CHAPTER 24

3 0 0
                                    

CHAPTER 24

"Nagkaroon kami ng relasyon ng ama niya pero nalaman kong may pamilya na pala siya at asawa kaya ginusto kong makipag hiwalay sakanya pero ayaw niya. Sinabi niyang handa siyang iwan ang pamilya niya para saakin pero hindi ako pumayag. Nag away kami nong gabing iyon at habang nag aaway kami ay aksidente ko siyang naitulak kaya tumama ang ulo niya sa semente na siyang ikina matay niya. Nakita ng anak niyang lalaki ang nangyari ngunit ang parteng naitulak ko lamang ang ama niya kaya nakulong ako."

Napailing iling nalamang ako nang muli kong maalala ang mga sinabi ni mama. Hanggang ngayon ay hindi parin ako maka paniwala dahil sa mga nalaman ko.

Gusto kong makita at makausap si Wendel pero simula kahapon nang umalis siya hindi ko na siya nakita. Sinubukan ko siyang tawagan ng ilang beses pero hindi siya sumasagot. Pinuntahan ko na rin siya sa condo niya pero wala talaga siya.

Nag tanong tanong na din ako sa mga kakilala niya pero walang nakaka alam sakanila kung nasaan si Wendel. Ito na ba 'yon? Iiwan na ba talag niya ako?

Alam kong may karapatan naman siyang magalit sakin at iwan ako dahil masakit ang idinulot sakanya ng mama ko pero bakit kailangang pati ako mag dusa?

Malakas ang pakiramdam ko na hindi niya ako iniwan at hinding hindi niya ako iiwan kaya mag hihintay ako sa pag balik niya.

"GABRIELLA, Buksan mo na ang pinto, mahal ko. Ilang araw ka nang hindi kumakain anak."

Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni papa mula sa labas ng pinto. Dalawang araw na simula nang umalis si Wendel ngunit hanggang ngayon ay wala parin siya.

Pero mag hihintay ako dahil alam kong babalikan niya ako. Babalik siya dahil mahal niya ako at kapag mahal mo ang isang tao babalikan mo.

"GABRIELLA NAMAN BUKSAN MO NA ANG PINTO!" rinig ko pang sigaw ni kuya Camael mula sa labas. Dalawang araw na rin pala akong hindi lumalabas ng kwarto ko kakahintay sakanya pero anong magagawa ko? Wala akong ganang kumain at hindi ko gustong lumabas.

Lalabas at kakain lang ako kapag bumalik na siya. Gusto kong kumain kasama niya at gusto ko kung lalabas man ako ng bahay ay siya parin ang kasama dahil siya lang ang gusto ko.

Kahapon ay pinuntahan ako dito ni Jeremiel at Angela pero hindi parin nila ako magawang mapa labas dahil hindi naman sila si Wendel.

"Mahal ko lumabas kana, Please." boses naman iyon ni mama elaine na parang nag mamakaawang lumabas na ako.

Naririnig ko sa labas ang mahihinang hikbi niya at 'yon ang naging dahilan para matauhan ako. Napakurap kurap nalang ako at dahan dahang tumayo saka pinagmasdan ang sarili sa salamin.

Baka kaya hindi pa bumabalik si Wendel dahil ang sama sama na ng itsura ko. Baka kapag inayos ko muna ang sarili ko ay balikan niya ako.

Tama! Bakit ko nga ba kinakawawa ang sarili ko? Dapat kong ayusin ang sarili ko hindi ganito! Dapat akong mag ayos para pag balik niya saakin ay maganda ako.

Nag lakad ako papunta sa pinto at binuksan iyon kahit na nanghihina pa ang buong katawan ko. Nakita ko naman na nagulat sakin si tita elaine dahil sa panlalaki ng mga mata niya pero agad din niya akong sinalubong ng yakap.

"Mahal, Camael, lumabas na si Gab." Sigaw ni mama elaine at inalalayan ako sa pag lalakad pababa sa sala. Nakita ko naman na mabilis na tumakbo palapit samin si Kuya Camael at Papa saka inalalayan ako sa pag lalakad.

Nang maka baba kami ay pinaupo nila ako sa sofa. Mabilis namang umalis sa tabi ko si Kuya Camael at pag balik niya ay may dala na siyang isang basong tubig. Samantalang si papa ay sinusuklay ang mahaba kong buhok at ipinuyod 'yon.

IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon