CHAPTER 28

6 1 0
                                    


CHAPTER TWENTY EIGHT

"Lennox! You son of a bitch!" Nakaupo siya ng patiwarik sa loob ng sasakyan niya. Sa kalagitnaan kasi ng pakikipagkarera niya ay bumaligtad ito. At ngayon nga ay nakapatiwarik na siya.

Pinakiramdaman na niya kanina pa ang katawan, wala namang masakit, kaya nanatili muna siya doon. Hindi naman kasi malakas ang impact ng pagbaliktad ng sasakyan niya. Slow motion pa nga yata.

"What?" Walang anumang saad niya.

"Nagpapakamatay ka bang gago ka?!"

Iminulat niya ang mga mata. Nakita niya si Weston na nakasilip sa bintana ng kotse niya. Bukas pala. Napangiwi siya. "At bakit ko naman gagawin yon?"

Masama ang tingin ni Weston sa kanya. "Alam kong alam mo kung bakit! Oh My Lord! Not you!" Turo nito sa kanya. "Get your ass off of that car, will you?!" Bulyaw nito.

Napanguso siya dahil kung umasta ay tila ito ang ama niya.

"Isusumbong kita kina tito!" Pahabol pa nito.

Isusumbong my ass!

"Jesus Christ! It's been seven months Noxx! Pwede ba, ayusin mo naman ang buhay mo? Paano na lang kapag bumalik na siya? Ano ang ihaharap mong buhay sa kanya?!"

"Halos kagagaling lang ng sakit mo Noxx, ipapaalala ko lang" Boses naman yun ni Calvin.

"Yeah. Yeah"

Wala nang umimik. Nakalabas na rin siya sa kotse niya. Hinila pa nga siya ng dalawa. Ibinagsak niya ang katawan sa semento at ipinikit ang mga mata.

But he opened it widely when a gorgeous face invaded his mind. Bumalikwas siya ng bangon, alam niyang nakamata ang dalawang kaibigan niya sa kanya.

But who knows if they were just two? Lahat ng kaibigan niya, palagi siyang sinusubaybayan. Simula no'ng nahospital siya no'ng bumagsak ang katawan niya, lagi na ang mga itong nakasubaybay sa bawat galaw niya.

Perhaps, they are watching him 24/7. His house maybe bugged, like his car. Or it has a tiny cameras all over his place. Who cares anyway?

Baka nga si Xonti na naman ang nagsabi sa nangyari sa kanya ngayon lang e. He perhaps tapped his phone or everything. Baka may cctv sa sasakyan niya or something. 

Wala naman yun sa kanya.

Xonti and Weston are like mafias. He doesn't care, really. They can do what they like as much as he can do what he likes. And that is— to be vanished in this world.

Umalis siya sa lugar. Gamit ang isa pang sasakyan niya. Dumaan muna siya sa condo niya, naligo at nagbihis. Pagkatapos ay pumunta siya sa restaurant malapit sa hospital.

He went straight to the table he and Raiza often used to eat. Pero may nakaupo doon.

He sighed.

"I want to eat"

"Can you see I'm eating?"

"I don't care. Just get out" Malamig na saad niya.

"At sino ka naman? Kung makautos ka parang sa'yo ang mundo a?"

Nag-init ang ulo niya sa pagsagot ng lalaki kaya dinakma niya ang kwelyo nito. "Anong gusto mo, sapak sa bunganga o sa mata?"

"Gag—"

Hinigpitan niya ang paghawak sa kwelyo nito. Sinakal na niya. "Sinabi ko bang pwede kang sumagot?"

"Noxx!" It was Weston.

He groaned and took off his hands to the collar of that man. Nainis siyang tumayo ng maayos. Naiinis na siya! Sunod ng sunod ang mga ito na para bang isa siyang bata!

SUBMISSIVE 3: LENNOX SEVILLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon