CHAPTER 12
HINDI ko alam kung ilang oras ba akong nag paka abala sa pag tatrabaho. Nag simula ako mag trabaho ng 7am at ngayon ay 9pm na at mag sasara na kami.
Pinunasan ko lang ang mga table at chairs at saka inayos ang mga 'yon. Nang matapos ako sa ginagawa ko ay pinuntahan ko na si boss sa office niya.
Tatlong beses akong kumatok sa pinto at napanganga naman ako nang imbes na si boss yesha ay si wendel ang bumungad saakin.
"Khimberly.." mahinang pag tawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin at tiningnan lang si boss na nasa likod niya.
"Tapos na po kami sa pag lilinis" sabi ko kay boss. Naka ngiti naman siyang tumango at nag pasalamat.
"Sige po. Uuwi na rin p–"
"Can we eat together?"
Gulat naman akong napa tingin kay wendel dahil sa sinabi niya. Ako ba ang inaaya niya? Mukhang ako naman dahil saakin siya naka tingin. Tatanggi na sana ako pero biglang nag salita si boss.
"Kaninang tanghali pa 'yan hindi kumakain dahil hinihintay ka, Gab" nakangiting sabi ni boss at nakita ko pa ang mahinang pag tulak niya kay wendel palapit sakin.
Tumingin naman ako kay wendel. Naka yuko lang siya habang kumakamot sa balikat niya na para bang nahihiya siya sa nangyayari. Ang cute niya. "Ayos lang naman kung ayaw mo pero ihahatid na kita sa bahay mo" mahinang sabi niya.
Pumasok naman sa isip ko ang sinabi ni boss na hindi pa siya kumakain mula kaninang tanghali kaya medyo naawa ako sa kanya.
Napa buntong hininga nalang ako at hinawakan siya sa kamay saka hinila palabas ng cafe. Narinig ko naman ang hiyaw ni boss na mag iingat daw kami.
"Sarado na ang mga kainan dito" ani ko habang nag lalakad kami pauwi sa bahay.
Medyo malayo ang cafe sa bahay at walang nadaan na tricycle ngayon kaya no choice kundi mag lakad. "Marunong naman akong mag luto" mabilis akong napa lingon kay wendel dahil sa sinabi niya.
"Marunong ka?" gulat na tanong ko at tumango naman siya. Mangha akong tumitig sakanya. Sinong mag aakala na ang gwapong SSG Vice President namin ay marunong mag luto.
"Gusto mo bang sumama sa bahay ko? I can cook for you. Kompleto naman ang mga ingredients sa bahay kaya makaka pag luto ako."
Napa isip naman ako sa sinabi niya pero agad rin akong natigilan dahil masyadong gabi na at hindi magandang tingnan kung sasama ako sa kanya sa bahay nila.
Baka kung ano pang isipin ng mga tao lalo na nang mama niya at kapatid kapag nalaman nilang nag dala ng babae si wendel so It's a big no.
"Ayaw kong may ibang isipin ang mga kapitbahay nyo or ang pamilya mo kapag nag dala ka ng babae sa bahay mo" pag sasabi ko ng totoo. Wala namang mangyayari kung mag sisinungaling ako para lang mag dahilan.
Tumigil siya sa pag lalakad at seryoso akong tiningnan. "Kung ayaw mo sa bahay then pwede namang sa condo ko. Kompleto rin ang mga ingredients ko don" sabi niya na ikina nganga ko.
"May condo ka?" gulat na tanong ko at tumango naman siya. Ako naman ay napa kurap kurap lang habang nag lalakad kaming dalawa. "Bakit pa nga ba ako nagulat? You walk and talk like a rich guy
of course dapat inasahan ko na" hindi maka paniwalang sabi ko.Narinig ko naman ang mahinang pag tawa niya at inakbayan ako. "I want to cook something for you. But if you're not comfortable with me pwede namang next time nalang" Nakita ko ang pag daan ng disappointments sa mata niya kaya medyo naka ramdam ako ng guilty.
BINABASA MO ANG
IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)
Teen FictionDescription They say when god is the center of your ralationship it will last forever. But does it applies for everyone? Or only to those who he choose? She is Gabriella Khimberly Villanueva a girl who has a hard life. But when she met him, that day...