CHAPTER 4

4 0 0
                                    

CHAPTER 4

"Mag isa ka lang dito?" tanong ni ramiel nang papasukin ko sya sa loob ng bahay ko. Iniwan ko namang bukas ang pinto at pinaupos sya sa upuang katabi ng table.

"Oo, Sorry kung makalat pa. Hindi pa kase nakaka pag linis at tutulog na din sana ako" paliwanag ko pero nginitian nya lang ako.

Umupo naman ako sa katabi nya at hinarap sya. "May kailangan ka ba? If it's about the math subject then bukas ko nalang ipapaliwanag yong mga hindi mo gets"

"Ahm..." pag sisimula nya. "I just want to say sorry about what happened earlier. I know nothing and it's stupid of me to ask something like that" naka yukong sabi nya.

Ramdam ko naman sa boses nya na sincere sya sa sinabi nya kaya nginitian ko sya at mahinang tinapik sa balikat. "Okay lang yon. Sadyang ganon lang talaga ako kapag nababaggit sila."

"Well I really hates my parents. I'm a rape child.." pag sisimula ko ng kwento na ikina laki ng mga mata nya sa gulat. "16 years old palang ang mama ko ng gahasain sya ng isang drug addict at after 9 months. Eto na ako. Pero ang nanay ko ayaw nya saakin kaya siguro pag ka panganak nya ay iniwan nya ako dito sa bahay na'to mag isa. Kung hindi pa ako nakita ng mga kapitbahay namin baka namatay na ako dito mabuti nalang at kinupkop ako ng kapitbahay namin at itunuring akong anak nya pero yong asawa nya ayaw sakin."

"Alam ng lahat ng kaklase natin ang buhay ko dahil nong grade 7 kami ay pumunta silang lahat sa bahay namin non para i surprise daw ako sa birthday ko. Kaso sila ang surprise dahil nong araw na yon pinalayas ako ng asawa nong umampon sakin kase namatay na daw ang asawa nya. Ipinag sigawan nya sa harapan ng mga kaklase ko na isa akong walang kwentang bata na bunga ng pang gagahasa sa ina ko at ang tatay ko ay isa pang drug addict at ang nanay ko na akala ko ay aalagan ako ay iniwan ako. Lahat 'yon ay sinabi nya sa mga kaklase ko kayang hiyang hiya ako sakanila." sandali akong tumigil sa pag sasalita at pinunasan ang luha kong unti unti ng tumutulo sa mga mata ko.

"Akala ko non pag tatawanan at huhusgahan nila ako pero hindi nila ginawa. Instead niyakap nila ako isa isa at tinulungan pa nila akong lumipat dito sa dating bahay ng nanay ko kung saan nya ako iniwan. Tinulungan ako ng mga kaklase at teacher namim na mag simula ulit. Ang principal ng school na pinapasukan natin ay binigyan ako ng scholarship na hanggang pag college ko na raw. Ang tanging gagawin ko lang ay galingan sa pag aaral at sila na daw ang bahala sa lahat. Kaya naman para maka bawi sa kanila mula grade 7 ako ay ginalingan ko na talaga para kahit sa ganong paraan ay maka bawi ako sa lahat ng tulong nila sakin." pag papatuloy ko sa pag kukwento.

Hindi ko alam kung bakit pero sobrang komportable ako sa pag kukwento sa kanya. Siguro dahil hindi sya nag sasalita at seryosong nakikinig lang sakin.

"But don't get me wrong ha. Hindi ako nag papaawa sayo dahil hindi ko naman kailangan ng awa." mahina akong tumawa at pinahid ang mga luhang tumutulo mula sa mata ko.

Huminga ako ng malalim at pinakalma muna ang sarili bago nag salita. "May kailangan ka pa ba?" nakangiting tanong ko.

"Let's eat?" ani nya at itinaas ang plastic na dala nya.

"Ano yan?"

"Pag kain" sagot nya sa tanong ko at inilabas ang mga laman ng plastic at inilagay yon sa maliit na lamesang nasa harapan namin.

Ang laman ng plastic ay tatlong plastiklc din na may lamang kanin at apat na plastic na ulam naman ang laman. Mukhang sa Karenderya sa labasan nya 'yon binili.

"Naka salubong 'yong dalawa mong kaibigan kanina. Hindi ko kase alam kung saan ang bahay mo kaya tinanong ko sila at sinabi nila sakin kung san ka naka tira tapos nadaanan ko yong karenderya sa may paradahan ng tricycle kaya bumili ako ng pag kain na dadalhin. Nakaka hiya kase kung pupunta ako dito at mag sosorry ng walang kahit anong dala." mahabang paliwanag nya habang inilalagay ang mga kanin at ulam sa pinggan na kinuha nya sa kusina ng bahay ko.

IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon