CHAPTER 17

3 0 0
                                    

CHAPTER 17

ILANG oras din ang lumipas at sa wakas ay natapos na ang klase namin. Nang maka labas na si sir ng classroom ay mabilis akong tumayo at nag unat unat.

Nangunot naman ang noo ko nang mapansin ko Jeremiel na naka subsob ang mukha sa desk niya at mukhang tulog.

Ngayon ko lang ulit siya nakita. Ang huling kita ko sakanya ay sa labas ng simbahan at kasama niya si heaven.

Wala ngayon dito si Wendel dahil isinama siya ni sir sa dean's office dahil may ipapakisuyo daw.

Muli ko namang tiningnan si Jeremiel na natutulog kaya nag lakad ako palapit sakanya at mahinang tinapik tapik ang pisngi niya para gisingin siya.

"Gising na, Jem" panggigising ko sakanya at agad naman siyang nag angat ng tingin sakin. Nagulat naman ako ng makita ang malaki niyang eye bags sa mata.

Parang mas puyat pa siya sa saakin. Inayos ko ang buhok niyang gulo gulo na at nag aalala siyang tiningnan. "Ayos ka lang ba? Bakit parang puyat ka?" tanong ko sakanya.

Pinanliitan naman niya ako ng mata. "Puyat ka rin? Ano namang ginawa mo?" balik na tanong niya sakin at tumayo na.

"May ginawa lang akong regalo para sa isang tao" sagot ko. "Ikaw anong pinag kaabalahan mo ha?" tanong ko rin.

Narinig ko naman ang pag buntong hininga niya at inakbayan ako. Sabay naman kaming nag lakad papunta sa cafeteria para kumain. "10 000 words of explanation kung bakit ko siya nagustuhan at pumayag na siyang taglish. Nakaka 3 thousand words palang ako pero pakiramdam ko ay kukuhanin na ako ni lord ng maagap" mahabang wika niya na ikina tawa ko ng mahina.

"Seryoso ka na talaga ah" pang aasar ko sakanya. Ngumiti naman siya at tumango tango. Nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya kaya sana lumambot na ang puso ni heaven sakanya.

"Ikaw anong regalo naman ang ginawa mo para sa manliligaw mo ha?" tanong niya. Hindi na ako nagulat na alam niyang nanliligaw sakin si Wendel dahil for sure nasabi na sakanya ni angela. Madaldal pa naman ang babaeng 'yon at lahat ay sinasabi kay Jeremiel.

"Hoy ano nga?" pangungilit pa ni Jeremiel nang maka rating kami sa cafeteria. "Bili muna tayong pag kain" sabi ko. Tumango naman siya at bumili ng dalawang sandwich at dalawang orange juice.

Inabutan ko pa siya ng pambayad nong sakin pero hindi niya tinanggap. "This is my treat dahil ilang araw na kitang hindi naaalagaan." nakangiting sabi pa niya habang dala dala ang tray.

"Hindi mo naman ako kailangang alagaan dahil kaya ko na ang sarili ko" wika ko at umupo na sa bakanteng upuan. Ganon din siya at ipinatong na ang tray sa lamesa.

Akala ko ay nakalimutan na niya ang tinanong niya kanina pero mukhang hindi pa. "So ano ngang ginawa mo?" tanong niya pa ulit kaya kinuha ko sa bulsa ko ang maliit na box at iniabot sakanya 'yon.

"Ginawa mo 'to?" nanlalaki ang matang tanong niya at nakangiti akong tumango.

"Ang ganda pero alam mo dapat mo muna siyang ipakilala sakin officially dahil kahit kaklase natin siya ay kailangan kong maka sigurado na hindi ka niya lulukohin at sasaktan." seryosong sabi niya at inibalik na saakin ang maliit na kahon.

Nginitian ko lang siya saka nag simula ng kainin ang sandwich. Talagang ipapakilala ko naman sakanya si Wendel dahil para ko nang kuya si Jeremiel.

Napangiti naman ako at agad na kinalabit si Jeremiel nang maka kong papasok na sa cafeteria si heaven at mag isa lang siya.

"Puntahan mo na" sabi ko sakanya ko at itinuro si heaven. Bigla namang nag liwanag ang mukha nya at mabilis na tumayo.

"Pupunta ako sa bahay mo mamaya pero ngayon ay pupuntahan ko muna ang love of my life ko" sabi niya at hinalikan muna ako sa ulo bago nag lakad na palapit kay heaven.

IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon