. He opened their room door and he stilled when the lovely sight filled his eyes.
"Wow" He whispered. Then smiled and whistles.
Why. His lovely wife, in her flowery maternity dress. "Lovely" Anas niya saka lumapit dito. Raiza giggles .
"Yeah?"
"Uh-huh" Sabay tango.
"Bagay ko ba?" Humawak sa tiyan nito. "Wala pang baby bump" Ngumuso pa! He chuckled softly. Hugged her from behind and put his chin on her shoulder.
Raiza tilted her head at tumingin ito sa kanya, sinulubong niya ang mukha nito ng isang halik. Mainit at sinabayan naman siya.
Hell! He could make love to his wife non-stop! Pero buntis kasi. Kailangan niyang mag-ingat.
"I love you" He said.
"Hmm"
Kumawala ito sa yakap niya. Minsan nagtatampo na siya tuwing hindi nito sinasagot ang mga 'I love you' niya, pero ramdam naman niya ang pagmamahal nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
SUBMISSIVE 3: LENNOX SEVILLA
RomansaSypnosis Ang pag ibig daw ay parang isang hangin, hindi nakikita ngunit nararamdaman. Subalit paano kapag ramdam mo nga pero napapaso ka naman? Hayaan mo bang mapaso ka o subukang distansyahan hanggang sa tuluyang lumamig na lang? Ngunit sa pagbab...