CHAPTER 11

3 0 0
                                    

CHAPTER 11

"Goodmorning, Gab" nakangiting bati saakin ni ma'am Yesha na may ari ng cafe na pinag tatrabaho-han ko. 25 years old lang siya. Bahagya akong yumuko sa harapan niya at nginitian din siya pabalik.

"Magandang umaga rin po" bati ko pabalik sakanya. Tinanguan niya lang ako at pumunta na sa opisina niya samantalang ako naman ay bumalik nalang sa trabaho ko.

Waiter ako dito sa cafe na pinag tatrabaho-han ko. Pero once a week lang naman ako pumapasok dito sabado lang ang free day ko. Pumayag naman ni ma'am yesha dahil gusto raw niya ako tulungan kaya tinanggap niya ako.

Pandagdag rin kase sa pang gastos ko ang sweldo ko dito at isa pa pang palipas oras na din dahil ayaw kong mag kulong lang sa bahay.

"Gab, Table 5" napa balik ako sa wisyo nang marinig ko ang sinabi ni ate Yuri na kapwa waiter ko. Mabilis naman akong kumilos at kinuha ang maliit na notebook at ballpen saka nag mamadaling lumapit sa table 5.

Pero agad rin akong natigilan nang makita kong si wendel 'yon at may kasama siyang magandang babae. Naka ngiti silang dalawa habang nag uusap.

Hindi na ako nagulat nang maramdaman ko ang pag kirot ng puso ko. Tsk. Akala ko ba gusto niya ako? Mukhang eme eme niya lang 'yon.

Napa iling iling nalang ako at huminga ng malalim saka naka ngiting lumapit sakanila.

"Good morning po. May i take your order po?" nakangiting wika ko sa kanila. Pero sa kaloob looban ko ay gusto ko nang maiyak sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko tuloy magawang tumingin sa kanilang dalawa.

Gosh. Gabriella, Fucos. Don't let him see that you're hurting.

"Dalawang Iced coffee and dalawang slice ng strawberry cake" ang malambing na boses ni wendel ang narinig ko. Agad ko namang sinulat ang order nila at saka nag paalam na.

Nang maka talikod ako ay awtomatikong nawala ang ngiti sa labi ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko habang nag lalakad papunta sa kitchen.

Bumungad naman saakin don si hero na nag aayos ng mga pinggan. Mag kasing age lang kaming dalawa pero sa ibang school siya nag aaral. Mabilis ko siyang nilapitan at kinalabit sa balikat.

"Bakit?" tanong niya at humarap saakin.

Nakasimangot ko namang inabot sakanya ang maliit na notebook na pinag sulatan ko ng order ni wendel at ng kasama niya.

"Pwede bang ikaw na ang mag serve sa kanila?" tanong ko sa mahinang boses. Kunot noo naman niya akong tiningnan.

"May problema ba?" tanong niya. Mabilis naman akong tumango. "Ayaw kong makita ang nag order. Ang galing galing niyang mag confess sakin tapos ngayon may kadate siyang babae." may bahid na inis kong sabi sakanya.

Mahina naman siyang tumawa at tumango tango saka kinuha saakin ang notebook at pag katapos ay lumabas na sa kitchen.

Mabuti nalang at pumayag siya. Ako naman ay kumuha nalang ng malinis na pamunas sa mga pinggan at nag simulang punasan ang mga 'yon saka inilagay sa glass cabinet namin.

"Hinahanap ka nong lalaki." mabilis naman akong tumigil sa ginagawa ko at hinarap si hero. Si wendel ba ang tinutukoy niyang nag hahanap sakin?

"Wala akong pakialam sakanya." naka simangot kong sabi at pinag patuloy nalang ang ginagawa ko. Lumapit naman siya at tinulungan ako.

May apat pa namang waiters na nasa labas kaya ayos lang na nandito kaming dalawa sa  kitchen. Inutos rin naman sakin 'to kanina ni boss.

Hindi ko alam kung anong oras ako natapos sa pag aayos sa kitchen basta nang lumabas ako ay bumalik nanaman ang pag ka bad mood ko dahil bumungad parin saakin si wendel na may kasamang babae. Nandon parin sila sa table nila.

IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon