CHAPTER 7

5 1 0
                                    

CHAPTER SEVEN

Nakaligo na siya. Sa labas ng Hacienda, malapit sa bahay nila Calvin ay may ikakasal. Anak ng pinsan ng papa niya. At dito sa probinsya, kapag may kasalan, ibig sabihin may sayawan.

At dahil dalaga na siya, makikipagsayaw na daw siya sabi ng mama niya. Para naman daw ma- experience niya ang kasalan sa baryo.

Masaya daw e.  Her phone beeps.

Lennox: makiki-pagsayaw ka ba?

Her: hindi ko alam

Lennox: Ayoko. Pag-aagawan ka do'n panigurado

Her: Pupunta ka ba?

Lennox: Oo. Hintayin mo ako. Dapat ako ang first dance mo.

Her: ok.

Lennox: sabi mo hindi mo alam kung sasayaw ka. Bakut ka nag-ok?

Napangisi siya.

Her: Eh ano ba dapat?

Lennox: Kasama mo ba sina mama mo? Ok lang ba isayaw kita kapag nandiyan sila?

Her: Ok naman siguro kasi sayawan naman e.

Sumilip ang mama niya. "Tapos ka na?" Pinasadahan siya ng tingin ng mama niya. Ngumiti ito. "Ang ganda mo. Dalagang-dalaga ka na a"

Matangkad kasi siya. Akala nga ng iba ganap na siyang dalaga e. How she wish. But she's just 16.

Suot niya ay isang halter neck sleeveless white blouse, parang turtle neck na nga  sexy pa din siyang tingnan kasi exposed ang balikat niya. tinernohan niya ng maroon na slacks ang belt niya? isang ribbon. Bakat ang puwet sa suot niya, pati na ang curvy waistline and flat stomach.

"Thanks ma" Kiming saad niya.

"Halika na, nandiyan na si kuya Calvin mo.. Hanggang alas otso lang siguro kami nila papa mo at Ralf, maiwan ka doon. Bantayan ka naman daw nila kuya mo"

"Hindi ba ako pwedeng sumama pauwi ma?"

"Nakakahiya kina tita mo. Baka isipin nilang ipinagdadamot ka namin e. Huwag kang mag-alala, hindi ka naman pababayaan ng kuya mo doon a"

"Nakakahiya kasi ma. Ano ba nag sinasabi kapag sumayaw sa kasalan?"

Ngumisi ang mama niya "e 'di kung anong tanungin ng kasayaw mo e 'di siyng sagutin mo. Kung hindi magsalita e 'di huwag ka din magsalita. Batang 'to. Mabuti nga 'yan at ng magkaroon ka nman ng social exposure, hindi yung nabuburo ka lang dito. Kailangan mo din 'yan 'pag nasa Manila ka na"

"Nakakahiya ma"

"Ano bang kinakahiya mo e ang  ganda-ganda mo?"

"E syempre anak mo ako kaya nasasabi mong maganda ako"

"Maganda ka. Huwag mong ilagay sa ibaba ang sarili mo anak. Ikaw nga dapat ang unang-unang magsasabi at magtitiwala sa sarili mong itsura e"

Hindi na lang siya umimik. Lumabas na sila sa bahay nila. Pagsakay sa kotse ni Calvin ay ngumiti ito at kumindat sa kanya. "Ang ganda natin a" Anito.

"O kita mo na Rai, sabi ng maganda ka e" Si mama niya.

Natawa naman si papa niya. "Bakit, ayaw na namang maniwala?"

"Ayaw nga"

"Sobrang mahiyain kasi 'tong batang 'to tito" Si Calvin.

"Sinabi mo pa. Kaya ko nga hinahayaan sumama sa iyo para magkaroon ng exposure e" Si mama niya.

SUBMISSIVE 3: LENNOX SEVILLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon