CHAPTER 27
Matagal na simula nong huling punta ko sa lugar na ito. At ang huling punta ko ay mag kasama pa kaminy dalawa. Bawat hakbang ko patungo sa Condo Unit niya ay parang bumabalik sa mga alaala ko ang masasaya na alaala namin dito.
Nang maabot ko ang pinto ay agad kong ini-type nag password. 121806 at bumukas ang pinto. Hindi na ako nag dalawang isip na pumasok sa loob non pero hindi pa ako nakaka tatlong hakbang nang mapatigil.
Napa awang ang labi ko sa gulat at nag umpisang tumulo ang mga luha sa aking mata. Hindi maka paniwala sa mga nanakita sa paligid ko.
Ang buong paligid ay puno ng mga dekorasyon. May iba't ibang kulay at hugis ng lobo na nag kalat sa sahig ngunit ang nag pakuha sa aking atensyon ay ang dekorasyon sa pader.
May mga lobong naka dikit sa kurtinang kulay pula bilang disenyo. At sa gitna noon ay may mga kulay gold na letter ballons.
MAY I BE YOUR BOYFRIEND?
Habang nag lalakad palapit sa maliit na table na nasa gitna ay panay lang ang pag tulo ng luha ko. Hindi ko magawang ngumiti o mag saya dahil sa mga nakita ko dahil ang sakit sakit.
Nang tuluyan akong maka lapit sa table ay isang crochet flower boquet ang nakita ko at may kasama 'yong card na may naka sulat na "Para sa pinaka magandang binibini na aking nakilala."
The whole settings are beautiful. Beautiful but Painful because It reminds me that Wendel will never be here to ask me those question.
Napaluhod nalang ako sa sahig dahil sa sobrang panghihina. Patuloy lang ako sa pag iyak hanggang sa mapansin ko ang human size teddy bear na naka upo sa sofa.
It's a Pink teddy bear. Kinuha ko iyon at mahigpit na niyakap dahil hindi ko na kayang pigilan pa ang sakit na nararamdaman ko.
Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap ang teddy bear. Naaamoy ko sakanya ang pabango ni Wendel kaya mas lalo pa akong napa iyak.
Inisip ko nalang na si Wendel ang niyayakap ko dahil mag katulad na naman sila na walang buhay at kahit kailan ay hinding hindi ko na makakausap pa.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak habang yakap yakap ang teddy basta nagising nalang ako nang maramdaman ko ang tila ba pag yakap saakin ng malamig na hangin pero sobrang saglit lang.
Muli nanamang tumulo ang luha sa aking mga mata nang maisip na baka si Wendel 'yon at sinasamahan ako.
Napailing iling nalang ako at pinunasan ang luha saka tiningnan ang iba pang nasa ibabaw ng table. May hindi kalakihan don na kahon at kinuha ko iyon. Sinubukan kong buksan pero may lock kaya muli kong naalala ang susi na ibinigay ni Jeremiel.
Ginamit ko iyon para buksan ang kahon at bumukas naman 'yon. Bumungad saakin ang napaka raming papel na alam kong may mga sulat bawat isa.
Pare pareho lamang na pink ang kulay ng mga papel na ginamit ngunit may isang naiiba ang kulay kaya iyon ang una kong kinuha.
Inipon ko muna ang lahat ng lakas ng loob ko bago buksan ang papel at nang pakiramdam ko ay handa na ako binuksan ko na iyon.
To: Pinakamaganda sa lahat
Gabriella Khimberly VillanuevaHi, Minamahal kong binibini at kung ito ang una mong kinuha, Ang galing mo talaga. Ang ganda mo pa, kaya huwag kang umiyak dahil nakaka wala ng ganda at angas yan Miss Pres.
BINABASA MO ANG
IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)
Ficțiune adolescențiDescription They say when god is the center of your ralationship it will last forever. But does it applies for everyone? Or only to those who he choose? She is Gabriella Khimberly Villanueva a girl who has a hard life. But when she met him, that day...