CHAPTER THREE
Sinundo siya ng kuya Calvin niya kinabukasan, gamit ang Ford Ranger nito. She's wearing a floral A- line dress. Naka flat sandals din siya. Her mother told her to dress like that since alam ng mga ito na madaming bisita kapag sina tita niya ang mag-o-okasyon.
Calvin's father is a businessman. Kaya mabuti ang lagay ng pamilya nito. Nasa labas sila ng Hacienda, malapit lang sa bukana ng Hacienda Luella ang bahay ng mga ito.
"You look great " Her cousin softly said.
Hindi niya alam na ganito pala ito. He's gentle with his voice. Akala niya suplado ito. Hindi naman kasi niya palaging nakakasama ang mga ito at si Gwen, his sister. Older than Calvin for about 3 years.
She smiled. "Thanks kuya"
"You should bond with us often Raiza. Ang ilap mo kasi" He chuckled.
"Er—"
"Joke lang. Alam kong mahiyain ka kaya minsan hindi ka namin kinakausap pero hindi ibig sabihin no'n na wala akong alam tungkol sa pambubully nila sa'yo sa school"
She wrinkles her nose "Okay lang naman yun kuya"
"It's not to me" He sighed. "Lennox told me you're too kind. And I hated it Raiza. You need to learn how to fight" Seryosong saad nito, animo'y isang ama na pinagsasabihan ang isang anak. Lihim siyang napangiti, sarap siguro nitong maging kapatid. Pero teka..
Told me? Bakit. Pinag uusapan siya? At teka nga lang. Bakit alam ni Lennox na binubully siya? Eh, ni hindi nga yata nito alam naadaming naglalaway dito e, gano'n 'yon kawalang pakialam sa paligid nito. Pero alam nitong binubully siya.. Is that why he approached her? Out of pity?
Okay lang siguro yon no. Pero teka lang, bakit tila siya nasasaktan ngayon? Is it because she pity herself too? Or is it because she thought he approached her because he likes her?
Did she hope? Nah..
"Ayoko ng gulo kuya"
"This is the nature of life Rai. Kapag hinayaan mo sila, kawawa ka"
She smiled. "Binubully lang naman ako dahil sa lugar namin kuya" She smiled. Sadly. "And most importantly, they don't hurt me physically"
He snorted. "Sometimes, verbally is more painful than physical Rai. Kapag sinaktan ka physically, maghihilom ang sakit, verbally? Tumatatak sa puso at isipan 'yon at iyon ang mahirap"
Tama. Pero hindi na lang siya nagsalita hanggang nakarating sila sa bahay ng mga ito.
Ang bahay nila Calvin ay malaki. Malawak din ang bakuran, may mga nakahilerang mesa na napapaikutan ng mga upuan doon sa bakuran. May mga nakaupo na sa mga mesa.
Siguro mga kaibigan ni Calvin or mga classmates. Mga halos kaedad lang siguro nito ang mga 'yon.
Sa isang mesa sa gilid na malapit sa bahay ay nandoon si Dianna. Nag-iisa at nakapangalumbaba . Ng makita siya nito ay lumiwanag ang mukha na tila nanalo sa lotto sa lawak ng ngiti nito at sinugod siya ng yakap. Seriously? Kahapon lang sila nagkita a!
"Mabuti na lang nandito ka na! Jusko OP na ako dito wala akong kilala" Hinatak siya nito sa braso at pinaupo, hindi man lang kinausap si Calvin!
Nilingon niya ang pinsan. Tumango lang ito sa kanya. Nahihiya siyang ngumiti. "Bakit 'di mo naman kinakausap si crush mo? Deadma ka naman e" Angal niya kay Dianna ng iniwan na sila ng pinsan niya.
Sumimangot ito. "Ikaw ba naman tawaging bata? Kakausapin mo pa?" Umirap ito. "Kumain na lang tayo! " Pinasigla nito ang boses tatayo na sana sila ngunit dumating sina Lennox at Calvin, may dalang pagkain. Napanganga pa siya ng makita si Lennox, pero bakit ba siya magtataka e kaibigan nga naman ito ng pinsan niya? "Kung hindi lang ako kinaladkad ni kuya Rj, naku hindi na ako pupunta!" Sintir nito. Sinadya yatang iparinig sa mga dumating. Kapagkuwan ay ngumiti ng matamis "pero siyempre kasi alam kong nandito ka"
BINABASA MO ANG
SUBMISSIVE 3: LENNOX SEVILLA
RomansaSypnosis Ang pag ibig daw ay parang isang hangin, hindi nakikita ngunit nararamdaman. Subalit paano kapag ramdam mo nga pero napapaso ka naman? Hayaan mo bang mapaso ka o subukang distansyahan hanggang sa tuluyang lumamig na lang? Ngunit sa pagbab...