CHAPTER 19
"KANINA ka pa niya hinihintay" rinig kong sabi ni angela pero nanatili lang akong naka pikit. "Kanina pa ba siya tulog?" tanong naman ng isang boses na napaka pamilyar sakin.
"Kakatulog lang niya dahil mukhang napagod kakaiyak" si Jeremiel ang sumagot sa tanong niya.
Hindi pa pala umuuwi ang dalawa. Ang akala ko ay umuwi na sila dahil wala na akong naririnig na ingay.
Naramdaman ko naman ang pag lapit saakin ng kung sino kaya nag panggap lang ako na tulog. "Uuwi na kami, Gab." boses 'yon ni angela at hinalikan ako sa noo.
"Nandito na siya kaya wag ka ng iiyak
ha" si Jeremiel naman 'yon at tulad ng ginawa ni angela ay hinalikan din niya
ako sa noo.Kasunod non ay ang pag sara na ng pinto tanda na umalis na ang dalawa kaya iminulat ko na ang mga mata ko. Hindi na ako nagulat nang pag mulat ko ay bumungad saakin si wendel na halatang nag aalala ng sobra.
"Are you okay?" tanong niya. Bumangon naman ako ako at umupo kaya tumabi siya sakin. Sumandal ako sa balikat niya at hinawakan ang kamay niya saka pinag laruan 'yon.
"I'm sorry kung nalate ako nasa province ako ni lola. 3 hours ang biyahe mula don papunta dito kaya ang tinawagan ko ay bestfriend mo." mahinang paliwanag niya na kahit papano ay ikina ngiti ko.
"Ano bang nangyari?.." tanong niya na ikina tigil ko. Hindi ko na kayang ikwento sakanya ang nangyari dahil ayaw ko ng bumigat nanaman ang pakiramdam ko at isa pa ayaw ko ng umiyak ulit.
Mukhang naintindihan naman niya ang dahilan ng pananahimik ko. "If you're not comfortable to tell me then it's okay. But I will stay with you." Hinakawan niya ang ulo ko at ginulo pa ang buhok ko.
Huminga naman ako ng malalim at nag salita. "Pumunta dito ang papa ko at sinabi niya ang lahat sakin. Nag sorry siya sakin pero hindi ko alam kung kaya ko ba siyang mapa tawad kahit na alam kong wala naman pala siyang kasalanan." pag kukwento ko.
HIndi na masyadong mabigat ang pakiramdam ko kaya nakakaya ko ng mag kuwento ulit. Hindi ko alam pero parang may mahika siya na kaya akong pakalmahin sa isang saglit lang.
"Why don't you talk to him? Mas maganda kung kakausapin mo siya para hindi ka magsisi sa huli. Ama mo pa rin naman siya at base sa sinabi mo ay mukhang gusto talaga niyang makasama ka at mapa tawad mo siya." mahabang litanya niya na ikina tigil ko.
Mukhang kailangan ko talagang kausapin si papa dahil katulad ng sinabi ni wendel ay ayaw kong mag sisi sa huli.
Hindi na ako naka pag salita dahil nilalamon na nanaman ng antok ang sistema ko. Napahikab nalang ako at ipinikit na ang mga habang naka sandal parin sa balikat ni wendel.
NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko at nang mag mulat ako ay bumungad sakin si wendel na naka ngiti habang naka tingin sakin.
Hinaharangan ng kamay niya ang sinag ng araw upang hindi iyon tumama sa mukha ko. Napakurap kurap ako ng ilang beses at napa balikwas ng bangon.
Ngunit natigilan rin ako nang maalala kong walang pasok dahil holiday ngayong lunes at bukas pa ang pasok namin.
"Mabuti naman at gising kana dahil nag luto ako ng almusal nating dalawa kaso napa kialaman ko ang kusina mo." nakangiting wika niya at inalalayan pa ako sa pag tayo at pag lalakad papunta sa maliit na mesa na mayroong mga pag kain.
Hotdogs, fried eggs and fried chicken at mayroon ring soup. Mukhang masarap ang mga iyon. Nginitian ko lang siya at nag paalam na pupunta muna sa banyo para mag himalos at mag toothbrush.
BINABASA MO ANG
IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)
Novela JuvenilDescription They say when god is the center of your ralationship it will last forever. But does it applies for everyone? Or only to those who he choose? She is Gabriella Khimberly Villanueva a girl who has a hard life. But when she met him, that day...