CHAPTER 21

2 0 0
                                    

CHAPTER 21

DALAWANG linggo na ang lumipas simula nang makilala ko si papa. Ang tanging hiling ko lang sa maykapal ay maka sama si papa pero talagang napaka buti ni god dahil binigyan pa niya ako ng kuya na napaka maalaga.

Idagdag pa si mama elaine na sa loob ng dalawang linggo na pagtira ko kasama sila ay walang ibang ginawa kundi ang alagaan at i-spoil ako sa kung ano anong bagay.

Hindi na tita ang tawag ko sakanya dahil mag tatampo siya. She wants me to call her mom. Ayaw ko namang sumama ang loob niya sakin kaya kahit hindi ako masyadong sanay ay mama na ang itinatawag ko sakanya pero ngayon ay sanay na sanay na talaga ako.

Ang saya lang sa pakiramdam na magkaroon ng pamilya na alam mong mahal na mahal ka. Akala ko noon ay hindi ko na mararanasan ang magkaroon ng masayang pamilya pero ngayon heto ako masayang tumatawa habang nakikipag kwentuhan sa pamilya ko.

"Princess hindi mo pa ba ipapakilala samin ang boyfriend mo?" natigilan ako sa pag tawa at pag subo nang marinig ko ang sinabi ni papa na naka ngiti habang naka tingin sakin.

Mahina ko namang siniko si kuya Chael nang bigla siyang tumawa. "Don't pressure our daughter, hon. She will introduce him to us if she's ready." wika naman ni mama na inunahan ako sa pag sasalita.

"Wala pa namang boyfriend itong maganda kong kapatid papa" si kuya chael naman ang nag salita at inakbayan pa ako.

Kunot noo namang tumingin sakin si papa samantalang si mama ay naka ngiti lang saakin. "Hindi mo pa ba sinasagot ang gwapo mong manliligaw?" tanong ni papa na ikina pamula ng buong mukha ko lalo na nang maalala ko na plano ko ng sagutin ngayon si Wendel.

Nakilala na nila mama at papa si Wendel nong isang beses na ihatid niya ako dito sa bahay at naabutan siya ni papa. Hindi lang ako nag karoon ng pag kakataon na ipakilala ng maayos si Wendel sa kanila dahil biglang nag karoon ng problema sa kompanya nila papa.

Si Wendel nanan ay ganon parin. Siya parin 'yong lalaking nagustuhan ko at hiniling ko kay god na ibigay sakin. Walang kahit anong nag bago sakanya.

Masyado kaming naging abala nitong nakaraang isang linggo dahil sa pag hahanda para sa foundation week ng school na ngayong araw ang simula.

Ang mga SSLG Officers ang naka assign na ayusin ang buong program sa buong isang linggo na pag diriwang ng founding anniversary ng school kaya talagang sobrang busy namin ni Wendel dahil President and Vice President ang posisyon namin sa SSLG.

Idagdag pa na may mga clubs kaming inaasikaso kaya sobrang busy naming dalawa. Pero hindi naman hadlang ang pagiging abala namin para makalimutan namin ang isa't isa.

Alam kong busy rin siya pero hindi siya pumalya sa pag hatid sundo sakin. Inaalagaan parin niya ako at mas lalo pa siyang naging sweet kahit na alam kong pagod na siya ay nakaka gawa parin siya ng paraan para makasama ako.

And that's make me fall for him more. Hulog na hulog na nga ako sakanya tapos mahuhulog pa ulit. Ibang klase na talaga siya.

Kaya naman hindi na ako papayag na mawala pa siya sakin. Plano ko ng sagutin siya ngayong araw dahil tingin ko ay hindi ko na kakayaning mawala pa siya.

Mabuti nalang at ngayong monday hanggang friday ay hindi na kami abala dahil natapos na namin ang mga dapat gawin kaya marami kaming oras para gawin ang mga gusto naming gawin.

"Hayst natulala na ang baby natin." napa kurap kurap ako napabalik sa wisyo ang isip ko nang marinig ko ang sinabi ni papa.

Mahina siyang tumawa at nag patuloy na sa pag kain at ganon din si mama. Si kuya chael naman ay naka ngiting umiling iling saka tumayo na.

IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon