CHAPTER 19

17 9 0
                                    

Zahaira's POV

Ayokoooo na!!!

Pagod na pagod nako! ang layo ko pa
sa school dapat tulog pako ngayon eh!
kainis naman hirap naman kasi magtago
ng sekreto kay Ate! nalalaman niya

"Hey."

Napalingon ako sa gilid at nakita ko
ang lalaki na nakausap ko sa coffee shop nakasakay ito sa kotse niya na
Wow... sobrang ganda ng kotse niya,
halatang mamahalin. Nakangiti siya
saakin syempre nakalabas nanaman
yung dimples niyang dagdag pogi points.

"Bakit naglalakad? do you want me to take you to AIS?" Tanong niya, kumunot
naman ang noo ko at dahan dahang
umiling, nakangiti pa rin siya "Are you
sure? mukhang hirap na hirap ka na
kasi, bakit ka kasi naglalakad? wala
ka bang kotse?"

"Wala. Hindi rin naman ako marunong
magmaneho ng kotse."

"Sabay ka na sakin, dadaan din ako
dun."

Taas kilay ko siyang tinignan at
bumuntong hininga Wala naman
sigurong masama kung sasabay ako
diba?

"Fine." Saad ko at binuksan ang pinto
sa backseat sana ako uupo kaso sabi
niya sa unahan na lang daw kaya sinunod ko na lang. Pagkapasok ko
ay hinintay niya lang mag seatbelt ako
at saka niya pinaandar ang kotse

"Wala bang naghahatid sayo?" Tanong
niya habang nagmamaneho, ngumuso
ako at tumingin sa bintana

"Punishment yon."

"Punishment?"

Bumuntong hininga ako "Oo" Malungkot
kong tugon at saka sumandal sa bintana
"Hindi ko alam kung ilang araw akong
maglalakad papunta sa school, nalaman
kasi ni Ate na nakipag away ako kaya
may ganito ang punishment ko."

"Tsh, seriously ganon lang punishment
niya?" Hindi makapaniwalang tanong
niya, Kumunot naman ang noo ko habang nakanguso pa rin

"Anong ganon lang?" May halong Inis
na tanong ko sakanya

Tumawa naman siya ng mahina "Kung
ako kasi siya mas malala pa diyan ang
magiging punishment mo."

Ngumuwi ako at saka umirap "Kaso hindi ikaw siya." Bored kong sabi dinig
ko naman ang pagtawa niya ng mahina
at hindi na lang nagsalita pa. Umabot
rin ng 40 minutes bago kami makarating
sa school, inalis ko na ang seatbelt ko
at saka humarap sakanya

"Thankyou!" Masaya kong pasasalamat
sakanya, ngumiti naman siya ng malawak

"You're welcome." Saad niya, ngumiti na
lang din ako ng malawak at saka binuksan na ang pinto, bumaba na ako
at hinarap ulit ang sasakyan niya ng
makita kong binuksan niya ang bintana
ay kumaway kaway ako, aalis na sana
ako ng may makalimutan akong itanong
sakanya.

"Ano pala pangalan mo?" Tanong ko

"Darrell."

Napa-ahh na lang ako habang tumatango-tango, nagpaalam na lang
din ako at saka pumasok na sa gate.
Darrell pala pangalan niya, naks naman
guwapo na ganda pa ng pangalan.

Pagkapasok ko sa gate ay kaliwa't kanan ang pagbati saakin, habang
naglalakad ako ay may dalawang
babae akong nakasalubong at dinig
na dinig ko ang pagbubulungan nila.

"Be! alam mo na ba yung chismis?"

Kumunot ang noo ko tinignan ko ang
relo ko at ng makita kong maaga pa ay
umupo na lang ako sa mahabang upuan
at binuksan ang libro ko. Pero nagtaka
ako dahil rinig na rinig ko pa rin ang
boses ng mga babae na nakasalubong
ko kanina kayat lumingon ako sa gilid ko
at nakita ko ang mga babae na nakaupo
rin pala.

PART 1: Stay With Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now