CHAPTER 21

20 9 1
                                    

Zahaira's POV

I'm happy that Zarina is okay now, pero ang pinagtataka ko ngayon yung sinabi ng lalaki kanina. Ano kayang ibig niyang sabihin na kami ang dahilan kung bakit sila naghirap. Simula kanina sa hospital hindi mawala wala sa isip ko ang sinabi ng lalaking yon. Napansin ko rin ang pananamihik ni daddy.

I clenched my fist not because of what I was thinking, but because of the loud person beside me right now and it's Aurelia!. Habang nagmamaneho kasi siya ay salita siya ng salita at hindi siya
makamove on from why the man was able to enter our mansion, which is something I'm also wondering about.
Our mansion has so many bodyguards, so paano siya nakapasok ng hindi man lang namin agad nalalaman?

"It's so annoying! paano siya nakapasok sa mansion ng ganon kadali?" Naiinis
talaga niyang tanong, hindi ko siya
pinansin bagkus tumingin na lang ako
sa harap kahit pa patuloy siya sa pag-
sasalita."When I find that jerk, papatayin ko talaga siya!" Sigaw pa niya, tumagilid
na lang ako dahil napakaingay talaga niya.

Ano kayang kailangan niya sa pamilya namin?

"Papatayin ko talaga yon!" Muli niyang
sigaw, hindi pa rin talaga siya nakaka-
move on.

Bumuntong hininga ako at umirap
"Sobrang tapang mo naman, hindi mo naman talaga kayang makapatay ng tao. Diba?" Ani ko habang hindi nakatingin
sakanya, rinig ko naman ang mahina
niyang pagtawa.

"I’ve already killed someone." Saad niya
kumunot ang noo ko at lumingon sakanya, tumigil na ang sasakyan at
saka siya lumingon din saakin "I'm
just kidding. Wag mong seryosohin"
Nakangiti niyang sabi, umirap ako at
saka bumaba na ng sasakyan kaagad
akong pinagbuksan ng gate ng guard
maglalakad na sana ako ng may
maalala ako.

Lumingon ako sa guard "Paano nakapasok ang lalaki?" Taas kilay
kong tanong, kumamot siya sa ulo
niya at sumagot

"Pasensya na ho kayo pero wala ho
talaga akong napansin na may pumasok magdamag rin ho akong nakabantay"

Ngumiti na lang ako at pumasok na sa
mansion, sinalubong agad ako ni mom
and Lolo kaagad kong inilibot ang paningin ko para hanapin si daddy ngunit wala akong makita kaya kaagad
kong hinarap si mommy.

"Mom, asan si daddy?"

"Umuwi siya sa bahay niya." Tugon ni
mommy, tumaas ang isa kong kilay at
saka ngumuwi

"Bakit naman?" Tanong ko kahit wala
naman akong pakialam.

"May aasikasuhin daw siya.." Si Lolo
naman ang sumagot, tumango na lang
ako bilang pagtanggap "Kamusta ang
kapatid mo?" Tanong ni Lolo

Ngumiti ako at inaya sila sa living room
pagkaupo namin ay agad ko ring sinagot
ang tanong ni Lolo, "Okay na siya, hindi
nga lang alam namin kung kailan siya
gigising, but I'm happy that's Zarina is okay now." Sagot ko, ngumiti naman
silang dalawa.

Nawala ang mga ngiti ko ng may marinig akong yabag ng takong na
papalapit saamin, sino pa ba edi si
Aurelia palagi talaga niyang sinisira
ang araw ko. At saka bakit ba siya
nandito?!

Nakangiwi kong hinarap si Aurelia at
kinulbit, taas kilay naman siyang lumingon saakin habang may pekeng
ngiti "Yes?" Sabi pa niya

Umirap ako at saka huminga ng malalim
"Bakit ka nandito?" Tanong ko, kumunot
naman ang noo niya na parang hindi
naintindihan ang sinabi ko kaya nilinaw
ko na lang "Hindi ba dapat nasa Cebu ka?" Paglilinaw ko

PART 1: Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now