CHAPTER 22: JEALOUS?

18 7 0
                                    

Zahaira's POV

"Bakit ang daming tao?" Bulong ko sa
aking sarili bago pumasok sa gate, nasa
parking palang kasi ako ay ang dami ko
ng tao nakikita na papasok sa loob ng
school. Napahikab pa ako, kasi naman
pag-uwi ko kahapon chinat agad ako ni
Jeanne na maaga daw kaya pumasok ako na 6:40 AM pa lang, dumeretso na
muna ako sa cafeteria kailangan ko kasi
uminom muna ng kape pangpagising.

"Ang aga mo Zahaira ah" Bungad saakin
ng tindera sa cafeteria hindi ko nga to
maintindihan kung bakit ang bait bait niya sakin eh lagi ko naman siya
sinusungitan. Maybe sanay na sila sa
ganong ugali ko.

"Coffee lang." Saad ko, at saka kinuha
ko ang aking pera at inabot sakanya,
mayamaya pa ay inabot na rin saakin
ang coffee ko pinili ko ang hot coffee
para naman mahimasmasan man lang
ako, lintek na ang aga ko kasi nagising
plano ko talaga sana na saktong 7 na
lang ako pupunta dito pero ayoko naman makita ang ama ko. Oo galit
pa rin ako sakanya at parang hindi na
mawawala pa yon, sino ba naman kasi
hindi magagalit pag sinaktan ang ina
at kapatid? lalo na ng pagbuhatan niya
ako ng kamay.

Hindi ko rin maintindihan yung ama ko
e, para siyang may bipolar paminsan
minsan good mood siya pero kadalasan
naman ay bad mood pa, uuwi na may
tama ng alak, magwawala tapos sisihin
si mommy kung bakit bumaba ang
kumpanya niya. Alam ko naman mahirap
at nakakadismaya talaga dahil saksi ako
sa paghihirap ng ama ko para lang tumaas ang kumpanya niya pero kahit
ganon wala naman siyang karapatan na
saktan ang anak niya at lalong lalo na
ang asawa niya.

Para lang don mananakit siya? tapos
sisisihin pa si mommy? mas mabuti
siguro kung doon muna siya sa isa
niyang bahay mag stay, nababadtrip
ako pag nakakasama ko sa iisang
bahay ang ama ko. Masama na kung
masama eh hindi nila ako masisisi,
talagang napakalaki na ng galit ko kay
daddy. And that will never change.

Habang iniinom ko ang aking coffee
napapansin kong marami na rin tao
dito sa cafeteria, alam kong mga
estudyante rin sila dito pero anong
ginagawa nila dito sa school? diba
dapat mga representatives lang at
kaming mga students council lang ang
pupunta rito?. Sinawalangbahala ko na
lamang yon pake ko ba sakanila, tumayo
na ako at lalabas na sana ng cafeteria
ng may humarang saaking mga lalaki,
familiar ang pagmumukha nila.

Tss, mga mukhang paa.

Kunot-noo ko silang tinignan isa-isa
wala nanaman ba silang magawa at
ako naman ang pinagdiskitahan? Wow!
magaling din tong mga tukmol na to.
Buntong hininga akong maglalakad na
sana papunta sa isang exit pero humarang ulit sila. Kaya naman nainis
na ako

"Ano bang problema niyo?!" Inis na
tanong ko sakanila, ngumisi naman
sila siguro ay masayang masaya na
sila dahil nainis na nila ako. "Pwede
bang umalis kayo sa dadaanan ko."

Pero hindi sila sumunod, nanatili sila
na nakaharang sa dadaanan ko napatingin ako sa palagid at nakita
ko na ang pagbubulungan ng mga
estudyante. Bakit ba nandito sila?

Inis ako napabuntong hininga, ano ba
kasing problema ng mga to? at ang
lakas naman ng loob nilang harangan
ang dinadaanan ko. "Get the fvck out of my way!" Naiinis ko na talagang sabi
pero tumatawa lang talaga sila nabuang
na ata ang mga to dalhin ko na ba sa
mental hospital?

"Don't make me lose my fvcking patience!" Singhal ko, at tumawa
nanaman sila, sayang saya talaga
sila na iniinis ako.

"Tama nga ang sinabi nila matapang
ka nga.." Parang humahangang sabi
ng may earrings sa tenga, buntong hininga ko siyang tinignan pag talaga
ako hindi nakapagtimpi, masasapak
ko to. "Girlfriend ka raw si Lorenzo?"
Tanong niya, napataas ang isa kong
kilay

PART 1: Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now