A/N: WARNING!
PROLOGUE
"Bakit? Bakit ganito ang buhay na meron ako? Naging mabuti naman ako sa kapwa ko. Naging mabuti ako kahit na ang buhay na meron ako ay napaka sama. Pero bakit? Bakit kailangang ipaalala mo nanaman saakin na mag isa lang ako? Iniwan na nila ako, kaya bakit hanggang ngayon ay nasasaktan padin ako? Bakit kailangang ako ang dusa sa kasalanang hindi ko naman ginawa?"
Malakas at paulit ulit kong sigaw habang naka tingin sa langit. Pagod na ako! Pagod na pagod na ako sa buhay na meron ako. Gusto ko nang sumuko! Nakaka pagod na! Nakaka pagod nang mabuhay! Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa rin ako.
"Sabihin mo sakin kung bakit? Bakit kailangan kong masaktan nanaman ng ganito? Bakit?"
Unti unti nang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit sakit. Ang bigat sa pakiramdam.
Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya humiyaw nalang ako ng humiyaw dahil ang sabi nila sakin mababawasan daw ang sakit kapag humiyaw tayo pero bakit hindi gumagana saakin? Bakit hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman ko?
Mapait akong tumawa at tumitig sa taling nasa harapan ko. Naka tali iyon sa kisame ng bahay ko at mayroong bilog na alam kong sasakto lang sa ulo ko.
Nanginginig ang buong katawan ko at patuloy lang sa pag tulo ang luha ko habang naka tingin sa langit na nasusulyapan ko dahil sa bintana.
Unti unting bumalik sa ala-ala ko ang mga nangayari saakin. Hindi ko na kaya! Suko na ako!
"Ito ba ang gusto mo? Gusto mo na ba talaga akong mamatay at mawala sa mundo?" pahiyaw kong sabi at umakyat na sa bangko at handang handa na ako sa kung ano mang gagawin ko ngunit may mga bisig na yumakap saakin.
Malakas niya akong hinila pababa at nang nasa nababa na ako ay napaluhod nalang ako sa sahig at parang nang hihina na ang buong katawan ko.
Nakita ko naman kung paano sipain ng lalaking nag baba sakin ang bangko na tinungtungan ko at nakita ko rin kung paano niya hinila ng malakas angl.
Tumigil lang siya nang matanggal na niya ang lubid. Hindi ko mabasa ang emosyon na mayroon ang kanyang mukha pero nakikita ko ang luhang tumutulo sa kanyang mukha.
Mabilis siyang lumapit saakin at niyakap ako ng mahigpit. "Gab, Please don't do this to yourself. Nandito lang ako. Nandito lang kaming mga nag mamahal sayo. Ano bang nangyari? Tell me. Makikinig ako sayo. Hindi kita iiwan."
Mas lalo naman akong napa iyak nang marinig ko ang sinabi niya. Mahigpit akong yumakap sakanya at umiyak lang ng umiyak sa balikat niya.
"Nakita ko sila. Nakita ko ang papa ko na kasama ang pamilya niya. Masaya sila, Jeremiel. Alam kong siya iyon dahil nakita ko na siya sa picture noon. Ang saya saya nila pero ako heto at nasasaktan. Alam mo napapatanong ako minsan kung Alam kaya niya na may anak siya? Alam kaya niyang nabuntis si mama matapos niyang gahasain ito? Ang dami dami kong tanong pero wala akong makuhang sagot, jeremiel. Ano nang gagawin ko?" mahabang pag kukwento ko sa kanya. Hindi naman siya nag salita pero patuloy lang ang pag hagod niya sa likod ko.
"Ano bang nagawa kong mali at pinaparusahan ako ng ganto? Wala na ba akong karapatang maging masaya? Ang nanay ko na iniwan ako dito ay maganda na daw ang buhay sa ibang bansa kasama ang bagong boyfriend nito. Ang tatay ko naman na gumahasa sa ina ko ay masaya na rin kasama ang pamilya niya. Lahat sila masaya. Masaya silang lahat pero ako nag durusa dahil sa kanila. Lahat sila iiwan lang ako dahil wala akong kwenta." umiiyak paring sabi ko.
Palakas na ng palakas ang hagulhol ko pero hindi ko magawang tumigil dahil ang tanging gusto ko nalang ngayon ay mawala ang mabigat na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
IF HEAVEN WILL ALLOW US (COMPLETED)
Fiksi RemajaDescription They say when god is the center of your ralationship it will last forever. But does it applies for everyone? Or only to those who he choose? She is Gabriella Khimberly Villanueva a girl who has a hard life. But when she met him, that day...