CHAPTER 2

9 0 0
                                    

CHAPTER 2

"Our activity for today is debate kung sinong makaka sagot ng Maayos, Malinis at Malinaw ay mag kakaron ng perfect points sa performance task." paliwanag ni sir na ikina alerto ng utak ko.

Well mahilig talaga ako makipag debate lalo na at kapag maganda ang topic. First day of class pero debate agad. Magandang pang bukas nga naman ng klase ang debate dahil nagiging aktibo agad ang utak ng mga studyante.

"This is the question and situation. Kapag ang isang bata ay lumaking Walang galang, masama ang ugali, hindi sumusunod sa magulang, sinungaling at mayroong negatibong pananaw sa buhay, bukod sa sarili nya sino pa ang dapat sisihin? Ang mga tao bang naka paligid sa kanya? o Ang mismong mga magulang nya?"

Napa kunot ang noo ko. Pareho lang namang tama ang sagot pero kailangang pumili ng isa sa pamilian. At kung pipili man ako ay kailangang kaya kong ipag tanggol ang napili kong sagot.

Okay, Naka pili na ako. At tingin ko naman ay kaya ko iyong ipag laban hanggang huli. Ako 'yong tipo ng tao na ipag lalaban ang bagay na napili ko dahil hindi ako marunong mag patalo.

I always wonder what does it feels if i din't win an arguments or debates but I guess we'll never know because i always win.

Mabilis akong nag taas ng kamay dahil sapat na ang mga naisip kong defense answer at nakita ko naman ang pag ngiti ni sir at ng mga kaklase kong tumaas ako ng kamay. "As expected to our class president and top 1"

"Go on. Explain and defend your answer" ani ni sir kaya agad naman akong tumayo ng nakangiti.

This is exciting...

"Bukod sa sarili niya. Ang mga magulang ng batang 'yon, sir ang dapat natin sisihin dahil sila ang nag kulang sa pag tuturo ng tama at mali sa anak nila." seryosong sabi ko at pinakalma ang utak saka nag simulang mag salita ulit.

"Lahat naman ho ng nasa pamilian ay pwede nating sisihin but let's all remember na wala tayong karapatang mag desisyon sa buhay ng iba kung sino ang nakaka sama sakanila o nakaka buti. Pero dahil kailangang pumili sa dalawang pamilian. Ang pinipili ko ay ang mga magulang ng batang 'yon. Why? dahil in the first place dapat tinuturuan na ng magulang nya ang batang iyon kung paano ang maging isang mabuting tao na may positibong pag iisip at pananaw sa buhay. Kung may dapat mang sisihin dito ay ang mga magulang nya dahil hindi nila naturuan ng tamang asal ang anak nila nong bata pa ito. Ika nga nila. Sa tahanan unang natututo ang mga bata at ang magulang nila ang unang nag tuturo sakanila, kaya kung ano man ang kalalabasan ng bata pag laki ay dahil iyon sa mga magulang nya."

Mahabang paliwanang ko habang naka tingin kay sir. Ngumiti naman sakin si sir at tumango tango samantalang ang mga kaklase ko ay naka nganga lang habang naka tingin sakin na ikina tawa ko.

Uupo na sana ako pero biglang nag salita ang katabi ko. "It's a very good point and explanation but I disagree."

Kunot noo ko syang tiningnan pero nginitian nya lang ako at tumutig sakin.

"Para saakin ang dapat sisihin ay ang mga taong nasa paligid niya dahil kahit ano pang turo ng mga magulang sa anak nila ng tama at mali kung ang mga tao naman sa paligid nya ay itinutulak syang maging masamang tao na may negatibong pananaw sa buhay ay wala ring silbi ang mga itinuro ng magulang nya. Example may isang bata na naturuan naman ng maayos ng mga magulang nya pero dahil sa mga tao sa paligid nya ay naging masama sya. Kahit sinong mabuting tao ay maaaring maging masama kung ang mga taong nasa paligid nya ay masama din. Kahit gaano pa ka positibo ang pananaw ng isang tao sa buhay kung ang mga taong pumapaligid naman sakanya ay puro negatibo ang pananaw sa buhay, wala rin. Dahil naaadopt nating mga tao ang ugali at pag iisip ng mga nasa paligid natin, kaya ang dapat sisihin ay ang mga taong sa paligid nya na inimpluwensyahan sya na maging ganong tao hindi ang mga magulang nya. Kaya naman walang ibang dapat sisihin kun.jg hindi ang mga taong walang ibang ginawa kundi ang maging masamang ihemplo sa iba."

IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon