CHAPTER 20

20 9 2
                                    

A/N: Thank you very much for continuing to read my story, and I hope you will continue to support me. Again, thank you so much!!!

+++++

Zahaira's POV

Buntong hininga akong nag-angat ng
tingin sa malaking bahay na ito, chinat
kasi ako ni kevin hindi ko alam na
friend pala kami sa facebook, sinabi
niya na aasahan niya daw na dadalo
ako sa party niya naguguilty naman
ako kung hindi ako dadalo kaya dumalo
na lang ako. Pero malilintikan ako kay
Ate kasi hindi ako nagpaalam.

Pagpasok ko sa gate ay bumungad agad
saakin ang maraming tao, napangiwi na
lang ako at saka ako pumasok sa loob
may nakita naman akong katulong kaya
kaagad kong tinanong kung nasaan si
Kevin, ibibigay ko kasi sakanya yung gift
ko. Kahit na sinabi niya na okay lang if
walang gift bumili pa den ako kasi nahihiya ako, kapal naman ng mukha ko
kung wala diba. Tinuro sakin ng katulong
kung nasaan si Kevin, dumeretso naman
agad ako don at nakita kong may kausap si Kevin, siguro ay mga kaklase
niya.

Magsasalita pa lang ako ay nakita agad
ako ni Kevin, masaya siyang lumapit
sakin "Mabuti na lang dumating ka"

Ngumiti ako ng pilit at saka binigay
sakanya ang box "Happy birthday."
Saad ko, nakangiti niya naman yon
kinuha at tinignan ang laman, ako
naman ay tumingin tingin sa paligid
malaki ang loob nila ang dami din tao
nakita ko pa na merong maliit na stage
at may nakanta.

"Salamat dito" Lumingon ako kay Kevin
na magsalita ito, tanging ngiti lang ang
pinakita ko "Anyway, ipapakilala kita sa
parents ko" Saad niya hindi niya na
hinintay pa ang pagtugon ko at kinuha
niya na ang kamay ko, hindi ako nakapalag dahil baka kung anong
isipin ng mga tao pag nakita nilang
pilit kong binabawi ang kamay ko.

Tumigil na kami ng tuluyan ng nasa
harap namin ang family niya, ngumiti
ako ng pilit at saka tumango ng tipid,
nagulat na lang ako ng yakapin ako ng
mommy niya at daddy niya.

"G-Good evening po.." Nahihiya kong
bati sakanila

"Ma, pa, si Zahaira po siya yung vice
president council ng AIS.." Bahagya
akong tumango ulit bilang pagrespeto.
"Zahaira, ito nga pala si mama at papa
at ito si Kuya tska si bunso"

"Hi my name is Cedrick Mark, nice
to meet you" Nilahad niya ang kamay
niya kaya nakipag shake hands na rin
ako.

Sumingit naman ang bunso nilang
kapatid "Hi ako si Jeremiah Maxwell
nice to meet you." Hindi naman niya
nilahad ang kamay niya kaya tumango
na lang ako at ngumiti..

"Magkaano-ano kayo ng anak ko?"
Biglang tanong ng mommy ni Kevin

"U-Uh....m-mag kaibigan po kami" Nag
pilit ako ng ngiti, Yun na lang ang sinabi
ko dahil ayoko naman sabihan sakanila
na hindi kami magkaibigan neto ni kevin.
Tumango na lang sila bilang pagtanggap
s sinagot ko, saglit pakong nakipag-usap
sa pamilya niya bago ko siya harapin
"I'm sorry pero hindi na ako magtatagal
pa." Saad ko

"B-Bakit?"

"May gagawin pa kasi ako" Nakangiti
kong saad, ngumiti naman siya at
tumango "Again happy birthday"
Umalis na ako at saka sumakay na
sa kotse, mabuti na lang ay iniwan
nila mommy and daddy ang isang
sasakyan nila, tuloy ay kasama ko
ngayon ang isa sa bodyguard ni dad.

"Uuwi na po ba tayo?" Tanong niya
habang nasa harapan ang tingin

Bumuntong hininga ako "Deretso mo
sa restaurant." Tamad kong utos sakanya

PART 1: Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now