CHAPTER FOUR

20 8 0
                                    

NAGISING ako sa malakas na tunog
na nanggagaling sa aking cellphone,
nakapikit kong kinapa-kapa ang
ilalim ng unan at ng mahawakan ko
na ang cellphone ko ay nagmulat
na'ko, dahil bagong gising ako ay
malabo pa ang mata ko kaya sinagot
ko na lang ang tawag at hindi na
tinignan kung sino ang tumatawag.

"Hello sino 'to?" Kunot-noo kong
tanong habang nakapikit pa rin,
grabe nagpuyat kasi ako ang sabi
ko ay last episode na yung pinapanood kong k-drama pero
pindot pa'ko ng pindot ng mga
episode, napuyat tuloy ako.

"Nagising ba kita?"

Inis akong bumuntong hininga ng
marinig ko ang boses ni Claude, siya
lang pala akala ko naman kung sino na. Nagmulat ako at bumangon
kinusot kusot ko pa ang mata ko
dahil ang labo.

"Hey?" Tawag nanaman niya, kinuha
ko ang cellphone ko sa kama at pumunta sa banyo

"Bakit ka napatawag?" Tanong ko
habang nilalagyan ko ng toothpaste
ang toothbrush ko, pumunta ako sa
sink at nagsimulang magsipilyo

"May regalo ka na ba kay Kristell?"
Tanong niya, hindi ako umimik kaya
bumuntong hininga siya"Sabay na
tayo bumili ng regalo" Saad niya

Kunot-noo kong inilapag sa isang
tabi ang cellphone ko"Required bang
may regalo?" Tanong ko habang nagsisipilyo pa din

"Ha?"

Tinapos ko ang pagsisipilyo dahil
alam kong hindi niya naintindihan,
kinuha ko ang tuwalya ko at saka
cellphone at lumabas na ng banyo

"Ang sabi ko kailangan ba talagang may regalo?" Tanong ko, dumeretso
ako sa closest ko at naghanap ng
maisusuot since wala kaming pasok
dahil kasali kami sa singing ay kinuha
ko na ang cocktail dress ko

"Oo naman" Natatawa niyang tugon
natawa rin ako"Bakit? ayaw mo
bang magregalo kay Kristell?"

"Baliw! hindi ko lang alam kung
ano ireregalo sakanya"

"Sus! wala kuripot ka lang!" Bagaman hindi ko siya nakikita ay
batid kong nakangisi ito. nang-aasar
"Tsk tsk tsk, kuripot pala ang
isang Zahaira Ysabel" Dagdag niya
pa, ngumuwi ako

"Pumunta ka na nga lang dito
dami mo pang sinasabi!" Singhal ko
natawa naman siya

"Okay!! hintayin mo'ko diyan
mamahalin pa kita!" Singhal niya
rin! nanlaki ang mata ko at saka
natawa

"Baliw ka!" Singhal ko at ibinaba
na ang linya, tatawa tawa kong
inilapag ang cellphone sa table at
saka dumeretso sa banyo, dinala
ko na ang susuotin ko, dito na lang
ako sa banyo pag kasi sa kuwarto
ako nagbihis ay baka may pumasok.

<<<<<<

Nasa dinning table na kaming lahat
masaya ako na kasama ko ang
pamilya ko ngayon, nakakagulat
dahil sasama rin pala si ate at
daddy sa party ni Kristell, nagulat
din ako kasi pagbaba ko nadatnan
ko si daddy sa living room, ang
akala ko kasi ay sa isang bahay siya
matutulog. May isa kasi siyang
bahay malaki pero hindi katulad
dito sa mansyon namin, doon siya
nag s-stay pag hindi na siya nakakauwi dahil sa sobrang pagod
about sa company.

Nung bata ako iniisip ko kung bakit
napapagod si daddy eh company
naman yun at siya ang boss but ng
lumaki na'ko enexplain saakin ni
mommy kung bakit palaging pagod
si daddy, ang sabi niya marami daw
si daddy na nakakausap na mga may
ari rin ng ibang company dito sa
Laguna, palagi daw may papeles na
sinusulat si daddy hindi ko na
masyadong tanda kung anong sinabi
saakin ni mommy dahil mga 15 year's old pa ata ako nun. Ewan ko lang

PART 1: Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now