CHAPTER 18

18 9 0
                                    

Reishary's POV

Kung hindi lang ako tinali ng mga lalaking to malamang sinuntok ko na
sila, nang pagbaba ko kasi ng tawag
kanina kasabay naman non ang pag-
pasok nila kaya naabutan nila akong
may hawak na cellphone, natakot sila
baka daw nagsumbong ako kaya kinuha
nila ang cellphone ko at tinali naman
ako sa silya.

At ngayon nakapalumbaba ang mga tong nakatingin saakin para bang
sinusuri nila ang mukha ko, hindi ko
maiwasan na mailang dahil kada
lilingon ako sakanila ay nangiti sila ng
nakakaloko, pero except sa isang lalaki
na nakapalumbaba lang na nakatingin
saakin at walang emosyon ang mukha.

Pasimple akong pumipiglas sa pagkaka-
gapos ko sa aking kamay, hindi naman
nila mahahalata yon dahil titig na titig sila sa mukha ko. Kailangan ko ng
makawala dito hindi pwedeng wala
akong gawin, hindi pa'ko sure kung
mapupuntahan ako ni Zahaira, dahil hindi niya rin naman alam kung nasaan
ako.

Hanggang sa magsalita na ang isa..

"Tagal naman! pupunta ba ang lalaking
yon?!" Inis na sabi ng isang lalaki na may hikaw sa labi, sumagot naman ang
isa ding lalaki na may hikaw naman sa
kilay.

"Hintay lang, dadating yon."

"Mali ata tayo ng dinala eh! mukhang
hindi naman niya to kahinaan!" Sabi pa
ng may hikaw sa labi, bumuntong hininga naman ang isang lalaki na may
kulay sa buhok, umayos ito ng upo at
hinarap ang mga kasama niya

"Kaibigan niya tong babaeng to, I'm sure
na pupunta agad siya dito." Saad ng may
kulay ang buhok, mukhang hindi naman
naniniwala ang may hikaw sa labi dahil
napairap pa ito at umayos rin ng upo
ngunit bubuka pa lamang ang kanyang
bibig ay nagsalita ulit ito "Wag ka ng
magsalita, kaunting tiis pa."

Walang nagawa ang lalaki kundi ang
tignan nanaman ako hindi naman siya
nakakatakot dahil nakangiti pa ito sakin
habang nakapalumbaba ulit na nakatingin saakin.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang
magsalita muli, "Ang tahimik, baka gusto
mong mag-kwento kung anong feeling
maging president?" Nakangiti nitong sabi saakin, napataas ang isa kong kilay

Seryoso ba to?

Halata namang hindi ko gusto mag-
kwento kaya nagsalita na lang ulit siya..

"Kaming tatlo.." Panimula niya habang
tinuro ang may hikaw sa kilay at yung
may kulay sa buhok, "Mag kaklase kami
dati katulad mo ay sa AIS rin kami nag-aaral senior kami ng sumali kaming tatlo sa Dargez isa yon na pinakang kilalang groupo dati sa AIS, kaso masasama naman ang sumasama sa groupo na yon at kasali na kami don" Kwento niya at halatang proud pa siya sa huli niyang sinabi, napakunot noo na lang ako.

Magkwekwento pa sana itong lalaki na
ito ngunit bigla na lang bumukas ng
malakas ang malaking pinto at iniluwa
non ay si............

MATTHEW?

Kaagad akong naguluhan, ang lalaking
sinasabi ba nila ay si Matthew? dinukot
nila ako para lang pumunta dito si Matt?
pero bakit ako? hindi rin naman kami
masyadong close neto ni Matthew..

Walang buhay ang mga mata ni Matthew, nakakuyom ang dalawa niyang
palad, magsasalita na sana ako ng mapagtanto kong hindi lang siya ang
pumasok dahil sa likod niya ay nandoon
sila Gab, Zion, Carson at Kokoy seryoso
lang ang mga mukha nito bagay na ngayon ko na lang muling nakita sakanila.

"Damn... finally nandito ka na rin masaydo ka talagang pabida no? ang
tagal tagal mo napakalapit lang naman
nito sa school niyo." Saad ng may kulay
ang buhok at saka siya tumayo

PART 1: Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now