CHAPTER 5

3 0 0
                                    

CHAPTER 5


Madilim pa nang magising ako at wala na
sa katabi ko si ramiel pero naka tiklop at naka ayos na ang unan at kumot nyang ginamit.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng maalala ko ang mga nangyari kagabi lalo na tuwing nagigising ako at nakikita siyang nag kakamot dahil kinakagat ng lamok. Medyo nakaka guilty lang dahil mukhang hindi sya naka tulog ng maayos dahil malamot at walang electric fan.

Nag titiis tuloy syang kagatin ng lamok at mainitan para lang masamahan ako buong gabi. Masaya ako dahil tamang tao ang ibinigay sakin ni lord.

Nakangiti akong bumangon at inayos ang higaan ko saka pumunta sa kusina para mag hilamos at mag toothbrush.

Nang matapos ako ay agad kong kinuha ang uniform ko at niplantsa iyon saka ako naligo. Hindi na ako nag almusal dahil sanay naman akong hindi kumakain sa umaga.

Nang matapos ako sa lahat ng dapat kong gawin ay kinuha ko na ang bag ko at handa ng pumasok ng biglang bumukas ang pinto at pumasok don si Ramiel na naka ngiti lang habang naka tingin sakin.

"Mabuti naman naabutan pa kita" nakangiting sabi nya at initaas ang plastic na dala nya at kung hindi ako nag kakamali ay pag kain ang laman non.

"Napa daan ako sa coffee shop at bakery habang papunta ako then i remember you. Baka kase hindi ka pa nag aalmusal kaya ibinili kita" nakangiting sabi nya na ikina ngiti ko rin.

"Wow..." yon lang ang nasabi ko. Inilabas naman ang kape na naka lagay sa malaking cup at iniabot sakin yon pati na rin ang tinapay.

"Maupo ka muna at kumain" sabi pa nya at kinuha ang bag na hawak ko saka pinaupo ako sa upuan.

"Thank you" pag papasalamat ko saka kinain at ininom na ang ibinigay nyang pag kain. Nang matapos naman akong kumain ay hinarap ko siya. "Bakit ang bait mo naman sakin?" tanong ko sakanya.

Ngumiti sya. "He told me to take care of you and make you happy" ani nya habang naka turo sa itaas.

Agad ko namang nakuha ang ibig nyang sabihin. It's god. "5:30am palang kase pero 7am naman ang start ng klase. May iba ka pa bang pupuntahan bago sa school?" tanong nya at tumango naman ako saka tumayo na.

"Sa simbahan, araw araw kase akong pumupunta don." nakangiting sabi ko at nag lakad na palabas ng bahay at sumunod naman sya sakin.

"Samahan na kita" sabi nya at tumango lang ako. Hindi naman ganon kalayo ang simbahan kaya nag lakad nalang kaming dalawa.

"Anong pinag dadasal mo kay god?" napatingin ako sa kasama ko dahil sa tanong nya.

"Happiness, Peaceful life at pinag dadasal ko rin na makita ko ang lalaking matagal ko ng hinihintay" nakangiting sagot ko at tuloy lang sa pag lalakad.

"Tinupad ba naman niya ang pinag dadasal mo?" muling tanong nya.

"Oo naman" nakangiting sabi ko. Tumango tango naman siya at hindi na ulit nag salita hanggang sa maka rating kami sa simbahan.

Nang maka rating kami sa simbahan ay ako lang ang pumasok dahil nag paalam siyang mag bibilhin lang. Umupo ako sa dati kong iniuupuan at humarap sa altar ng simbahan saka lumuhod sa luhuran.

'God, Thank you. You let me see him again. I still like him but i don't know if it's right to confess my feelings. Paano kung layuan nya ako dahil naman po pala nya ako gusto? He told me that you told him to take care of me and make me happy. I know that he's not lying but please give me one more sign if he's really the one'

Pag dadasal ko ng taimtim habang naka pikit. Naramdaman ko naman na may umupo sa katabi ko kaya agad akong nag mulat. At bumungad naman saakin si ramiel na tulad ko ay naka luhod din at nag darasal.

IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon