CHAPTER 25
"Tangina, Hindi ko naman alam na mangyayari 'yon." rinig kong sabi ni Jeremiel sa garalgal na boses.
"Hindi mo naman kasalanan, Jem" boses naman iyon ni angela.
Nangunot ang noo ko dahil parang may kakaiba sa mga boses nila. Para bang umiiyak sila pero bakit?
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sakin si Jeremiel at Angela na nag iiyak pareho. Si Jeremiel ay naka upo sa sahig at panay ang gulo sa buhok at si Angela naman ay yakap yakap lang si Jeremiel habang umiiyak.
Ano bang meron? Inilibot ko ang paningin ko. Hindi ko na kailangang manghula kung nasaan ako dahil halata namang nasa hospital ako dahil sa kung ano anong naka kabit sa kamay ko.
Ano bang nangyari? Bakit ako nandit– Agad na nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napa bangon nang maalala ko ang mga nangyari kanina.
"Where's Wendel?" iyon ang unang lumabas sa aking bibig na naka kuha ng atensyon nong dalawa. Sabay silang tumingin sakin at mabilis na tumayo para lapitan ako.
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo? May gusto ka bang kainin?" Sunod sunod na tanong ni Angela pero hindi ko siya pinansin at tiningnan si Jeremiel.
"Nasan si Wendel?" tanong ko pang muli. Natigilan naman siya at matagal na napatitig sakin.
"Mag pahinga kana muna Gab" wika ni Angela kaya sakanya naman akong tumingin para mag tanong.
"Tumawag siya sakin kanina, Angela kaya alam kong babalik na siya. Nag balik na ba siya?" umaasang tanong ko pero umiling iling lang siya.
Panay na rin ang tulo ng luha sa mga mata niya kaya nangunot nag noo. "Bakit ka ba umiiyak?" tanong ko. Nilingon ko naman si Jeremiel at tulad ni Angela ay umiiyak na rin siya.
"Para naman kayong tanga niyan, Bakit kayo umiiyak?" tanong ko. Hindi ko alam pero biglang bumigat ang pakiramdam ko at tila ba may kung sinong bumubulong sakin na may nangyaring hindi maganda.
"N-Naaksidente si W-Wendel"
Tatlong salita mula kay Jeremiel na ikina panghina ko. Ilang beses akong napa kurap kurap dahil baka mali lamang ako ng rinig pero hindi. "Ano ulit?" tanong ko dahil hindi kayang maniwala ng isip ko sa sinabi niya.
"Nong nahimitay ka ay tinawagan ko siya gamit ang cellphone na hawak mo kanina. Sinabi kong dadalhin ka namin sa hospital kaya tumakas siya sa bahay nila at papunta na dapat siya dito pero naaksidente siy–"
"N-Nasaan siya?" pag puputol ko sa iba pang sasabihin niya dahil hindi ko na kayang marinig pa ang mga 'yon. Nararamdaman kong malapit nang tumulo ang luha sa aking mga mata pero pinigil ko iyon dahil kailangan kong maging malakas.
"Nasa Operating Room siya ngayon" sagot niya. Hindi na ako nag dalawang isip na bumababa sa kama at mag lalakad na sana paalis pero may humawak sa braso ko para pigilan ako.
"Hindi ka pa malakas, Gab" ani ni Angela pero malamig ko lamang siyang tiningnan at tinitigan ang mga naka kabit sa kamay ko at walang pag dadalawang isip na tinanggal iyon na ikina singhap ng dalawang kasama ko.
Nakaramdam ako ng kaunting sakit at hapdi pero hindi ko na iyon ininda dahil ang tanging laman lamang ng isip ko ngayon ay si Wendel.
Nanghihina pa ang katawan ko at sumasakit ang ulo ko pero nag patuloy lang ako sa pag lalakad papuntang Operating Room.
Habang papalapit ako sa lugar na iyon ay pabigat ng pabigat ang paa ko at parang hindi ko na kaya pang humakbang. Napaka bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko na alam ang gagawin.
BINABASA MO ANG
IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)
Fiksi RemajaDescription They say when god is the center of your ralationship it will last forever. But does it applies for everyone? Or only to those who he choose? She is Gabriella Khimberly Villanueva a girl who has a hard life. But when she met him, that day...