CHAPTER 15

5 0 0
                                    

CHAPTER 15

NANG MATAPOS ang misa ay hinintay muna naming maka alis ang lahat ng taong nag simba at nang maka alis na sila ay pareho kaming humarap sa altar at bahagyang yumuko.

Akmang mag lalakad na ako paalis pero mabilis akong pinigilan ni wendel sa pamamagitan ng pag hawak sa braso ko.

Kunot noo ko naman siyang nilingon para mag tanong. "Bakit?" tanong ko sakanya.

"Ahm.." pag sisimula niya at humawak pa sa batok niya na senyales na kinakabahan siya or nahihiya kaya mas lalo akong nag taka.

"May sasabihin ka ba?" tanong ko pang muli. Mabilis naman siyang tumango at nagulat pa ako ng hawakan niya ang dalawang kamay ko at tinitigan ako sa mga mata.

"Luke 19:10– I was lost, but now i found you. Song of solomon 3:4– I have found the one whom my soul loves. And it's you, Gabriella Khimberly Villanueva." seryosong sabi niya niya na ikina nganga ko talaga sa gulat.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko malaman ang gagawin at sasabihin ko sakanya dahil nag loloading pa ang utak ko.

"I like you, Gabriella and infront of god who gave is life and everything we need. I want to ask you if you will allow me to court you and make you happy?" dagdag pa niya na mas nag pabilis sa tibok ng puso ko.

Seryoso lang ang mukha niya habang naka tingin sakin. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumingin ako sa altar ng simbahan at muling ibinalik ang atensyon kay wendel.

"I trust you and god's plans for us so yes. I will let you court me" nakangiting wika ko sakanya. Ang seryosong mukha niya ay biglang nag liwanag. Nginitian niya ako ng sobrang tamis at nagulat pa ako ng yakapin niya pa ako ng mahigpit.

"Thank you" pag papasalamat niya habang naka yakap parin sakin. Nang humiwalay naman kami sa pag yayakapan ay naka ngiti parin siya. At halatang halata na sobrang saya niya.

Tama naman siguro ang sagot na ibinigay ko sakanya diba? But one thing for sure. I will never regret my answer.

"So where do you want to go next?" tanong sakin ni wendel nang maka labas na kami ng simbahan.

Napaisip naman ako kung saan kami pwedeng pumunta at nang maka pag isip
na ako ay nginitian ko siya saka hinila papunta sa karenderya na malapit lang sa simbahan.

Medyo tanghali na rin naman kase kaya kailangan naming kumain dalawa. It's already 12pm kaya gutom na ako and for sure gutom na rin ang kasama ko.

"Anong sainyo ganda at pogi?" tanong ni aling merna nang maka pasok kami sa loob ng karenderya niya. Tumingala naman ako dahil nasa medyo taas ang menu ng pag kain nila.

"Pumili kana ng kahit ano tapos libre ko sayo dahil masyado mo na akong inispoil sa pag kain" nakangiting sabi ko kay wendel pero umiling lang siya.

"Ako na ang mag babaya–" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang makita ata akong naka simangot habang naka tingin sakanya.

"Pipili na po ako kaya wag kana pong simimangot" nakangiting sabi niya at mahina pang pinisil ang ilong. Nag liwanag naman ang mukha ko at mabilis na pumili ng pag kain at ganon din naman siya.

Binayaran ko na rin agad ang pag kain at saka nag hanap na kami ng bakanteng upuan. Sakto namang may nakita ako na malapit sa electicfan kaya don ko agad hinila si wendel.

Umupo na kami sa bangko at dahil mag kaharap lang kami ay kitang kita ko ang gwapong mukha niya. Humalumbaba ako
at tinitigan siya.

Hindi parin ako maka paniwala na sa harap ng altar pa niya ako tinanong kung pwede siyang manligaw. And he even used bible verse. Gosh.

IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon