Kristell's POV
Humahapdi na ang kamay ko dahil sa
sobrang higpit ng pagkakatali sa kamay
namin, napatingin ako kay Haira na hindi
pa rin ito gumigising gusto ko siyang
lapitan ngunit paano ko naman magagawa yon kung gayon ang mga
kamay ko ay nakagapos.Tulog din sila Raine at Alyanna, siguro
sa pagod ay nakatulog na din sila
kanina pa kasi sila nagpupumilit na
makawala sa tali ngunit nabibigo lang
sila kaya nakatulog sila, ako naman
ay hindi makatulog hindi ko magawang
tumulog kung ganito ang sitwasyon.Bumukas ang pinto pumasok don ang
lalaki at may kasama siya, all black ang
suot, babae din ito dahil mahaba ang
buhok ang kaso nakamaskara ito hindi
ko makita ang mukha. Nagkunyari na
lamang akong tulog ngunit nakamulat
ako ng kaunti, pundi na masyado ang
ilaw kaya sure akong hindi nila ako
mapapansin na gising."Bakit kasi hindi ka nag-iingat?" Tanong
ng lalaki sa babae at umupo ito sa isang
silya, dinig ko ang pagmura ng babae
hawak hawak niya ang braso na hindi
matigil ang pag-agos ng dugo."Ang dami nilang kagamitan." Saad nung
babae, nanlaki ang mata ko dahil pamilyar saakin ang boses niya hinding
hindi ako pwedeng magkamali. Mas lalo
lang nanlaki ang mata ko ng hubarin niya ang maskara na itim, hindi nga ako
nagkakamali siya nga.Keziah Loraine Martinez...
Hindi ako makapaniwala na kalaban si
Keziah, hindi ko matanggap dahil minsan na kami nagsama nito sa
library at mabait naman siya....pero
sa tingin ko kapatid niya ang lalaking
yan at naghihiganti sila para sakanilang
ina."Anong gagawin mo sa mga yan?" Tanong ni Keziah habang ginagamot
niya ang kanyang sugat sa braso, tumingin saamin yung lalaki kaya medyo
ipinikit ko ang aking mata dahil baka
mahalatang gising ako."Ano pa nga ba? papatayin tapos sunod
kong papatayin yung Lolo nila." Walang
kasing yabang na sabi ng lalaki, natawa
si Keziah "Oh bakit? tsk tsk nainom mo
na ba ang gamot mo?" Tanong ng lalaki
kumunot ang noo ko.Anong gamot?
"Nope." Tugon ni Keziah
"Why? alam mo naman sumusumpong
ang pagiging bipolar mo diba?" Parang
nang-aasar pa ang tono ng lalaki, mas
lalo akong nagulat ano ba namang araw
ito! ginugulat na lang ako parati. Bipolar?
kaya pala minsan nung nakasalubong ko
si Keziah tumitingin siya saakin at
tumatawa akala ko nga may dumi lang
sa mukha ko eh.Minsan na nag kwento saakin si Zahaira
tungkol kay Keziah, ang sabi ni Haira ay
nagiging weird na daw si Keziah sinabi
saakin ni Zahaira na minsan niya ng
makita si Keziah na naiyak, tumatawa
o kaya naman sinasaktan ang sarili. Tsk
yun pala may bipolar disorder, katakot
naman."Marami ba kayong pinatay don sa mansion nila?" Tanong ng lalaki at
tinulungan na si Keziah gamutin ang
sugat niya, umiling iling si Keziah."Magaling makipag laban ang pamilya
Villamor, asintado sa pana ang bunso
nilang anak ang Ate naman ni Zahaira
ay malamang alam niya ang Martial Arts at mga paggamit ng kung ano anong
armas. Yung pinsan nila magaling sa
mga armas din, nagpaputok siya ng bala
kanina at nadaplisan si Liam."Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang
pangalang Liam....sana mali lang ako ng
iniisip sana mali lang ang iniisip kong ang Liam na tinutukoy nila ay Ex ko."Kamusta naman si Liam?" Tanong muli
ng lalaki"Nandito siya ngayon nagbabantay sa
magulang ni Zahaira, siya rin kasi ang
dumukot sa mga yon. Ayos naman siya
for sure ginagamot niya na rin ang sugat
niya." Tugon ni Kristell.
YOU ARE READING
PART 1: Stay With Me (ON-GOING)
ActionDumalo ka sa en grandeng' selebrasyon at may nakilala kang lalaki na hindi mo inaasahan na sasabihin niya sayo... Ang sabihin saiyo na maging (Fake girlfriend niya) Papayag ka ba? [Stay With Me 1] (ON-GOING)