CHAPTER 22
"Don't think too much, Princess ako na ang bahalang gumawa ng paraan." napa buntong hininga nalang ako at tumingin kay Wendel dahil sa sinabi niya.
Kanina pa sumasakit ang ko dahil hindi ko na alam ang gagawin. Ang mga teachers at ang principal ay problemado na din kaya sinabi ko sakanila na kaming SSLG officers na ang bahala pero ngayon ay nag sisisi na ako.
Ilang banda na ng iba't ibang school ang kinausap ko kanina at kahapon para pakiusapan sila na tumugtog sa last night pero lahat sila ay abala.
Hindi ko na nga nagawang ienjoy ang first day ng foundation week at mukhang pati ngayong second day ay hindi rin ako makaka pag pahinga.
"Why don't we create our own school band?" mabilis na napunta kay Cyrille ang atensyon ko dahil sa sinabi niyang idea.
"Tatlong araw nalang ang meron tayo Cyrille kaya paano pa tayo makaka gawa ng banda?" ani ko na sinangayunan naman ng lahat ng officers. Nag me-meeting kami ngayon dito sa school para sa pwedeng gawin pero wala parin kaming naiisip but Cyrille's Idea is kinda good.
Ang problema ay kung paano kami makaka hanap ng magiging part ng banda na marunong ng tumugtog.
"What if buhayin ulit natin ang Angels of Heaven Band?" nakuha naman ni Antonette ang atensyon ko dahil sa sinabi niya.
Dahil ang bandang iyon ay kabilang si Jeremiel. Last year ay sumikat sila dahil sa galing nilang kumanta at mag instrument.
Mga gwapo rin sila kaya talagang sikat na sikat sa mga students dito sa school at kaya nga Angels of Heaven ang pangalan ng banda nila dahil para silang mga anghel na ipinadala ng langit para tumugtog.
But sadly lumipat ng school ngayong school year ang tatlo sa kanila kaya nabuwag na rin ang banda.
"Imposible yatang mangyari 'yon dahil lumipat na ng school si Kennedy at Light na lead singer ng banda. Lumipat narin si Jace na Drummer ng banda" kontra naman ni Kio.
"But Jeremiel, Michael and Saraquel are still here in our school. We can talk to them and then we will find new lead singers and drummers." Si andrea naman ang nag salita.
Napabuntong hininga nalang ako at isa isang tiningnan ang mga kasama ko na mukhang mga problemado na rin.
"May kakilala ba kayong magaling kumanta na pwedeng sumali kung ibabalik natin ang banda?" tanong ko sakanila kaya lahat sila ay saakin napunta ang atensyon. Pati si Wendel na abala sa pag lalaro sa kamay ko ay tumingin sakin.
"Si Vice, Pres may nakita akong Video na kumakanta siya sa dati niyang school." wika ni andrea kaya mabilis kong tiningnan si Wendel para kompirmahin.
"I know how to sing but I'm not sure if i'm good at it." sagot niya. Mag sasalita na sana ako pero biglang kumirot ang ulo ko at parang pinupokpok iyon dahil sa sobrang sakit.
Hindi ko sana gustong ipahalata sa kahit kanino na sumasakit ang ulo ko pero bigla ko nalang naramdaman ang pag lapat ng palad ni Wendel sa noo ko.
Nangunot ang noo niya at seryoso akong tiningnan.
"Let's end this meeting. Mag pahinga muna tayong lahat." Biglang sabi ni Wendel. Naging maawtoridad at seryoso na rin ang boses niya.
"Marami pa tayong kailangang gawin, Wen kaya hindi pwedeng mag pahinga at itigil ang meeting." pag salungat ko naman sa sinabi niya dahil marami pa talaga kaming dapat gawin at hindi pwedeng itigil muna ang meeting.
"You need to res–FUCK!" nangunot ang noo ko nang biglang mag mura si wendel. Ito ang unang pag kakataon na narinig ko siyang nag mura. Mag tatanong pa sana ako kung bakit pero naramdaman ko nalang na parang may likidong tumutulo sa ilong ko at nang tinginan ko kung ano 'yon ay halos mamutla ako nang makita kong dugo iyon.
BINABASA MO ANG
IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)
Novela JuvenilDescription They say when god is the center of your ralationship it will last forever. But does it applies for everyone? Or only to those who he choose? She is Gabriella Khimberly Villanueva a girl who has a hard life. But when she met him, that day...