CHAPTER TWELVE
Nahihilo na si Raiza pero hindi pa din natatapos ang tatlo sa ginagawa. Si Sherlyn ang nagpapa- inom kay Mia, ang babaeng sumabunot kay Trevor ang ultimate crush nitong si Sherlyn.
Si Dianna, na halos kadarating kaninang nagkagulo ay panay ang tawa habang sinasaway si Sherlyn. Si Femielyn naman panay hagod sa likod ni Mia.
Sinundan daw nito ang boyfriend nito at nakitang may kalandiang babae. Pero ang malas niya dahil ibang buhok ang nakita at sinabunutan. Dapat daw ang boyfriend nito ang nadali para kalbuhin.
"Eh hindi pewde bebe, baby ko yung sinabunutan mo e" Si Sherlyn.
Sumigok si Mia. "Pareho sila ng buhok, sorry na nga!" Padyak pa nito.
"Guwapo din ba gaya bg baby ko?"
"Ang kumag, guwapo nga babaero naman! Mabangga sana ang hayup na mazda, mahal na mayal nito 'yong sasakyan niyang 'yon, para masaktan ang gago kapag nawasak ang sasakyan. Mabuti nga sa kanya"
Napangiwi siya. Kung mabangga ang mazda, e di kasama ang boyfriend?
"Di nabangga din yung boyfriend mo no'n" Si Dianna.
"Hayaan mo na. Babaero naman. Punta na lang siya sa hell" Umiyak na naman ito, this time hawak ang dibdib, binabayo ng magaan lang naman "putang ina, ano bang meron sa ibang babae na wala ako?"
"It's not about you bebe. It's his choice. Cheating is a choice. Huwag mong tanungin ang worth mo. Sadyang gago lang 'yang boyfriend mo, gusto mong ipalapa sa Leon?" Si Dianna.
"Yeah. 'Yang nga cheaters na 'yan, they didn't cheat because of who you are. They cheated because that's them. That's their nature. Mga gunggong na nilalang" Si Femielyn.
Si Sherlyn ay bumunghalit ng tawa, tinampal pa sa balikat si Mia. "Girl, kapag niloko ka, lumandi ka kaagad, 'nyeta ka. Huwag kang umastang kawawa at pagtawanan ka lang. Huh! Lalake lang naman 'yan! Lalakeng walang bayag!"
"Mag-heal muna a" Si Dianna.
"Ano ka, pasyente? Noo! Walang heal heal, landi agad!" Itinaas ang bote na puno pa din. "Cheers to the heart that doesn't need to heal! Landi malala!"
Nakatanga siya kay Sherlyn. Ano ba 'tong babaeng 'to, parang heart broken kung magsalita eh, ni official boyfriend wala. Puro fling lang ang alam.
Sabi kasi nito, non label or labelled, pareho namang lalaki lang 'yan. Sex ang habol. 'Di nga nya alam kung tunay ang pagka-crush nito kuno sa dentist na yun.
Baka isa lang ulit sa mga kawawang lalaking nag-a-assume sa dalaga.
She sighed.
Napamata siya kay Mia. Bakit siya? Noong panahong broken siya, hindi naman siya uminom at nagpaka lasing. Sa kanya naman, hindi nakakatulong ang alak. Kita mo si Mia, imbes n makalimot, lalong naiisip ang mga panloloko ng boyfriend nito dito.
Yun ang iniiyakan e.
Kung totoong mabisa ang alak na panlimot sa problema, bakit umiiyak? 'Di ba sana masaya kasi nakalimutan saglit?
Kaya hindi niya maintindihan minsan ang mga nagsasabing nakakakimot sila pag umiinom e.
But anyway, iba-iba tayo ng way to forget and to mend ika nga.
Seconds, minutes and then hour passed. Lasing na talaga sila. Siya nga na halos hindi maubos-ubos ang laman ng baso, ramdam na ang kalasingan, ang tatlo pa kaya na halos gawing tubig ang alak?
Ipinatong niya ang isang braso sa matang nakapikit na. Nakasandal na nga siya sa sandalan ng sofa e.
Inaantok na siya talaga. Hilong talilong na. Sakit sa ulo talaga ang alak.
BINABASA MO ANG
SUBMISSIVE 3: LENNOX SEVILLA
RomansaSypnosis Ang pag ibig daw ay parang isang hangin, hindi nakikita ngunit nararamdaman. Subalit paano kapag ramdam mo nga pero napapaso ka naman? Hayaan mo bang mapaso ka o subukang distansyahan hanggang sa tuluyang lumamig na lang? Ngunit sa pagbab...