CHAPTER 28 - LAST CHAPTER
"Sigurado kana ba sa desisyon mong aalis ka, Anak?" tanong ni Papa na ikinatawa ko ng mahina dahil iyon na ata ang pang labing tatlo niyang tanong simula kaninang umaga.
Nginitian ko lang siya saka hinawakan sa kamay. "Papa magiging maayos po ang lagay ko don at isa pa po kaya ko ang sarili ko." paninigurado ko sakanya.
Bumuntong hininga naman siya at niyakap ako. "Mukhang hindi na talaga kita mapipigilan." Ani niya nang bumitaw sa pag kakayakap saakin.
Nginitian ko lang siya at sunod na tiningnan ang dalawa kong mama na parehong umiiyak. "Hindi po ako mag tatagal sa London kaya wag kayong Oa.." nakangiting sabi ko pero sinamaan lang nila ako ng tingin kaya nilapitan ko silang dalawa at sabay na niyakap.
"Siguraduhin mong babalik ka agad ha" ani ni mama Elaine na naunang humiwalay sa pag kakayakap sakin. Tumango lang ako sa kanya at tiningnan ang isa ko pang mama na walang tigil sa pag iyak.
"Oa mo ma" sabi ko sakanya kaya nahampas pa niya ako sa balikat na siyang ikina tawa ko lang.
Sunod ko namang tiningnan si kuya Camael na seryoso lang na naka tingin sakin pero nang nginitian ko siya bigla nalang niya akong niyakap ng napaka higpit.
"Mamimiss ko ang nag iisa kong kapatid kaya umuwi ka rin agad.." bulong niya sakin.
"Uuwi naman talaga agad ako kuya dahil baka manose bleed lang ako don kapag nag tagal ako ng sobra." biro ko sakanya na ikina tawa niya rin.
"Gusto mo bang ihatid ka namin?" tanong ni papa pero umiling lang ako dahil baka hindi ko pa kayaning umalis kong ihahatid nila ako sa airport.
Napay desisyonan kong umalis ng bansa at sa London nalang ipag patuloy ang pag aaral ko dahil naka tanggap ako ng schoolarship mula sa isang school don.
Sakto namang ngayong month palang mag sisimula ang school year nila kaya abot pa ako. Hindi ko na kase talaga kakayaning ipag patuloy ang pag aaral dito sa pilipinas dahil kahit saan ako tumingin ay naaalala ko siya.
Apat na buwan na simula ng mawala siya pero sariwa parin saakin ang sakit pero katulad ng sinabi at ipinangako ko sa kanya ay mag papakatatag ako.
Magiging malakas ako dahil kailangan kong maka survive para matupad ko ang mga pangarap ko sa buhay.
Ito ng tama kaya ito ang gagawin ko. May kilala pati si papa na Psychiatrist sa London kaya talagang mas ginusto kong pumunta don dahil gusto kong doon mag Move On.
Gusto kong maging maayos ang pakiramdam ko at kapag bumalik ako dito sa Pilipinas ay wala na ang sakit.
Gusto ko kapag bibisita ako ulit sa puntod ni Wendel ay naka ngiti na ako at hindi na umiiyak dahil alam kong ayaw na ayaw niya kapag umiiyak ako.
Tatlong bosina ng kotse ang nag pabalik sa akin sa wisyo. Nginitian ko muna sila mama, papa at kuya saka kinawayan sila para mag paalam.
Hindi ko na hinintay pang mag salita sila dahil baka hindi na ako maka alis pa. Nag patuloy lang ako sa pag lalakad hanggang sa maka labas ako ng bahay at bumungad saakin si Jeremiel na naka sandal sa kotse niya.
"Bagal mong babae ka" naka simangot niyang sabi at kinuha ang maleta na dala ko pero inirapan ko lang siya at pumasok na sa kotse niya. "Taray mo naman ngayon madame" ani pa niya nang maka pasok sa kotse.
"Natural 'to Jem" sagot ko habang nag lalagay ng seat belt pero agad rin akong natigilan at napa tingin sa back seat nang makita kong dalawang maleta ang nandon.
Akin 'yong isa don pero isa ay hindi kaya agad kong tiningnan si Jeremiel. "May pupuntahan ka rin ba?" tanong ko sakanya.
Nginitian niya naman ako saka ipinakita sakin ang passport niya. "Sasamahan kita sa London dahil nangako ako sa bestfriend ko na hindi kita iiwan at papabayaan habang nasa process of healing ka pa." naka ngiti pang sabi niya na ikina kunot ng noo ko.
BINABASA MO ANG
IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)
JugendliteraturDescription They say when god is the center of your ralationship it will last forever. But does it applies for everyone? Or only to those who he choose? She is Gabriella Khimberly Villanueva a girl who has a hard life. But when she met him, that day...