CHAPTER NINE

5 1 0
                                    

CHAPTER NINE


Friday morning and Raiza is preparing for school when Femielyn approached her. Bagong gising. Nagsipilyo lang yata, ni hindi nagsuklay ng buhok. Nakasuot ng oversized t-shirt, walang bra. She grimaced.

"Wala ka na namang bra?"

Fem grinned. "At sinong babae ang nasisiyahang magsuot ng bra 24/7 my dear Raiza?"

"Oo nga pero—"

Fem waved her one hand. "Ay nako, babae tayong lahat dito. At lahat tayo straight, kaya ano naman? Size lang ang pinagkaiba nating apat, pareho lang na dede 'yan. Daming ebas" Umirap pa ito saka kumuha ng baso. Magkakape yata.

Kumunot ang noo niya. "Wala kang pasok?"

"Mamaya pang 11" Nagtimpla nga ito ng kape. "Anyway, Isasama kita sa debut ng pinsan ko ha"

Debut. Ibig sabihin madaming tao. Nahihiya yata siya. Pero okay na din yun, knowing Femielyn, eat and run 'to panigurado. Isa din 'to sa mga allergic sa party e. Sa club, pwede pa siguro. Umiinom na daw e.

"Kakahiya naman. May dress code?"

"Oo. All black" Balewalang saad nito.

"E 'di bili tayo ng black dress" Napaisip siya. "Kasama din ba sina Sherlyn at Jeferylle?"

Fem nodded. "Of course, all for one tayo e. Saka itinaon talaga sa Sunday 'yon para walang rason. And it will start at 3 in the afternoon. Walang rason talaga na hindi makakapunta. Magsama daw ako kahit ilan e" She giggles. "Mamburaot tayo ng pagkain dun" She also added.

Napangiti na lang siya. Femielyn can eat whatever she wants, name it all you want pero parang magic na hindi man lang tumataba.

She asked her one time at ang sagot lang ay may bakunawa daw ito sa tiyan.

Saturday, after ng klase nila, pumunta silang apat sa isang mall. Mabuti na lang at may savings siya. Hindi naman kasi siya magastos kaya naman may naitatabi rin naman siya kahit papa'no.

Sinabihan na lang niya si Lennox na may lakad silang apat kaya hindi na kailangan pang pumunta ito sa kanila.

Sinabi nitong sasamahan siya pero nakakahiya sa tatlo, girls time nila yun. Kaya pinaliwanag na lang niya. Naintindihan naman nito.

That is what she loves about him. He's so understanding in any way. In all ways.

Sunday came.

Sa hotel, lahat nga sila naka itim. Kinikilabutan tuloy siya. Lang'ya nakakakita kang siya ng ganito kapag may patay na ililibing sa  lugar nila e!

And Femielyn was giggling like she saw a very amazing scene from her favorite movie. Parang 'di iyakin sa pinapanood nitong game of thrones.

Siniko niya ito. "Umayos ka Femielyn" Umingos lang ang bruha.

"Ikaw ba naman nakaitim e. Ano ba to, birthday o lamay?" Ngisi nito. The four of them chose to wear one shoulder split dress. Magkakapareho pa nga ng style. It was draped design that hugs the figure of the body in all the right places. May split sa kanang hita halos dalawang dangkal mula sa baywang. Showing their perfect long legs.

"Tanungin mo kaya ang pinsan mo?" Mahina ring saad ni Jeferylle. "Ang weird naman niya" She added.

Sherlyn smirked. "Para she'll be the only one who will shine tonight girlies. That's her plan"

Napa "Ohh" Silang tatlo. While Sherlyn took a sip from her glass of wine.

Silang apat ang nasa isang round table. Mabuti na lang at pang apatan lang talaga. Walang stranger na makakasama.

SUBMISSIVE 3: LENNOX SEVILLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon