CHAPTER 9

3 0 0
                                    

CHAPTER 9

'How to sleep?'

Sobra dami ko pang gagawin ngayong araw dahil ngayong umaga na mag bobotohan. At mamayang hapon na sasabihin kung sino ang mga nanalo. Literal na punong puno na ang schedule ko lalalo pa't may meeting mamaya ang lahat ng Club officers para sa parating na founding anniversary ng school next month.

Napaka rami ko talagang dapat gawin kaya hindi magandang bagay ang mag puyat. Pero kainis. Hindi ako natulog or should i say Hindi ako maka tulog at dahil lang naman 'yon sa mga pinag sasabi ni wendel kagabi.

Kahit na tinatamad pa akong bumangon ay pinilit ko parin dahil 4am na at kailangan ko pang ayusin ang mga ducoments para sa meeting mamaya ng bawat clubs.

Hindi pa masyadong mulat ang mga mata ko pero pumasok na ako sa banyo at naligo para mahimasmasan naman ako. Matapos kong maligo ay nag bihis na ako. White polo shirt at black pants lang ang sinuot ko dahil friday naman.

Pinatuyo ko muna ang buhok ko at pag katapos ay saka ko lang 'yon sinuklay at pinuyod. Nag lagay din ako ng light make up para hindi naman masyadong halata na hindi ako natulog buong gabi.

Nang matapos ako sa lahat ng dapat kong gawin ay kinuha ko na ang shoulder bag ko.
Sa school ko na rin balak mag almusal dahil maagap naman mag bukas ang canteen pero bago ako pumasok kailangan ko munang dumeretso sa simbahan dahil tatlong araw na akong hindi nakaka punta don dahil sa sobrang pag ka busy.

Binuksan ko na ang pinto ng bahay ko at lumabas na. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko si wendel na naka tayo sa tapat ng bahay ko. Nang mag tagpu ang mga mata namin ay mabilis siyang lumapit saakin habang naka ngiti.

"Finally, naabutan din kita" masayang sabi niya at may plastic na inabot sakin.

Tinanggap ko naman 'yon at tiningnan ang laman non. Nag tataka ko naman siyang tiningnan. "Iced coffee?" tanong ko.

Tumango naman siya at nag lakad na kaya sumunod lang ako sakanya. "Angela said you like Iced coffee in the morning kaya nong napa daan ako sa cafe ay bumili ako dahil naalala ko na gusto mo 'yan. Binili ko rin ang paborito mong tinapay sa malapit na bakery sa kanto." mahaba niyang sabi at hindi ko na napigilan ang pag ngiti ng malapad dahil don.

Sobrang bilis nanaman ng tibok ng puso ko at dahil lang 'yon sakanya. "Thank you dito pero hindi mo naman ako kailangang dalhan ng pag kain tuwing pupuntahan mo ako" nakangiti kong sabi pero umiling iling lang siya.

"I like spoiling you with foods so don't sto me because i won't stop." nakangiting wika niya at inakbayan ako.

Bigla namang bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi pero hindi ako nag salita dahil baka maging awkward kami sa isa't isa.

"Hindi ka naka tulog?" natigilan ako sa pag lalakad nang marinig ko ang tanong niya pero agad din akong nag patuloy.

"Paano kaya ako makaka tulog kung may isang lalaki jan na umamin na gusto raw ako kahit na 5 days palang niya akong kilala." naka ngiwing sagot ko sakanya.

Mahina naman siyang tumawa at hindi na nag salita dahil nasa harapan na kami ng simbahan. Huminga muna ako ng malalim at pumasok na sa loob ng simbahan. Ganon din siya.

Sabay kaming nag lakad sa ginta ng simbahan para pumunta sa pinakang unahan na upuan.

"This is my dream" Rinig kong mahinang bulong ni wendel na naka tingin sa harap ng altar habang nag lalakad.

"Ang alin?" tanong ko sakanya. Ngumiti nanan siya at humarap saakin.

"To walk with you in the aisle" sagot niya at parang tumigil sa pag function ang buong katawan ko dahil hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at parang kinikiliti ang loob ng tiyan ko.

IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon