Kristell's POV
Nandito ako ngayon sa parking lot, nakasandal sa kotse ko habang nakatingin sa cellphone ko. Kanina ko pa hinihintay ang message ni Lance. Nasa talking stage na kasi kami, parang M.U ganon! Hindi ko maiwasan mag-tampo dahil ilang days na siyang walang paramdam. OMG! Baka naman ghinost na ako nun ni Lance, huhu, wag naman!
Habang hinihintay ko ang message niya, napatingin ako sa dulo ng parking. May nag-park na gray na van, at may bumaba na mga nakaitim na lalaki—mga sampu sila. May bumaba rin na babaeng naka-red.
Sino naman ang mga yan? Nakakabahala. Parang may hinahanap sila. I wonder if I should just ignore them or approach.
Kumunot ang noo ko nang makita kong papunta sila sa akin. Napaka-creepy pa ng ngiti nung babae, mukhang mayaman dahil sa gold na necklace niya. Naol! Parang may masamang balak ang mga to.
"Excuse me," sabi niya, lumapit siya ng mas malapit. "Are you Kristell?"
Nagduda ako. "Bakit? Sino kayo?"
Nagpalitan ng tingin ang mga lalaki. Mukhang handang sumugod. Shit, anong pinasok ko?
Bigla na lang akong hinawakan ng dalawang lalaki, kaya nanlaban ako. Tinadyakan ko yung isa sa binti at tinamaan siya.
"Let me go!" sigaw ko, pero mas lumakas ang pagkakahawak nila sa akin.
Nakita ko yung babae na parang nag-enjoy sa eksena. "Huwag kang masyadong magalit, Kristell. Kailangan ka lang namin."
"Anong kailangan niyo sa akin?" sabi ko, pinipilit na maging matatag kahit nanginginig ako sa takot.
May bigla na lang sumipa sa dalawang lalaki kaya nabitawan nila ako. Tumingin ako sa sumipa at nakahinga ako ng maluwag nang makita kong si Zielle iyon. Putcha, akala ko katapusan ko na!
Walang emosyon ang mukha ni Zielle; well, palagi naman ganyan ang kaibigan ko. Tumingin siya sa babae ng matalim.
"Who are you?" malamig na tanong ni Zielle, hindi man lang makitaan ng takot. Takte, pareho sila ni Zahaira!
Napangisi ang babae, tila walang pakialam sa banta. "I’m just here for some fun," sagot niya, may halong paghamak.
"Fun? Sa tingin mo ba maganda ‘yan?" sagot ni Zielle, nakahanda na sa kahit anong mangyari.
Walang nagbago sa mukha ni Zielle habang lumapit ako sa kanya. "Zi, pilit nila akong sinasama," sabi ko, parang bata na nagrereklamo. Bumuntong-hininga siya pero nanatili ang tingin niya sa babae.
"I know, kita ko kanina pa," pilosopong tugon ni Zielle. Napangiwi naman ako sa sagot niya, pero alam kong nagmamalasakit siya.
"Anong plano mo?" tanong ko, ramdam ang kaba sa dibdib ko. Seryoso pa rin ang ekspresyon ni Zielle habang nag-iisip ng susunod na hakbang.
Nagsalita ang babae, "Hindi mo kailangan mag-alala. Wala kaming masamang balak. Kailangan lang namin ang tulong mo."
"Anong tulong?" tanong ni Zielle, hindi nagpatinag.
"May mga bagay na kailangan naming malaman tungkol sa AIS," sagot ng babae, ngumingiti pa rin na para bang hindi niya naiintindihan ang sitwasyon.
"At bakit kami?" tanong ko, medyo kinakabahan.
"Para sa seguridad ng paaralan," dagdag niya, tila wala pa ring pakialam sa takot na nararamdaman namin.
"I'm not stupid lady, if gusto niyo lang ng tulong namin bakit pilitan pa ang pagsama kay Kristell?" Seryosong tanong ni Zielle napa tango naman ako sa pag-sang ayon sakanyang sinabi.
YOU ARE READING
PART 1: Stay With Me (ON-GOING)
ActionDumalo ka sa en grandeng' selebrasyon at may nakilala kang lalaki na hindi mo inaasahan na sasabihin niya sayo... Ang sabihin saiyo na maging (Fake girlfriend niya) Papayag ka ba? [Stay With Me 1] (ON-GOING)