CHAPTER 3

8 0 0
                                    

CHAPTER 3



"Gab, Uuwi na kami ha"

"Gusto mo Puntahan ka namin mamaya?"

"Gabriella, Aalis na ako"

"Ingat ka sa pag uwi mo, ha"

Rinig kong sabi ng mga kaklase ko na isa isang lumapit sakin at ang iba ay niyakap pa ako pero hindi ko sila mabigyang pansin dahil naka tulala lang ako ngayon sa unahan.

Hindi ko alam pero nanghihina na talaga ako at hindi ko manlang magawa tumayo. Hindi ko magawang maka pag isip ng maayos dahil parang na ba-blanko ang utak ko.

Ganito naman ako palagi kapag may nag tatanong ng tungkol sa mga magulang ko. Iniwan na nila ako't lahat pero hanggang ngayon nasasaktan padin ako kapag naaalala ko mga nangyari.

"Gusto mo bang ihatid na kita?" boses 'yon ni Jeremiel na bestfriend ko kaya agad akong napa tingin sakanya.

Tipid akong ngumiti. "Mauna ka na. Sasabay ako kay Angela"

Tumango naman sya at hindi na ako nagulat ng bigla nya akong yakapin. At nang bumitaw sya ay nakita ko pa ang pag sama ng tingin nya sa taong katabi ko na hanggang ngayon ay hindi parin umuuwi.

"Gago ka ba pre? Don't you dare mention them again infront of her kung ayaw mong masuntok" may halong pag babanta ang boses na sabi at saka ay nag paalam na sakin na uuwi na sya.

Nang maka labas na si Jeremiel ay kaming dalawa nalang Ramiel ang naiwan dito sa classroom kaya agad ko syang tiningnan at matipid na nginitian.

"Pag pasensyahan mo na si jeremiel kung sinabihan ka nya ng ganon ha. Ayaw lang talaga nyang nakikita akong ganito." mahina kong sabi pero hindi sya nag salita kaya ako nalang ang tumayo.

Pakiramdam ko naman ay kaya ko pang mag lakad hanggang pauwi. Pero nakaka ilang hakbang palang ako ng biglang nanghina ang tuhod ko at muntik na akong matumba kung wala lang sumalo sakin.

"Ihahatid na kita dahil mukhang hindi mo kayang umuwi mag isa" ang malambing nyang boses na narinig ko ang nag pakalma sa buong sistema ko.

'God, Why do you need to make me remember those people? Wala na sila pero nagagawa parin nila akong saktan'

Naramdaman ko ang pag alalay sakin ni ramiel kaya dahan dahan na akong nag lakad palabas ng classroom.

Hindi sya nag salita habang nag lalakad kaming dalawa basta naka alalay lang sya sakin hanggang sa maka salubong namin si angela na alalang alala ang mukha.

At nang makita nya ako ay agad syang lumapit sakin. "Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Nakaka hinga ka ba ng maayos?" sunod sunod na tanong nya at mahigpit akong niyakap.

"Kalma, Angel" mahinhin kong sabi.

Tumingin naman sya sakin pag katapos ay kay Ramiel na ngayon ay inaalalayan ako. "Uuwi na ako at ihahatid daw nya ako" nakangiting sabi ko kay angel at itinuro si Ramiel.

Tumango naman ang micha. "Okay, Ingat ha" nakangiting sabi nya at nag lakad na paalis.

Mukhang nag aalala talaga sakin si Angela at Jeremiel pero ilang ulit ko naman na sinabi sa kanila na hindi ko na uulitin ang ginawa kong pag kakamali 2 years ago.

Nangako naman na ako sa kanila na hindi ko na gagawin ang bagay na 'yon kaya talagang hindi ko na gagawin. Nakita ko kung gaano mag alala saakin non si Jeremiel ay ayaw ko na ulit siyang pag alalahanin ng ganon.

Si Angel naman ay umuwi pa dito mula China para lang mapuntahan ako dahil sinabi sakanya ni Jeremiel ang sitwasyon ko. Nalaman ko rin na hindi na siya tumuloy sa Dance Contest na sinalihan niya dahil saakin.

IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon