CHAPTER 26

2 0 0
                                    

CHAPTER 26

"They say that the most painful thing about losing someone is when they leave you without saying Good bye."

It's been 1 week since he left me and the scars are still here in my heart. Hindi ko magawa ang mga dati kong ginagawa dahil palaging siya ang hanap ko.

Nawawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay. Hindi ko mapilit ang sarili kong kumain at matulog. Paminsan naman
ay nagagawa kong kumain pero paunti unti lamang. Nandito lang ako sa bahay at nag kukulong.

Hindi ko kayang puntahan si Wendel. Hindi ko kayang makita siyang naka higa sa loob ng puting kahon na iyon at walang buhay dahil hindi parin naniniwala ang utak ko na wala na siya.

His mother still hates me. Ayaw niya akong papuntahin sa burol ni Wendel and I respect that dahil may karapatan naman talaga siyang magalit sakin.

Kahapon pa nailibing si Wendel at hindi ko nagawang pumunta dahil hindi ko parin talaga kaya. Masakit parin at hindi ko kayang tanggapin na wala na siya.

I miss him...

Hindi ko alam pero nitong mga nakaraang araw ay nawawalan na talaga akong gana sa lahat. I felt so empty...

Tila ba may napaka laking kulang sa buhay at pag katao ko simula nang mawala siya.

"Anak, Ayaw mo ba talagang kumain?" rinig kong sabi ni mama elaine kaya napa tingin ako sakanya. May hawak hawak siyang pinggan na may lamang pag kain na paborito ko pero hindi ko magawang matakam don.

Hindi ako nakaka ramdam ng gutom kaya tiningnan ko lamang iyon at umiling. Ini pikit ko nalamang ang mga mata ko at pinilit ang sariling matulog pero hindi ko parin magawa.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Gusto kong mag pahinga pero hindi ko alam kung paano dahil hindi naman ako maka tulog ng maayos. Parang wala na anong buhay.

"Gabriella tingin mo ba matutuwa siya ngayong nag kaka ganyan ka?" Hindi na iyon boses ni mama elaine kundi boses ni Jeremiel na halatang galit na.

Araw araw siyang nandito sa bahay at pilit akong pinapakain at pinapalabas pero hindi naman siya si Wendel kaya hindi niya ako mapipilit na gawin ang gusto niya.

Pati sila Papa, Mama elaine at kuya Camael ay pinipilit akong lumabas pero hindi ko kaya.

I want Wendel... Siya lang ang gusto kong kasama dahil siya lang naman ang may kayang umintindi saakin.

"Gabriella naman maawa ka naman sa mga taong nasasaktan dahil nag kakaganyan ka.." ani pa ni Jeremiel at nilapitan ako.

Hinawakan niya ang kamay ko pero at pilit akong pinatatayo pero nanatili lamang akong naka higa. Hindi dahil gusto kong manatiling naka higa kundi dahil hindi ko alam kung paano.

Hindi ko alam kung paano ako babangon para harapin ang katotohanang pag labas ko ng kwartong ito ay wala na si Wendel.

Hindi ko kayang harapin ang katotohanang kahit anong gawin kong pag hihintay na bumalik siya ay hindi na mangyayari dahil wala na siya.

Binawi na siya sakin..

Wala na ang taong mahal ko. Wala na ang lalaking nag turo saakin kung paano ang mabuhay ng masaya. Wala na ang taong dahilan kung bakit pa ako nabubuhay.

Wala na siya.. Hindi ko na maririnig ang boses niya at hindi ko na makikita ang magaganda niyang ngiti. Hindi ko na siya mayayakap tuwing nalulungkot o masaya ako at higit sa lahat wala na ang mag tutuyo sa luha ko tuwing umiiyak ako.

Natigilan naman ako at napapatig sa pader ng aking kwarto nang makuha ng atensyon ko ang isang bagay na naka sabit don.

Cross... Mapakla akong tumawa at pinagmasdan iyon. "Humiling sayo diba? Humiling ako na wag mo siyang kunin sakin dahil handa akong pag lingkuran ka habang buhay pero ano? Kinuha mo parin siya! Masaya kana ba? Bakit mo siya ibinigay sakin kung babawiin mo rin naman? Bakit mo pa ipinaranas sakin ang mahalin ng isang taong tulad niya kung kukunin mo rin lang pala siya?" Malakas na hiyaw ko habang naka titig doon.

IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon