CHAPTER 38

3 4 0
                                    

A/N: Ang chapter na ito ay maikli
lamang, but please sana hindi kayo
maboring ginagawa ko talaga yung
best ko para makagawa..

Zahaira's POV

Nung araw na kaarawan ni Enzo hindi
siya dumating nasayang surprise ko
sakanya ang mas malala pa ay yung
nabalitaan ko, pumunta daw sila ng
kanyang pamilya sa Korea ilang days
na ngunit hindi pa rin siya umuuwi dito
sa pilipinas, umaasa pa rin ako dahil
hindi naman siya nag drop out siguro
naman babalik pa siya...

Nandito ako ngayon sa aking kuwarto
nakatayo at nakatingin sa vanity mirror
nakapang uniform na ako ngunit ang
sarili ko ay hindi ko pa naaayos, alam
kong pagod na si Melissa sa katigasan
ng ulo ko pana'y kasi ang pag-ayaw ko
sa hinahatid niyang pagkain saakin,
wala akong gana kumain, paano pa ako
kakain kung ganon naman ang malalaman ko?

Pumasok si Melissa, syempre alam ko
na ang gagawin niya nahihiya na ako
dahil para akong bata napakapasaway
ko, nag puyod na lang ako hindi na
naglagay pa ng kung ano-ano sa aking
mukha at pumasok na lang sa school.

Nakarating ako ng maaga sa school,
sa mga nakalipas na araw marunong
na agad ako magmaneho ng kotse at
ngayon na kaarawan ko niregaluhan ako
ng magulang ko ng kotse, may kaunting
ngiti sa labi ko ng tanggapin ko yon pero
mas nangingibabaw ang sakit at lungkot
pinark ko na ang sasakyan ko sa parking lot at bumaba na, hindi ako dumeretso sa gate kundi sa maliit na gate ako
dumeretso ayoko don pagtitinginan
nanaman ako ng mga tao at sasabihin
na 'okay ka lang Zahaira?' pagod na ako
sagutin silang 'Oo I'm fine.'

Unti-unti na rin narin nawawasak ang
main building, kahit pa ilang days yan
ang daming nangyari pero ang isip ko
na kay Enzo lang, kelan siya uuwi?
iniisip niya rin kaya ako? alam kong
napakadesperada ko dahil nagdasal pa
ako na sana umuwi na dito si Enzo dahil
miss na miss ko na siya.

Pumasok ako sa classroom, binati ako ni Chad ng masaya sometimes naiinggit ako sakanya dahil kahit wala si Enzo ay nagagawa niyang maging masaya.

"Nag breakfast ka na Zahaira?" Tanong ni Chad at inalok ako ng tinapay niya na may palamang Nutella, ngumiti lang ako at umiling ginulo ko ang buhok niya at umupo na.

"Alam mo mugto na yang mata mo" Tumingin ako kay Kokoy "Kumain ka na ba?" Tanong niya, bumuntong hininga ako at nagpilit ng ngiti sabay iling

"Ngek! bakit hindi ka pa nakain? naku
pag ganyan daw busy daw sa paghaha-
nap ng boyfriend eh!" Pang-aasar sakin
ni Zion ngunit hindi ko man lang magawang sumabay sa trip niya alam
ko naman gusto lang nila ako patawanin
pero ala epek. "Wala na nga si Enzo mo
naghahanap ka pa ng—" Binatukan siya
ni David at may binulong, tumingin silang lahat saakin at nginitian ako.

Weird..

"Happy birthday, Zahaira!!!!!!" Napatingin ako sa pinto nang marinig ang sigaw. Pumasok doon si Richelle, Emma, at Riza na may dalang cake. Tumayo ang lahat at pumalakpak habang kumakanta. Kahit na pilit akong ngumiti, ramdam ko pa rin ang lungkot sa loob.

"Thank you," sabi ko nang medyo mahina

"Yieee! Wish na muna bago mo i-blow yung candle!" si Richelle, excited na para bang bata.

Kumunot ang noo ko. Paano nga ba ako magwi-wish? "Sige, wish ko na," sabi ko na lang, nakatingin sa mga candles na nakasindi.

Isang malalim na hininga at nahirapan akong isipin ang tama sanang hilingin. Sana, umuwi na si Enzo. Ang pakiusap ko sa isip ko. Hindi ko na pinansin ang mga tao sa paligid na nagmamasid.

PART 1: Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now