CHAPTER 18

3 0 0
                                    

CHAPTER 18

NAPAKA BILIS lang ng panahon. Isang linggo na agad ang naka lipas at sa loob ng isang buong linggo na 'yon ay ako na ata ang pinaka masayang tao.

Araw araw ay hatid sundo niya ako sa at palagi niya rin akong inaaya for dates and bonding. He never failed to make me happy.

Everyday may flowers siyang binibigay sakin at sa loob ng isang linggo na 'yon ay mas lalo talaga akong nahuhulog sakanya.

Hindi ko na nga alam kung makaka survive pa ba ako kung mawawala siya saakin dahil kahit sandaling panahon palang kaming nag kakasama ay may napaka laking parte na agad siya sa puso ko.

Masyado akong masaya ngayon. Ganito talaga siguro kapag inlove. Nakikita ko namang seryoso siya sa panliligaw at talagang ginagawa niya ang lahat para mapasaya lang ako kaya ganon din ako sakanya.

Pakiramdam ko tuloy ay napaka swerte ko dahil binigay siya sakin ni god. Sobrang gentleman niya at masasabi ko talaga na sobrang sobrang Green Flag niya.

Minsan nag talo kami about sa school works at sa pag dedesisyon sa SSLG. Nasigawan ko siya non at inaway ko pa siya dahil mag kaiba ang gusto naming gawin pero siya nakikinig lang sakin.

Hindi niya ako sinisigawa at hindi rin siya nakikisabay sa galit ko. Minsan nga napapa isip nalang ako kung deserve ko ba siya dahil para siyang anghel samantalang ako hindi ko pa malaman kung tao ba ako.

Hindi ko nanaman tuloy maiwasang mapangiti nang maalala ang lahat ng nangyari nitong mga naka raang araw na kasama ko siya.

Kakauwi ko lang mula sa church date namin kanina at ngayon ay malapit nang dumilim kaya nag simula na akong mag saing at mag luto ng ulam ko.

Napatigil naman ako sa ginagawa ko nang may kumatok sa pintuan. Sino naman kaya 'yon? Bisita? Si Wendel? Si Angel? Si Jeremiel?

Nag kibit balikat nalang ako at pinunasan ang kamay ko saya nag lakad palapit sa pintuan at binuksan 'yon.

Para naman akong napako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang kumakatok sa pinto. Seryoso lang ang mukha niya pero nang makita ako ay ngumiti siya ng tipid.

Kilalang kilala ko siya dahil palagi kong nakikita ang mga picture niya sa social media dahil isa siyang sikat na business man. At minsan narin siyang itinuro sakin ng nag palaki at umampon sakin.

"Papa" mahinang sambit ko habang naka titig sakanya. Ngumiti naman siya saakin at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nag karoon ng kaunting saya sa puso ko.

Nilawakan ko ang pag kaka bukas ng pinto kinakabahang nginitian siya. "Pasok ho. May kailangan po kayo?" magalang na tanong ko sakanya.

Kahit naman hindi maganda ang tingin ko sakanya dahil sa ginawa niya sa ina ko ay kailangan ko parin siyang igalang dahil mas nakaka tanda siya.

"Gusto lang sana kitang makausap" tipid siyang ngumiti at tumango naman ako sa pinapasok na siya.

Pinaupo ko siya sa bangko at dinalhan ng tubig. "Tungkol saan po ba ang pag uusapan natin?" tanong ko sakanya.

Naging seryoso naman ang mukha niya at hinawakan ako sa kamay. "Anak ko" sambit niya na ikina panlaki ng mga mata ko.

"I'm sorry kung ngayon lang kita napuntahan" pag sisimula niya at napansin ko rin na parang maiiyak na siya habang nag sasalita.

"Hindi ko alam na nabuntis pala ang nanay mo pag katapos nang nangyari saaming dalawa. Ngayon ko lang nalaman dahil may kamag anak ako na nag sabi sakin na nag bunga daw ang nangyari saamin ng mama mo."

Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. "You raped her" malamig ang boses kong sabi na ikina panlaki naman ng mga maya niya at parang gulat na gulat pa sa sinabi ko.

IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon