CHAPTER ONE
Nakatunghay si Raiza sa bintana ng kanilang bahay at nakatingin sa kalangitan. Madilim at tila problemadong umiiyak. Hindi man kaliitan ang bahay nila ay masasabing hindi din naman kalakihan. Gawa iyon sa kahoy. May tatlong kwarto at bungalow type.
Malimit siyang sinasabihan ng mga kaklase niya na dalawang piso na lang ang pamasahe makararating na siya sa langit.
Why not? Taga bundok naman kasi sila. Ang sitio Dolores, ay isang tila isla. Sa Hacienda Luella, ang sitio nila ay napalibutan ng malalawak na ilog. Kailangang tawirin ang ilog upang makapunta sa Hacienda proper kung nasaan ang daan patungong eskwelahan. Pagkatapos ng ilang metrong paglalakad mula sa kanila, doon pa lamang makakasakay ng trycicle papuntang paaralan.
At kapag ganitong umuulan, umaapaw iyon at wala ng makalalabas pa sa sitio nila. Iyon ang mahirap, kapag nagkataon na may mga taong may sakit o 'di kaya'y nag-aagaw buhay ay mamatay na lang na hindi man lang madala sa hospital. Nabili lang naman daw ng don ang bahagi na iyon ng lupain, at idinagdag na lang sa dati nitong pag-aari.
Ang Hacienda Luella ay pag-aari ng isang matandang Kastila, si Don Roman Sevilla. Ang Hacienda ay ipinangalan sa yumao nitong asawa na si Donya Luella. May tatlong anak na lalaki at may kanya-kanya ng pamilya. Si Senyorito Romano, Senyorito Reynard at si Senyorito Rolando ang tatlong anak ng don.
Subalit nandito din lang naman sa Hacienda ang mga ito. Pero ang mga anak ay tila mas gusto sa syudad. Malayo sa buhay dito sa probinsya.
Ngunit may isang binatilyo na mas matanda sa kanya ng ilang taon ang nanatiling nandito. At ito ang isa pa sa mga dahilan kung bakit nagustuhan niyang mag-aral kahit pa malayo ang nilalakaran niya araw-araw.
She was now 15, almost 16, and also graduating from high school. Ang Luella College Integrated School ay ang kaisa-isang paaralan na nakatayo malapit sa lugar nila. Sa labas man ito ng Hacienda nakatayo, ay pag-aari din naman ng don.
May elementary, high school at college department. Hindi lang ang mga galing ng Hacienda ang nag-aaral doon. Mga karatig barangay na malayo sa centro ng bayan ng Cerro de Verde, ang kanilang bayan kung nasaan ang malaking paaralan, ngunit ito'y pribado din naman kaya mas madaming nag-aaral dito sa Luella college dahil mas malapit at mas mura kumpara sa nasa centro.
At ang sabi'y magdo-donate daw ang Don ng malaking area para sa public school. Ngunit hindi pa naman nasimulan ang pagpapatayo ng mga building.
And that young Sevilla is now second year college. Subalit palagi niya itong nakikita. Sa kabilang building ang room nito. Quadrado ang style ng school. Sa bawat building ay limang palapag. Dalawang building ang para sa college, isa para sa high school at isa para sa elementary. Sa bawat palapag ay may anim ma silid-aralan.
Kinabukasan ay sumikat na ang haring araw. Mabuti na lang at Sabado na. Hindi niya kailangang lumusong sa medyo malalim padin na ilog para lang pumasok at hindi niya kailangan makibaka sa putikan para lang makalabas sa sitio nila.
Sa buong Hacienda ay may pitong sitio. Ngunit ang sa kanila ang tila ba naiiba dahil nga may nakapagitan na ilog.
Maayos naman ito kapag walang ulan, may nakakadaan pa nga na trycicle. Mahal nga lang ang pamasahe.
At kapag anihan naman ay malalaking truck ang gamit ng mga taga doon paglabas ng mga produkto na inaani galing sa sitio nila dahil sobrang lawak ng taniman ng mais doon.
Ang Hacienda ay mais at palay ang produkto. Meron din namang kape at ibang mga prutas subalit mas madami ang mais at palay. Ang pagkakaalam niya ay may malawak na Rancho para sa mga alagang kalabaw at mga kabayo ang pamilya Sevilla.
BINABASA MO ANG
SUBMISSIVE 3: LENNOX SEVILLA
RomanceSypnosis Ang pag ibig daw ay parang isang hangin, hindi nakikita ngunit nararamdaman. Subalit paano kapag ramdam mo nga pero napapaso ka naman? Hayaan mo bang mapaso ka o subukang distansyahan hanggang sa tuluyang lumamig na lang? Ngunit sa pagbab...